Chapter 35: She lost her consciousness

747 36 5
                                    






Hindi pa nga tumutunog ang alarm clock ko ay gising na ako. Hindi ako excited pumasok, hindi kasi ako nakatulog ng maayos. 2 hours lang ang tulog ko dahil paulit ulit nag pa-play sa utak ko ang sinabi ni rhacks. Sana hindi rin sya nakatulog -_-

Parang zombie akong nag lakad papunta sa kwarto ni rhacks. Katulad ng dati ay hindi na ako kumatok, pumasok na agad ako. Wala na sa kama si rhacks at may naririnig akong lagaslas ng tubig mula sa banyo ng kwarto nya kaya malamang naliligo na sya. Himala at maaga sya

Bumaba na ako at pinaghanda ng pagkain si rhacks. Sa totoo lang para kaming mag asawa. Kikiligin na sana ako sa naisip ko kaso inaantok talaga ako eh

Pagkatapos kong ihanda ang pagkain ni rhacks ay dumukdok ako sa lamesa at umidlip. Nagising ako ng maramdaman ko ang mahihinang tapik sa balikat ko. Inangat ko ang tingin ko sa taong tumatapik sakin

"Kumain ka na." walang ganang sabi ko kay rhacks. Medyo nahilo pa ako ng iangat ko ang tingin ko sa kanya

"Natulog ka ba?" tanong sakin ni rhacks

"Ano sa tingin mo?" gusto ko sanang tarayan ang boses ko pero hindi ko magawa. Inaantok talaga ako ng sobra. Feeling ko nga isang tulak nalang sakin ay tutumba na ako

"Wala ka ng tulog at lahat nagtataray ka pa tsk. Wag ka ng pumasok, matulog ka nalang dito." sabi nya at umupo na para kumain

"No, no. Kailangan kong pumasok dahil ipa-pass ko pa ang mga assignments at project natin." sabi ko tsaka dumukdok sa lamesa. Hindi lang naman ako nag isip mag damag no, gumawa rin ako ng project namin. Yun nga lang mas marami ang pag iisip kaysa pag gawa

"What? Ginawa mo na naman yung sakin?" kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam kong naka kunot na naman ang noo nya

"Ano pa ba? Alangan namang akin lang ang gawin ko tapos iwan kita diba? P.A mo ako malamang gagawin ko yun."

"Dapat sinabi mo sakin." napabuntong hininga nalang ako sa pag sagot nya. Kung nasa maayos na pag iisip siguro ako ay makikipag away ako sa kanya kaso wala eh, hilo ako ngayon. Hilo!

"Oo na, oo na. Mag sasabi na ako sa susunod."

"Tsk. Matulog ka nalang dito at ako na ang magpapasa."

"Ayoko. May quiz rin tayo ngayon eh." umupo na ako ng diretso at nag hikab

"You need to sleep." umiling ako sa sinabi nya pero wrong move yun dahil nahilo lang ako. Bakit kasi umiling pa ako?

"Tsk. Ang tigas ng ulo mo! Kapag may nangyari sayo hindi kita tutulungan." concern ba sya sakin? Gusto ko na talagang kiligin pero mas lamang ang antok ko eh

"Walang mangyayari sakin." pag a-assure ko sa kanya

"Bahala ka." inis parin na sabi nya at hindi na ako pinansin kaya di ko na din sya pinansin, mabuti narin to dahil wala akong ganang magsalita ngayon




----------


"Omygosh! Bakit ganyan ang muka mo?!" gulat na sabi ni lisa, jennie at princess ng makita nila ako. Sinalubong kasi nila kami dito sa parking lot

"Wala kong tulog eh." balewalang sagot ko at nauna ng mag lakad sa kanila


"Bakit wala kang tulog?" tanong ni jack

"Matulog ka muna." sabi naman ni axel

"Makinig ka samin erikha." sabi rin ni ash. Sasagot na sana ako sa mga sinasabi nila ng sumingit si rhacks

"Hindi makikinig sa inyo yan, matigas ang ulo nyan eh." tamad na sabi ni rhacks. Spokesperson ko na ba sya ngayon?


