Chapter 27: Picture

377 22 1
                                    





One.... two.... three..... nice shot!" sigaw ng photographer

Grabe nakakamangha silang panuorin. Kahit ayaw kong aminin, ang gwapo nilang pito. Ang gandang tingnan kapag sama sama sila, akala mong mga anghel na binaba sa lupa. Makalaglag panty ang muka nila, hindi lang yun pati katawan maganda.

Kahit si master, ang gwapo kapag nakangiti. Naka semi-smile kasi sya. Yung ngiting parang ngisi. Siguro kung iba ang gagawa nyan mapagkakamalan lang na manyak pero sya! Damn, Feeling ko nawala ang garter ng panty ko

Okay break muna tayo!" sigaw na naman ng photographer. Hindi kaya mamaos to kakasigaw?

Unti unting lumapit sa akin si master. Teka... bakit parang nag slow motion ang lahat? Tapos bakit parang nagliwanag ang paligid nya? Kailan pa nagkaroon ng ganyang liwanag?!

Hoy!" natauhan ako ng pitikin nya ako sa noo. Nawala narin ang liwanag at slow motion effect. San ba kasi nang galing yun?

Bakit tulala ka?" salubong na naman ang kilay nya

Wala." matipid na sagot ko. Kumuha ako ng dalawang tissue sa tissue box na hawak ko at pinunasan ang noo nyang may pawis na

Tubig gusto mo?" tanong ko habang nagpupunas ng pawis nya

Nagtama ang mata namin habang pinupunasan ko sya. Bakit sya naman ang tulala ngayon?

Hoy!" bulong ko sa kanya

Rhacks." winagayway ko pa ang kamay ko sa harapan nya. Natauhan naman sya sa ginawa ko

Bakit?" nag salubong na naman ang kilay nya ng magsalita sya. Bakit ba laging galit sa mundo to?

Nagtatanong ako kung gusto mo ng tubig?" nakapamewang na tanong ko sa kanya

Tsk, oo." binigay ko sa kanya ang bottled water na nasa sling bag ko na mabilis nya namang kinuha at ininom

Naubos nya ang isang bote ng tubig na binigay ko. Super uhaw naman ni master

Tara na, magpapalit ka pa." naglakad na kami pabalik ng kubo habang pinapaypayan ko sya. Baka pag pawisan na naman eh

Pagdating namin sa kubo mabilis kong kinuha ang sunod nyang susuotin at binigay sa kanya. Pag hubad nya ng damit nya pinunasan ko na ang likod nyang puro pawis. Bakit pati pawis nya mabango? Perfume ba ang pawis ng batong to?

Pagkatapos mag bihis bumalik narin kami sa pool side. Habang pabalik kami todo paypay ako sa kanya. Bakit naman kasi ang init init sa pilipinas

Nagsimula na ulit ang photoshoot ng mabuo na silang pito

Ang galing." napalingon ako sa nag salita. Hala? Nandito na sila? Bakit hindi ko napansin

Kanina pa kayo?" tanong ko kila jennie na nasa tabi ko na pala

Oo. Kanina ka paring tulala sa kanila." sabi ni lisa pero ang tingin nya ay nasa pito

Buti pinayagan kayo dito?" pag iiba ko ng topic

Duh, kilala kaya kami bilang isa sa mga anak ng successful businessman dito sa pilipinas." nakalimutan kong may sinasabi nga pala sa buhay ang mga kaibigan ko. Syempre kilalang kilala sila, minsan na silang nailagay sa mga magazines eh

Nakalimutan ko."

Anyway, gumala muna tayo dito sa resort habang may photoshoot pa sila. I'm sure naman na matagal pa bago sila matapos." tumango ang dalawa sa sinabi ni princess

Hindi ako pwede. Kayo nalang muna."

Oo nga pala. Assistant ang kaibigan natin." tumango ako sa sinabi ni lisa

Mamaya nalang tayo mag gala." sabi ni jennie

Hindi, sige na. Gumala na kayo."

Eh kulang tayo." nakangusong sabi ni princess

Gumala nalang ulit tayo mamaya. Sige na, go." pagtataboy ko sa kanila

Sure ka? Kami muna?" tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni jennie

Oo naman. Sige na, guguluhin nyo lang ang trabaho ko dito."

Grabe." nakanguso silang tatlo sakin

Kitakits nalang mamaya." kumakaway na sabi ni lisa

See you sis." kumakaway rin sakin si princess samantalang tumango lang sakin si jennie

Naglakad na sila paalis hanggang hindi ko na sila matanaw. Kung pinanganak din kaya akong mayaman, ano kayang buhay ko ngayon?

At dahil wala akong magawa mag cecellphone nalang muna ako. Pag bukas ko ng cellphone ko, picture agad namin ni rhacks ang bumungad sa akin. Kabod ko na nga lang palang pinatay kanina

Zinoom ko sa muka ni rhacks para makita kong mabuti. Ilang beses ko na ba sya nakitang ngumiti? O nakita ko na nga ba syang ngumiti? Sa mga photoshoot nila ngumingiti sya pero tipid lang. Pero dito sa picture namin sobrang genuine nung smile nya.

Inilipat ko naman ang zoom sa muka ko. Grabe, para akong nakakita ng sampung multo dito. Gulat na gulat eh

Ang cute nyo dyan." muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko dahil sa nagsalita. Buti nalang hindi ko nabitawan, wala pa akong pampalit eh

Manager naman! Nakakagulat ka." nakangusong sabi ko kay manager Lyn na biglang sumulpot dito sa tabi ko. Bakit ba nagiging kabute lahat ng tao?

Ngayon ko nalang ulit nakita si rhacks ngumiti ng ganyan." hindi pinansin ni manager ang sinabi ko. Nakatingin lang sya kay rhacks na nasa hindi kalayuan

Ngumingiti pala sya ng ganun dati?"

Minsan. Sobrang dalang. Unang kita ko palang sayo erikha alam ko na, na ikaw ang magbabalik sa dating rhacks." napressure naman ako bigla sa sinabi ni manager. Bakit ako? Hindi ko nga alam kung magagawa ko ba ang promise ko kay ate roxie na ibabalik ko sa dati si rhacks eh

Ako po? Malabo yan." umiling iling pa ako

Bakit naman malabo? Napangiti mo na nga sya oh." napatingin ulit ako sa picture namin ni rhacks.

Hindi nga ba malabo?

Andyan na ang alaga mo." inangat ko ang tingin ko sa harapan. Mata agad ni rhacks ang sumalubong sa akin

Ayan na naman yung liwanag at slow motion effect. Nababaliw na ba ako?

----------

After ilang hours natapos natapos narin ang photoshoot nila. Pabalik na kami sa kubo dahil magpapahinga lang ng konti ang master ko tapos pagkatapos nun kakausapin sila ng konti

Master cr lang ako." paalam ko bago umalis. Kanina pa kasi talaga ako naiihi kaso ayokong umalis. Baka hanapin ako tapos mapagalitan na naman

Pagkatapos kong mag cr bumalik narin ako sa kubo

Oh bat hawak mo ang cellphone ko?" tanong ko kay rhacks na may hawak ng cellphone ko

Wala, tiningnan ko lang." mabilis kong inagaw sa kanya ang cellphone ko at binalik sa bag ko. Hindi pwedeng kung saan saan ko ilalagay ang cellphone ko baka mawala

Hindi ka pa ba tinatawag?" tanong ko habang inaayos ang gamit namin

Tinatawag na." sabi nya habang prenteng nakaupo

Pumunta ka na dun." mabilis ko syang hinatak patayo at tinulak tulak palabas

Ano ba naman yan, mapapagalitan na naman ako dahil sayo eh." inis na sabi ko

Tsk."

Sige na, go. Dito lang ako aayusin ko gamit mo." buti nalang hindi na kailangan pa ng mahabang pilitan. Umalis narin sya kaya inayos ko na ang gamit nya na nagkalat. Nagmamadali kasi kami kanina kaya nagkalat ang gamit nya

Bakit nya kaya hawak ang cellphone ko kanina?


Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon