***** RHACK'S POV *****
"Omygosh! Bakit ganyan ang muka mo?!" pagbaba namin ng sasakyan sinalubong agad kami ng mga kaibigan namin. Nangingibabaw pa ang boses ng tatlong kaibigan ni erikha
"Wala kong tulog eh." nauna na syang maglakad samin pero napahinto rin ng hawakan ni jack ang braso nya
"Bakit wala kang tulog?" tanong ni jack
"Matulog ka muna." sabi naman ni axel
"Makinig ka samin erikha." sabi rin ni ash
"Hindi makikinig sa inyo yan, matigas ang ulo nyan eh." tamad na sabi ko
"Pilitin nyo. Mukang isang tulakan nalang yan eh." sabi ni andrew kaya sinamaan sya ng tingin ni erikha"Oo nga. Oh kaya itulak nyo na para makatulog." sabi naman ni rex
"Ikaw kaya itulak ko dyan? Gusto mo!" napailing nalang ako ng sumigaw si erikha. Wala na nga syang lakas sumigaw pa sya. Matigas talaga ang ulo
Inasar pa sya ni brex kaya nag walk out sya. Ang sakit talaga sa ulo ng apat na to
"Ayan umalis tuloy." sabi ni princess
"Tsk, ang tigas talaga ng ulo." nauna na akong mag lakad sa kanila pero ramdam ko namang nakasunod sila sakin
Bakit parang ang bilis mag lakad ni erikha?
"Rhacks ano bang ginagawa ni erikha sa gabi?" tanong ni jack
"Ewan." maiksing sagot ko habang tinatanaw kung nasaan na si erikha
"Mamaya makakatulog na naman sa klase yun." sabi ni lisa
"Pag nakatulog dalhin nyo sa clinic." sabi naman ni jennie
"Ako magdadala sa kanya." sabi ni jack. Hindi ko na sila pinansin at nag lakad nalang. Naririnig ko pa ang bulungan ng mga studyante tungkol sa amin ni erikha
"Sila na ba talaga?"
"Parang oo."
"Hindi naman sila bagay."
"Si leah parin ang bagay sa kanya."
"Pera lang naman ang habol ni erikha kila rhacks."
"Kawawa naman sila rhacks. Naloloko sila ng isang gold digger."
Mabilis na kumuyom ang kamao ko sa narinig ko. Kailan pa naging gold digger si erikha?!
Lalapit na sana ako sa kanila ng makarinig ako ng sigaw. Pati ang mga taong nagtsi-tsismisan kanina ay pumunta sa kumpulan ng mga tao
"Problema ko? Ikaw! Gold digger bitch." natigilan ako sa narinig ko. Gold digger? Isa lang naman ang taong tinatawag nila ng ganun
"Anong nangyayari?" tanong ni axel
"May away ata." sabi naman ni lisa
"Hindi kaya---" hindi na natapos ni jennie ang sasabihin nya ng marinig namin ang boses ng nag salita
"Bitawan mo ang buhok ko."

BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Teen FictionMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...