Naputol ang pagkakatulala ko sa board ng mag paalam si hesha na mag c-cr. Maya maya konti ay nag paalam din akong mag c-cr
Pagdating ko sa cr narinig ko ang boses nya sa isa sa mga cubicle na kumakanta. Kanta kanta pa sya, sintunado naman. Ang sakit sa tenga ng boses nya
"Tingnan natin kung makaka-kanta ka pa dito." nakangising bulong ko habang inilalabas ang supot na may lamang ipis at daga na nasa loob ng bag ko
"Itigil mo sa gilid!" sigaw ko kay rhacks ng may makita akong bangketa na nagtitinda ng laruan
"Bakit?" naka kunot na naman ang noo nya ng lumingon sakin
"May bibilhin lang ako, dito ka nalang ha?" mabilis akong bumaba ng sasakyan at pumunta sa bangketa. Bumili ako ng maraming ipis at daga kay kuya, buti nalang at marami syang dala. Pagkatapos kong mag thank you ay bumalik narin ako sa loob ng sasakyan
"Ano yan?" tanong nya habang nakatingin sa supot na dala ko
"Ito? Wala lang to. Ipang de-design ko lang sa kwarto ko." sabi ko habang inilalagay sa bag ang supot.
Humanda ka sakin hesha wahahahahaha!
Kumuha ako ng isang dakot ng daga at ipis tsaka ko ito ikinalat sa sahig. Ang natitira ay inihagis ko sa loob ng cubicle kung nasaan si hesha
"KYAH!!!" mabilis peor maingat akong nagtago sa isang cubicle ng marinig ko ang sigaw nya. Hindi ko ito tuluyang isinara dahil gusto kong makita ang reaction nya
Hindi pa nya naisasarang mabuti ang palda nya ng lumabas sya ng cubicle. Sumigaw at nanlaki ang mata nya ng tumingin sa sahig na puno ng ipis at daga. Madapa dapa syang tumakbo palabas ng cr habang nagsisisigaw
Nang tuluyan na syang mawala ay tumawa ako ng malakas. Napahampas pa ako sa pinto ng cubicle sa sobrang tawa ko. Ilang minuto pa akong tumawa bago mahimasmasan
"Happy?" napatingin ako sa taong nag salita
"Jack? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang pinupunasan ang mata ko. Naluha kasi ako kakatawa
"Sinundan ka. Sabi ko na eh, may kalokohan ka na namang gagawin." umiiling na sabi nya
"Kilala mo talaga ako. Tara na baka bumalik pa yun." hinatak ko na sya palabas ng cr
"Wag na muna tayong pumasok." napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya
"Hindi pwede baka mapagalitan tayo."
"Isang subject nalang naman na tapos mag lu-lunch break na." napatingin ako sa orasan ko dahil sa sinabi nya. Oo nga, isang subject nalang
"Sige na nga, pero saan tayo pupunta?"
"Saan mo ba gusto?" napa isip ako sa tanong nya pero isang lugar lang ang pumapasok sa utak ko
"Sa cafeteria." napanguso sya sa sinabi ko
"Bakit pa nga ba ako nagtanong eh iisang lugar lang ang gusto mo." umiiling na sabi nya pero ngumiti rin pagkatapos
"Gusto ko mag kanin eh."
"Tara na nga, ililibre kita ng isang kalderong kanin." natatawang sabi nya bago ako hatakin papunta ng cafeteria

BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Teen FictionMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...