chapter 29: Smile

1.2K 56 10
                                        

ERIKHA'S POV


Kanina pa kami nag iikot ni rhacks at madami dami narin akong naisulat sa notebook ko. Puno na naman ang schedule ng aking amo. Kahit pagod na ako sa paglakad lakad namin dito sa event na to ay nakangiti parin ako sa mga taong nakikita namin. Nagkapaltos pa ata ako dahil sa suot kong heels

Sa kakalakad din namin nakita ko na si jack na may kausap na babae. Kanina sa resort may kausap rin sya eh, hinalikan pa nga sya sa pisngi tapos ngayon meron ulit syang kausap

Habang naglalakad ay muntik na akong madulas buti nalang at nahawakan ko si rhacks kaya hindi natuloy pero naging reason yun para mapatingin sya sakin

Bakit?" tanong nya habang inaalalayan akong makatayo ng maayos

Pwedeng mamaya na ulit tayo maglakad? Ang sakit na ng paa ko eh." alanganin pa akong ngumiti sa kanya. Trabaho kong sumunod sa kanya kaya hindi ko dapat sinabi yun pero masakit na talaga ang paa ko eh

Sure." inalalayan nya ako pabalik sa table namin at habang naglalakad kami yung ibang tao napapatingin sa amin. Nako issue na talaga to!

Stay here. Ako nalang muna." aangal pa sana ako pero umalis na sya

Is there a problem?" tanong ni ash. Hindi kaya sya nag ikot? Naabutan nalang namin sya dito eh

Sumakit paa ko eh." sabi ko habang bahagyang hinihilot ang paa ko

Let me help you." sabi nya sabay tayo. Pumunta sya sa tabi ko at lumuhod tsaka hinilot ang paa ko

Hala, wag na." ilalayo ko na sana ang paa ko kaso hindi nya na binitawan

I insist." hinayaan ko nalang sya na hilutin ang paa ko

Thanks." sabi ko ng medyo mawala na ang sakit

Here suotin mo muna to." sabi nya tapos hinubad ang sapatos nya

Hindi na, ayos naman na ako tsaka wala kang susuotin." tanggi ko pero nag pumilit sya kaya pumayag narin ako

Paano ka nyan?" tanong ko ng maisuot ko na ang sapatos nya. Ang laki naman ng paa ng lalaking to

I can handle myself." sabi nya at umupo na ulit sa tabi ko

Sure ka? Baka mamaya may tumawag sayo eh."

Don't worry I'm okay."

Hiramin mo muna kaya itong heels ko." sabi ko sabay pakita sa kanya ng heels na suot ko kanina

No way." sabi nya habang umiiling

Ashton." napatingin kami sa babaeng mga nasa mid 30's na tumawag sa kanya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

tita." sabi ni ash at tumayo para lumapit sa babae. Nakipag beso sa kanya ang babae paglapit nya dito

Ang laki mo na ah, but where's your shoes?" tanong nung babae

Uhm pinahiram ko po muna sa kanya." sabi ni ash at tumingin sa akin kaya napatingin din sa akin yung babae

Girlfriend mo ba sya ijo? Infairness magaling kang pumili sa babae ah." biro pa nung babae

What the hell?! Ano ba yan, kanina kay rhacks ngayon naman kay ash?!

Nako hindi po." sabay na sagot namin ni ash.

Kung hindi mo sya girlfriend bakit mo sya pinahiram ng sapatos mo? In denial pa kayong dalawa." nakangiting sabi nung babae. Magsasalita na sana ako kaso nagpaalam sya na aalis na kaya hindi na kami nagsalita pa

Napagkamalan pa akong girlfriend mo." nakasimangot na sabi ko. Kung mag boboyfriend ako, gusto ko kasing ugali ni laxus. Teka---- nasaan na pala ang lalaking yun? Hindi na ako tinetext or tinatawagan nun eh

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon