ERIKHA'S POV
Nandito kami ngayon sa studio dahil may photoshoot na naman ang master kong masungit pero mabait.
Habang kinukunan sya ng mga picture, nandito lang ako sa gilid at nagbabasa ng libro, yung binili ni master kahapon para sakin. May bait talaga sya sa katawan.
Ilang oras pa natapos na ang photoshoot kaya kinuha ko na ang gamit nya at umalis na kami dun. Pupunta ulit kaming mall dahil dun nya gusto mag lunch. Bago kami bumaba ng sasakyan nag ayos ulit sya ng pang nerd
Hoyy saan ba tayo kakain?" tanong ko sa taong naka hawak sa kamay ko. Hilig nyang hawakan ang kamay ko eh
Wag mo akong hino-hoy." tamad na sabi nya sakin
Dami mong alam, sagutin mo nalang yung tanong ko diba? Edi tapos ang usapan." inis na sabi ko. Kanina pa kaya ako nagugutom kakahintay sa kanya. Shooting shooting pa kasing nalalaman eh
Sino bang amo? Diba ako kaya sumunod ka nalang sa akin at wag mo akong hino-hoyy at sinisigawan." itinaas ko ang dalawang kamay ko na parang sumusuko na ako kaya nabitawan nya ang kamay ko
Oo na, sige na. Talo na ako." sarcastic na sabi ko
Kapag ganitong gutom ako hindi dapat ako inaaway.
Napa iling sya bago ulit ako hatakin papunta sa isang restaurant. Feeling ko nag hugis puso ang mata ko ng maka amoy ako ng mabango. Amoy pagkain!
Ano bang gusto mong kainin?" tanong nya kaya nagturo na ako ng nagturo ng mga pagkain
Ano ba yung kakainin mo pang isang taon? Masyado ka namang PG." nakasimangot na sabi ni master
Tinanong mo kung anong gusto ko diba? Edi sinabi ko kung ano ang gusto ko." naiinis na sabi ko
Kanina pa talaga ako nagugutom at yung pinili ko tama lang yun sakin. Kapag talaga gutom ako malakas akong kumain pero minsan naman hindi
Eh sa inyo sir?" pagsingit nung waiter. Ay nandito pa pala tong si ateng na waiter akala ko umalis na eh
Sisig and ice tea." pagkatapos nyang sabihin yun umalis na ang waiter sa harapan namin
Ang laki ng katawan mo tapos ang konti lang ng kinakain mo." sabi ko sa kanya
Hindi ako katulad mo na PG." inirapan ko lang sya sa sinabi nya
Hindi kaya. Kasalanan ko ba na nagugutom ako kakahintay sayo?"
Hindi pero kapag ang payat na katulad mo ang kumain ng ganun karami masama talaga. May sawa ka ba sa tyan?"
Wala dragon lang." sarcastic na sabi ko
Tsaka bakit mo ba ako kinakausap huh? Kelan ka pa naging madaldal? Tsaka asan na ba yung pagkain?" inis na tanong ko. Ang tagal naman kasi gutom na gutom na kaya ako
Muka ka talagang pagkain ano?"
Hindi ako mukang pagkain. Ano tingin mo sa muka ko fried chicken?"
Apaka literal mo ano?" sarcatic na sabi nya kaya inirapan ko sya
Nagsasabi lang ako nang totoo."sabi ko sabay nagpalinga linga. Where our food na ba kasi? So tagal ha
Mga ilang minuto pa may dumating na waiter sa harapan namin dala ang pagkain na inorder namin. Ang bango mga besh!
Heto na po yung pagkain nyo." sabi nung waiter habang binababa ang lahat ng pagkain namin
Parang nawala naman na parang bula ang katarayan sa katawan ko ng makita ang mga pagkain. Nag didiwang ang mga organs ko
Chibog time na."
BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
JugendliteraturMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...
