RHACK'S POV
Muka ka talagang mabait kapag tulog." pabulong na sabi ko habang nakatingin sa tulog na si erikha. Nandito na kami at siguro 2 minutes ko na syang tinitingnan
Hmm." sabi nya kaya napa ayos ako ng upo at ginising na sya
Wake up." pinisil ko ang pisngi nya kaya nagising sya
Hindi pala anghel ang tumatawag sakin." may binulong sya habang hawak ang pisngi nya kaya hindi ko narinig
May sinasabi ka?"
Wala." yamot na sabi nya sabay tingin sa paligid
Nandito na tayo?" tanong nya kaya tumango na ako at lumabas. Buti nalang hindi nya ako nahuli na nakatingin sa kanya
Omgiee, ang ganda naman!" namamangha nyang sabi. Lumayo ako sa akin ng bahagya tapos nag selfie
Inaya nya rin akong mag picture kaya pinagbigyan ko na. Nakakatawa pa nga yung huling kuha namin. Para syang nakakita ng multo hahahaha
Tara." sabi ko sabay kuha sa maleta ko
Babalikan ko nalang yung iba." kinuha nya narin ang dalawang bag nya
Pagdating namin sa front desk ibinigay na agad sa amin ang room namin. Tinulungan narin kami ng isang staff sa mga dala namin
Nandito kami sa isang resort na malapit lang sa dagat. Dito gaganapin ang photoshoot at event kaya hindi na ako nagtataka kung bakit kilala na kami dito
Pagdating namin sa kwarto namin ibinaba na namin ang gamit namin
Dito ka muna, kukunin ko lang yung iba pang gamit." lalabas na sana sya ng pigilan ko sya
Sasama ako."
Ha? Wag na."
Sasama ako." hindi na sya naka angal at lumabas nalang kaya sumunod na ako. Paglabas namin saktong dumating si Manager Lyn
Andyan ka na pala rhacks."
Bakit?"
Briefing." maikling sabi ni manager
Tumingin ako kay erikha at parang nagets naman nito ang sinasabi ko
Kaya ko naman ng buhatin yun eh. Sige, bye." kumaway sya samin ni manager Lyn bago umalis
************
ERIKHA'S POVMukang makakadalawang balik pa ako ah." mahinang bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga dadalin ko
Buti sana kung damit lang ni rhacks ang bubuhatin ko diba? Paano naman yung gown kong nakabox pa
Sinimulan ko ng kunin ang mga damit ni rhacks. Babalikan ko nalang yung sakin
Erikha?" napalingon ako sa tumawag sakin
Jack!" masayang bati ko sa taong nasa likod ko. Hulog talaga ng langit sakin si jack
Kailangan mo ng tulong?" gusto ko sanang sabihin na 'halata ba?' Pero pinigil ko ang sarili ko. Hindi natin dapat sungitan ang mga hulog ng langit
Oo eh. Pwede pakuha nung box." sabi ko sabay turo sa box na nasa loob pa ng sasakyan
Kinuha nya yung dalawang box tapos sya narin ang nag sara ng pinto ng sasakyan
Kadadating mo lang?" tanong ko
Oo. Kayo ba?"
Nauna lang ng konti. Nasan na yung iba?" tanong ko
Padating narin yung mga yun." sabi nya habang lumilinga linga
BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Roman pour AdolescentsMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...