"Pilitin nyo. Mukang isang tulakan nalang yan eh." sabi ni andrew kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Oo nga. Oh kaya itulak nyo na para makatulog." sabi naman ni rex

"Ikaw kaya itulak ko dyan? Gusto mo!" ginamit ko ang full force ko para lang masigawan sya

"Wag ka ng sumigaw, baka mahimatay ka nalang dyan bigla. Ireserve mo ang energy mo." kung may lakas lang ako ay nabatukan ko na si brex. Bakit ba ako ang trip ng tatlong to?

"Humanda kayo sakin tatlo." banta ko sa kanila at sinamaan sila ng tingin

"Bahala na nga kayo dyan." nauna na akong mag lakad sa kanila dahil gustong gusto ko na talagang matulog sa room. Medyo maaga pa naman kaya may oras pa akong matulog. Kung wala siguro akong ipapasa at kung wala kaming quiz ngayon baka sinunod ko na silang matulog nalang. Teror kasi ang teacher na magpapa-quiz ngayon kaya kailangan pumasok


Habang naglalakad ako sa hallway hindi nakatakas sa pandinig ko ang bulungan nila. Ako lang naman ang topic nila sa tsismisan. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, kumalat na talaga ang issue na kami na ni rhacks

"Hoy gold digger." napahinto ako sa paglalakad ng humarang sa harapan ko ang tae girls, sila hesha. Hinawakan nya pa ang braso ko. Simula ng patulugin ko sila ng mga kaibigan nya ay hindi na nila ako tinantanan ng kakaparinig nila.

Kesyo gold digger daw ako, masyado daw akong pa-epal at dikit ng dikit sa mayayaman. Hindi pa kasi nila alam na pesonal maid ako ni rhacks. Hindi narin naman nila dapat malaman. Hindi naman lahat ng magtra-trabaho kay rhacks kailangan alam nilang lahat diba?

"Ano na naman?" tamad na tanong ko sa kanya. Nakakairita na ang babaeng to ah


"Ang tapang mo talaga no?" sabi ng sa sa mga alipores nya

"Dapat dyan pinatatahimik eh." singit din ng isa

"Akala mo kung sinong maganda kapit mayaman naman." sabi ng isa pa. Kung makapag sabi sya akala naman nya maganda sya. Mga mukang lamang dagat! Muka silang mga hipon!

"Alam nyo wala akong oras sainyo. Kung inggit kayo sakin kase pinapansin ako ng idol nyo kayo hindi, wala na akong problema dun. Problema nyo na yun kaya pwede ba, tigilan nyo na ako." tinalikuran ko na sila at aalis na sana ng hatakin ng isa sa kanila ang buhok ko

"Wag mo akong sinasagot sagot ha!" sigaw ni hesha habang naka sabunot skain. Bakit naman ngayon pa? Wala kaya akong lakas na lumaban ngayon

"Ano bang problema mo?" hirap na sabi ko. Balak nya atang hilahin ang buhok ko para humiwalay ito sa anit ko

"Problema ko? Ikaw! Gold digger bitch." gusto ko ring sabunutan sya pero talagang umiikot na ang paningin ko. Alugin daw ba naman ang ulo ko eh

"Bitawan mo ang buhok ko." mahinahong sabi ko. Baka kasi madaan pa to sa mahinahong usapan eh

"Bitawan? Okay." akala ko ay bibitawan nya na talaga ang buhok ko pero iniharap nya ako sa kanya at sinuntok. Hindi naman masyadong malakas pero dahil nga nahihilo na ako ay bumagsak ako sa sahig

Mas lalo akong nahilo dahil nauntog ang ulo sa sahig. Damn, gagantihan ko talaga ang babaeng to kapag nakatayo ako

"What the hell!" sigaw ni rhacks na nasa likod nila hesha. Ano ba yan, late na sila

"R-rhacks " pinilit kong tumayo pero hindi ko na kinaya. Dapat pala sumabay nalang ako sa kanila para hindi ako naharang ng bruhang yun


Nakita ko syang papalapit sa akin bago mag dilim ang paningin ko. Gagantihan ko talaga ang hesha na yan!






👸👸 HOPE YOU LIKE IT 👸👸

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon