chapter 15: Mall

1.2K 42 2
                                    

PRINCESS POV


Sabado ngayon kaya nandito lang ako sa bahay. Kanina pa ako walang magawa kaya naisipan kong pumunta sa mall mag isa dahil ang mga bruha kong kaibigan ay may ginagawa kaya heto solo flight ako ngayon.

Pag pasok ko palang ng mall nakaka agaw na agad ako ng atensyon. Well sino ba namang hindi lilingon sa ganda ko. Nagdire-diretso lang ako papunta sa national bookstore dahil bibili ako ng notebook at sketch pad.

Naghahanap lang ako ng magandang notebook hanggang sa may bumangga sa akin. Ano ba yan panira ng moment! Iniisip ko pa naman nasa isang music video ako

Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." sabi ko sabay tingin sa bumangga sa akin

Isang syang gwapong nerd? May kamuka nga siya pero hindi ko maalala kung sino.

May kamuka ka?" naningkit ang singkit kong mata habang iniikutan ko sya. 

AHA! sabi na eh!" sigaw ko at muka namang nagulat sya dahil dun

Kamuka mo yung nerd sa school namin." sabi ko sabay tumango tango pa. Pero nagulat ako ng batukan nya ako. Aba! Feeling close si kuyang nerd

Hoy kuyang gwapo pero nerd. Hindi porket hot ka at gwapo ka kahit nerd ka, eh pwede mo na akong batukan. Close ba tayo para batukan mo ako? Tsaka anong ginawa ko sayo para batukan mo ako?" nakataas ang kilay ko habang tinatanong sya. Nakita ko naman syang napatawa. Infairness gwapong nerd talaga sya

Nagulat kasi ako sa sinabi mo tsaka akala ko nakilala mo ako."  sabi nya pero hindi ko narinig yung huli dahil binulong lang nya

Akala mo ano? Tsaka may kamuka rin boses mo eh." sabi ko habang ang kamay ko ay nasa baba ko.  Para tuloy akong detective

Kaso hindi talaga maalala eh." nakaka frustrate na ha! Bakit ba hindi ko maalala kung saan ko sya nakita? Sumasakit tuloy utak ko kakaisip kung sino sya.

Hay minsan talaga nonsense tong utak na to eh pero wait nga. Bakit hindi ko nalang tanungin kung sino sya? Diba? Hayy nako ang tanga talaga ni authtor eh

dinamay mo pa akong impakta ka

Ay andyan ka pala author hehehe.  Sige na po back to work na ako baka mamaya masermonan mo nanaman ako eh.  Yung sermon mo pa naman dinaig pa lecture at discussion namin sa school sa sobrang haba

balik na shoo shoo

Makataboy ka naman. Cute ako pero hindi ako aso.

Nagtititigan lang kami ng nerd na to at hanggang ngayon hindi ko parin maalala kung sino ang kamuka nya kaya nga tatanungin ko na eh

Sino ka ba? May kamuka ka talaga kaso hindi ko talaga maalala. Nakilala na ba kita sa past life ko? Kaso hindi ko alam kung may past life ako eh." sabi ko tapos napaisip ulit.  May past life kaya ako?

Baliw ka na ba?  Kung ano ano sinasabi mo eh." sabi nya kaya napa tingin ulit ako sa kanya

Ang harsh mo sakin ah! Nga pala kung ano ano nang sinasabi mo pero yung tanong ko hindi mo parin sinasagot"

Ahmmmm. Ako si.....ahmmm-"  pinutol ko na ang sasabihin nya dahil puro ahm lang naman

Nice to meet you mr. Ahmmm." sabi ko sabay nilahad ang kamay ko

Huh? Hindi ako si ahmmn. Ako si Brex." sabi nya habang nakikipag shake hands sa akin

Brex? Familiar yung pangalan mo sakin. San ko kaya narinig yun?" bumitaw na ako sa shake hands namin at humawak ulit sa baba ko.

Narinig ko na talaga yung name na yun hindi ko lang alam kung saan eh

Oh bakit ka naka simangot?" tanong ko kasi pag tingin ko sa kanya parang pinag sakluban ng langit at lupa ang muka nya

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon