Chapter 16: Friendly date

407 20 1
                                        

ERIKHA'S POV

Master magpapa alam sana ako." malambing na sabi ko sa master kong gwapo na nakahiga sa kama nya

Naka kunot ang noo nya ng tumingin sa akin

Ano?" walang buhay nyang tanong. Hindi ba sya tinablan sa lambing ng boses ko? Bato talaga to

Natapos ko naman ang mga gagawin ko kahapon pa and wala ka namang schedule ngayon bukas pa. Baka naman pwedeng mag day off."

Nakatingin lang sya sakin at hindi nag sasalita kaya kinabahan ako. Baka hindi nya ako payagan!

Okay." bumalik na sya sa pag cecellphone pagkatapos sabihin yun. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sagot nya

Thank you master!" masayang sabi ko. Paalis na sana ako ng magtanong sya

Saan ka pupunta?"

Sa kaibigan ko po." magalang na sagot ko. Dapat mabait ako ngayon kasi baka mag bago ang isip nya kapag sinagot sagot ko sya

Kaninong kaibigan." pinigilan ko ang sarili kong sabihin ang chismoso ka na pala ngayon master kasi nga baka mag bago ang isip nya

Kay laxus po."

Laxus? Yung lalaking nakita mo nung may photoshoot ako?" nakakunot pa ang noo nya ng magtanong sakin. Sakin narin sya nakatingin at hindi sa cellphone nya

Yap."

Okay." bumalik na ulit sya sa pag cecellphone nya kaya naka alis na ako

Pagkalabas ko ng kwarto ni master mabilis kong tinext si laxus para sabihing pwede ako ngayon. Papasok na sana ako ng kwarto ko para mag ayos ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong sinagot ang tawag ni Laxus sakin

Sunduin kita?" bungad nyang tanong sakin

Wala man lang hi o hello eh. Anyway wag na, magkita nalang tayo sa Roxie's Restaurant."

Anong oras?"

Ikaw bahala."

11 nalang kaya?" tumingin ako sa orasan bago sumagot sa kanya. 9  palang naman kaya may oras pa ako

Sige sige." nagpaalam na ako sa kanya tsaka binaba ang tawag

Naligo ako ng mabuti, hindi ako nagpapa ganda para sa kanya ha? Aayusin ko lang ang sarili ko para naman hindi ako mukang mutchacha nya mamaya. Pagkatapos kong maligo ay namili na ako ng susuotin ko. white ruffled dress front button shirt ang napili kong suotin kapares ng white flat shoes ko tapos hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko

Ang ganda ko na." nakangiting sabi ko sa reflection ko sa salamin. Muka na akong tao!

Tumingin ako sa orasan and to my surprise 10:30 na. Great! Medyo malayo pa naman  ang restaurant dito

Mabilis kong kinuha ang bag ko tapos lumabas ng kwarto ko. Saktong pag labas ko nakita ko si rhacks na papasok sa kwarto nya. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa, na conscious tuloy ako

Bakit?" bumalik sa muka ko ang tingin nya

Hindi naman halatang pinag handaan mo yung date nyo." sarcastic na sabi nya. Problema nito?

Friendly date hindi date lang. Tsaka alangan namang humarap ako sa kanya tapos muka akong pulubi diba."  sinubukan kong maging mabait sa pag sagot ko kahit lumalabas ang katarayan sa boses ko

Tsk." pumasok na sya sa loob ng kwarto nya kaya nag patuloy na ako sa pagbaba. Akala ko pipigilan ako eh

Hala pano to. Hindi ako pwedeng mag lakad baka mahaggard ang beauty ko." bulong ko sa sarili ko habang nasa gate

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon