Yo guys! Thank you sa mga bumabasa at patuloy na babasa ng story ko na itey. Thank you ng marami sa inyo
***********************************
ERIKHA'S POV
I'm here at the restaurant dahil si ate Roxie na daw ang maghahatid sa akin sa bago kong boss and I wish na mabait sya
"Ang saya mo ngayon ah." bati sa akin ni laxus ng makita nya ako
"Syempre."
"Bakit nga pala may bag ka? Maglalayas ka na?" tanong nya habang binababa ko ang bag ko. Dinala ko na kasi ang mga gamit ko dahil lilipat na ako
"May bago na kasi akong trabaho." sabi ko sa kanya. Kita ko namang lumungkot ang muka nya dahil sa sinabi ko "Hoy wag ka ngang malungkot! Makikita mo parin ako no."
"Sira! Di ako nalulungkot dahil hindi na kita makikita." sagot nya kaya kumunot ang noo ko
"Eh ano?" nagtataka kong tanong sa kanya
"Yung mga utang mo sakin." nabatukan ko naman sya dahil sa sinabi nya "Aray! Joke lang eh." sabi nya habang hawak hawak ang batok nya
"Bwisit ka talaga kahit kailan." pairap kong sabi dito
"Hahahaha syempre mamimiss kita. Wala na akong bestfriend dito." nalungkot rin ako dahil sa sinabi nya. Naging close ko narin kasi si laxus
"Magkikita parin tayo no." pagpapagaan ko sa loob nya at sa akin. Hindi kasi ako sanay na malungkot
"Sabi mo yan ah." tumango naman ako bilang sagot. May kinuha ako sa bag ko at binigay sakanya
"Ano to?"
"Papel." sarkastiko kong sagot sa kanya
"Sungit mo naman bigla." kinuha nya ang hawak ko at binuksan
"Ang bango! Favorite ko to ah." sabi nya habang inaamoy ang luto ko. Yes ulam ang binigay ko sa kanya
"Thank you gift yan sa lahat ng tulong mo. Hindi pa kasi kita mababayaran at maililibre kaya for now yan muna."
"Eh bayad na ang utang mo sakin amoy palang nito oh." sabi nya at sinara na ang tupperware
"Sira. Hindi masyadong masarap yan kaya pagtyagaan mo na."
"Ikaw na humble. Hindi masarap eh amoy palang." natawa ako sa kanya at mahina syang hinampas
"Erikha hinahanap ka ni Ma'am Roxie." sabi ng manager namin kaya dinala ko na ang bag ko
"Alis na ako laxus. See you sa susunod." nakangiti kong sabi dito bago umalis
Sabi ng manager nasa labas daw si Ma'am Roxie kaya lumabas ako. Nakita ko naman sya na naghihintay sa kotse nya
"Pakitulungan naman sya sa gamit nya manong." sabi ni Ma'am Roxie kaya tinulungan ako ng driver nya
"Thank you po." nakangiting sabi ko sa driver. Ngumiti rin ito pabalik sa akin
Pumasok na ako sa loob ng kotse pagkatapos mailagay ang gamit ko sa trunk ng sasakyan
"Thank you po Ma'am Roxie." nahihiyang sabi ko dito
"Ano ka ba you don't have to thank me. And call me ate Roxie nalang okay?" tanong nya at kahit nahihiya ako ay umoo nalang ako
Finally we're here sa isang bahay? I mean mansion dahil masyadong malaki ang mansion na nasa harap ko para tawagin ko itong bahay. Nung magsimula na syang maglakad papasok ay sumunod nalang ako dahil baka nandito ang sinasabi nyang boss ko
BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Novela JuvenilMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...
