ERIKHA'S POV
Hindi ko alam kung paano ako naka balik sa room ko basta ang alam ko ina-alog alog na ako ni ate Roxie
"Erikha anong nangyari? Bakit tulala ka? May masama bang ginawa si Rhacks?! Ni-rape ka ba nya?! Ano?!" hysterical na sabi ni Ate. Ang cute ni ate Roxie 'no? super bait.
"W-wala po." wala sa sariling sagot ko. Alangan ipagkalat ko yung ginawa ni Rhacks? Hindi ko nga alam ang dapat kong maramdaman sa ginawa nya ipagka-kalat ko pa. Halo halo na ang nararamdaman ko, eh. Natutuwa, nalilito, galit (first kiss ko yun!) kinikilig, nalulungkot, basta! Hindi ko na alam.
"Sure ka ba? Super namumula ka kasi, eh. May sinabi bang hindi maganda si Rhacks? Nako, kasalanan ko pa ata kapag mas lalo kayong nag-away." problemadong sabi ni Ate Roxie. Gusto ko sanang sabihin na may hindi magandang ginawa si Rhacks kaso wag na lang. Baka mabug-bog ako ni ate Roxie, boto pa naman sya sa loveteam namin. Char! Walang love! walang forever sabi ni ate Blare.
A/N ( Lumilipad po yung ibang characters ko lol!)
"Ligo lang po ako." mabilis akong pumasok sa banyo at nag ikot ikot. Ilang minuto pa bago ko mapag pasiyahan na maligo talaga. Pagkatapos kong maligo sinuot ko ang bathrobe na nandito at lumabas. Saktong pag labas ko nakita ko sya na pa-pasok ng kwarto namin ni ate.
"Bakit ba ate---" napa hinto rin sya ng makita ako. Natulala naman ako at hindi alam ang gagawin. Ilang segundo kaming nakatayo lang at nagtiti-tigan bago kami matauhan, mabilis akong bumalik sa loob ng banyo samantalang lumabas naman sya. Nauntog pa nga ata kasi narinig kong may humampas sa pinto.
Nag stay ako ng ilang minuto sa banyo bago lumabas at kumuha ng damit. Nakalimutan ko kasing kumuha kanina dahil wala naman sa isip ko ang maligo talaga. Pagka-kuha ko ng damit ay pumasok na ulit ako sa banyo para mag palit.
Paglabas ko ng banyo nagulat pa ako ng makita ko sa harapan ko si ate Roxie
"Huwag mo naman akong gulatin ate. Mahina ako sa gulatan, eh." sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko
"Anong nangyari kay Rhacks? Paglabas nya dito parang hindi na mapakali, eh." napalunok ako sa sinabi nya
"Ewan ko dun. Naliligo ako sa loob eh, hehe. Anyway ate Roxie, okay lang naman siguro na hindi kagandahan ang suot mamaya diba?" iniba ko na agad ang topic dahil baka mapa-amin pa ako ng wala sa oras
"Oo nga pala! May ibibigay akong damit sayo." may hinalungkat si ate Roxie sa gamit nya bago bumalik sa harapan ko dala dala ang isang white dress
"Do you like it? Unang tingin ko palang sa dress na 'to I know na bagay na sya sayo." napalunok na naman ako ng tingnan ko ang dress. Tingin ko palang alam kong fit na sya sakin tapos kita pa ang likod ko. Kapag sinuot ko 'to for sure makikita ang mga tinatagong curves ko!
"Maganda po." nakangiting sabi ko kahit hindi ako sure kung kaya ko itong suotin mamaya
"Good. Pagagandahin kita mamaya." nakangiting sabi ni ate Roxie. Ewan ko pero parang kinabahan ako sa ngiti nya?
---
Nandito ako sa buhanginan at naka upo. Hanggang ngayon bumabalik sa isip ko yung nangyari kanina!
Gusto ko na talagang gumulong dito sa buhangin, kanina ko pa gustong kiligin kaso may pumipigil sakin. Baka kasi wala lang yun diba? Ang sakit kayang paasahin. Si author feeling pinaasa lang yan, eh
A/N (sinama mo pa talaga ang love life ko)
Wala ka nga nun author! Baka may irereto kayo kay author. Feel free to message her, mabait yan mukha lang hindi hahahaha!
BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Teen FictionMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...