***** ERIKHA'S POV *****
Tahimik ang paligid ng magising ako. Hindi na ako magtatanong kung nasaan ako dahil halata namang nasa clinic ako, puro white ang nakikita ko eh. Why am I here? Ang huling naaalala ko ay nasa hallway ako...
"Ano bang problema mo?"
"Problema ko? Ikaw! Gold digger bitch." sigaw ni hesha sakin
"Bitawan mo ang buhok ko."
"Bitawan? Okay." sinuntok nya ang muka ko sabay bitaw sa pagkakasabunot sa buhok ko kaya natumba ako sa sahig
"What the hell!" sigaw ni rhacks na nasa likod nila hesha
"R-rhacks." huling sabi ko bago magdilim ang paningin ko
Napa-upo ako sa kamang hinihigan ko ng maalala ko ang nangyari sakin kanina. Hinarang nga pala ako sa hallway ng tae girls, also known as tae girls. Bwisit na Hesha yun! Sinuntok at sinabunutan ba naman ako
"Ouch." mahinang daing ko habang nakahawak sa ulo ko. Medyo naalog ata ang utak ko dahil sa biglang pag upo ko
"Are you okay?" nag aalalang tinig ang narinig ko sa gilid ko kaya napatingin ako dun
"Rhacks?" hindi makapaniwalang tanong ko. Sakanya galing yung nag aalalang boses?
"Yes? Do you need anything?" worried na tanong nya. OMG! Totoo ba ito? Nagwo-worry sya sakin? Dapat na ba akong kiligin?
"A-ayos lang ako." nautal pa ako sa pag sagot.
"Hindi ka ba nahihilo?" tanong nya ulit. Sasagot palang sana ako ng biglang kumalam ang sikmura ko. Nakakahiya bwiset!
"Hindi ka nahihilo, nagugutom lang." natawa sya ng mahina kaya mas lalo akong nahiya. Ay teka--- ako nahiya? Bakit ako nahihiya?!
Inabot nya ang pagkain sa lamesang nasa gilid ng kama ko at marahang hinalo ang sopas na nasa mangkok"Libre tumawa, hindi nakakamatay." poker face na sabi ko
"Kumain ka nalang." sabi nya at iniumang sa akin ang kutsarang may lamang sopas
"Thank you." sabi ko kahit puno ng pagkain ang bibig ko. Bigla nya kasing isinubo, apaka gentleman diba? =_=
"Don't talk when your mouth is full." pangangaral nya sakin
"Yes po tatay."
"Tsk, may sakit ka na at lahat pero napaka loko mo parin." umiiling na sabi nya
"Seryoso ka kasi masyado. Hindi naman masamang ngumit diba? O kaya naman tumawa ka minsan."
"Kumain ka na nga lang dyan. Kung ano ano ang sinasabi mo." sabi nya at sinubuan ulit ako
"Apaka *chomp* gentle*chomp* man mo." inis na sabi ko habang ngumunguya kaya natalsikan sya
"Kadiri ka naman eh." inis na sabi nya sabay punas sa muka nyang natalsikan
Natapos ang pagkain ko ng kinukulit ko lang sya. Success naman kasi napapatawa at napapangiti ko sya kahit konti lang. Nag i-improve na sya diba? May feelings din pala sya ng pag-aalala, akala ko kasi hindi nag-aalala sakin to eh
BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Novela JuvenilMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...