Chapter 38: Bipolar

685 35 1
                                    

Erikha's POV



Nakailang tunog na ang alarm clock ko pero ngayon lang ako bumangon. Gusto ko pa sanang matulog kaso may pasok. Nakatulog akong iniisip si rhacksg kaya nalate ako ng gising. Pero hindi na ako mukang zombie dahil mas may tulog ako ngayon kaysa kahapon. Bakit kasi ngumiti pa sya sakin

"Naipasa mo ba yung mga dala ko kahapon?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami. Daldal ako ng daldal kahapon pero nakalimutan kong itanong kung naipasa nya ang mga dapat ipasa

"Oo." tipid nyang sagot. May topak na naman ata ang master kong bato, kahapon lang okay kami diba? Bakit nagsu-sungit na naman sya ngayon?

"Sino nag pass?" tanong ko ulit.

"Lisa? Jennie? Jisoo?"

"Bakit hindi ka sigurado kung sino?" ang sarap naman kausap ng master ko. Isang tanong, isang sagot

"Dahil hindi ko alam kung sino ang gumawa ng inutos ko"

"Bakit inutos mo pa?"

"At bakit ang dami mong tanong? Kumain ka nalang dyan." poker face syang tumingin sakin bago ibaling ang tingin sa pagkain nya

"Eh ang sarap mo kasing kausapin eh. Isang tanong, isang sagot. Para tayong nasa talk show." sarcastic na sabi ko

"Ang dami mong alam. Yung schedule ko nakuha mo na?" kinuha ko yung notebook na nasa gilid ko at binuklat

"Ako pa, syempre oo. Mamayang hapon may photoshoot ka for elice magazine, dapat kahapon to pero dahil may nangyari minove nalang.
Sa Wednesday naman may photoshoot ka ulit para sa magazine at sa Thursday free ka. Sa friday naman may event kang gaganapan sa may company nyo and sa weekends naman pahinga mo." sagot ko at ibinaba na ulit ang notebook na naglalaman ng schedule ng bato kong boss

"Ako ng bahala sa mga project and assignment." pahabol na sabi ko

"No. Baka maulit ang nangyari kahapon."

"Nah. Kaya ko na yun tsaka hello Personal maid mo ako diba? Kasama to sa trabaho ko." nakangiti sabi ko para makita nyang okay na ako

"At kapag nag kasakit ka na naman anong balak mo?" yiee nag aalala sya sakin!

"Alagaan mo ulit ako tutal mukang mas magaling ka pa sa doctor eh." tinaas baba ko ang kilay ko pagkatapos kong sabihin yun

"Namimihasa ka." umiiling na sagot nya

"Eh diba aalagaan mo ako?"

"Anong aalagaan?" biglang sulpot ni ate roxie sa dinning area. Jusko nakakagulat naman si ate eh! Narinig nya kaya ang sinabi ko? Wag naman sana nakakahiya kaya!

"Nothing po ate roxie." casual na sagot ko para hindi halatang may iba pa akong sinabi. Naks, pwede na akong maging best actress!

"Okay. By the way sa saturday nga pala magkakaroon ng anniversary party sila mom and dad, alam mo naman yun rhacksie diba?" tanong ni ate roxie kay rhacks pero dahil hindi forte ni rhacks ang pagsasalita ay tumango lang sya dito

"Sumama ka erikha ha?" mabilis akong umiling sa tanong ni ate roxie

"Huwag na po. Mukang bonding nyo na po yun as a family eh."

"Part ka na ng family no." parang nay humaplos naman sa puso ko dahil sa sinabi ni ate roxie. Simula ng dumating ako dito hindi nila ipinaramdam na iba ako sa kanila, parang nakahanap ako ng pamilya sa kanila

"Basta sasama sya." bago pa man ako makasagot ay sumingit na si rhacks. Apaka singit naman nito! Natouch na ako sa sinabi ni ate roxie eh

"Okay sige. See you nalang mamaya." paalam ni ate bago umalis sa dining area kaya naman naiwan na naman kaming dalawa

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon