chapter 11: Rex and Jennie

1.3K 52 3
                                    

ERIKHA'S POV

Maaga na naman akong gumising-- Syempre kailangan eh,  para magluto nang umagahan ni Master Bato. So yun na nga pagkatapos ko magluto  tinawag ko na si master sa kwarto nya pero kinatok ko nalang sya at hindi na pumasok baka kasi kung ano na naman makita nung eyes ko eh.  Hindi na nga virgin yung eyes 👀 ko tapos may makikita na naman ako,  tsk tsk

Master handa na po yung almusal mo na may lason-- este almusal mo." sabi ko habang kinakatok ang pintuan nya

WHAT DO YOU WANT?!" narinig ko pa ang sigaw nya kaya sinigawan ko rin sya

GUSTO KONG BUMAIT KA NA!"  sigaw ko pabalik. Gusto ko pa nga idugtong yung para hindi na mag alala si ate roxie at tita sayo. Para rin matapos na ang pangako ko kay ate roxie pero wag nalang

Bumukas naman ang pinto at nakita ko ang isang nakakunot noo na dragon-- este tao pala.

What did you say?" nakakunot noong  tanong nya sakin. Palagi namang naka kunot ang noo ng isang to eh

Sabi ko gusto kong bumait ka na." malumanay na sabi ko hanggang may pumasok na idea sa isip ko

Bakit kaya hindi ko hilingin sa matabang matandang may mga deer na lumilipad na namimigay nang regalo na bumait ka na? Or di kaya kay satanas kasi alagad ka naman nun? Wahhhh I'm so bright talaga." sabi ko pa pero nahinto ako nang pitikin nya ako sa noo

Why you pitik pitik me sa forehead ko?" tanong ko at nakita kong ngumiti sya habang umiiling na parang baliw

Wait ngumiti sya?! Omyghod improving talaga ang isang to. Magsasalita palang sana ako ng unahan nya ako

Tss alis na nga." sabi nya at tinulak pa ako kaya bumaba na ako sa dinning area. Hindi ko nalang aasarin baka mag sungit na naman eh

I'm so tired. Charr wala pa nga akong ginagawa tired agad eh pero feeling ko talaga tinatamad ako ngayong araw

Goodmorning po ma'am-- este tita at tito." nakangiting bati ko sa kanila. 

Goodmorning mom, dad." napatingin ako sa nagsalita na si master.

Pagkatapos kong ayusin yung kakainin ni master pumunta ako sa living room nang bahay nila para dun nalang sya hintayin. Inaya pa nga ako nila Tita at Tito na sumabay sa kanila pero tapos na akong kumain kaya tinanggihan ko nalang

Halika na." sabi ko at nauna na sa sasakyan na gagamitin nya. Sya kasi ang mag d-drive. 

Pumasok na ako sa backseat at hinintay sya

Bakit nandyan ka? Ano ako driver mo? Ikaw nga ang maid dito tapos akong boss mo gagawin mong driver?" nakakunot noo na tanong nya sakin kaya napa irap ako. Ang arte arte talaga ng boss ko

Dami mong sinabi,  sinabi mo nalang sana na lumipat ako jan sa harap hindi yung dumakdak ka pa pero infairness dami ng sinabi mo ah, isa pa nga." sabi ko habang lumilipat sa harapan

Tss shut up." inis na sabi nya kaya nanahimik nalang ako

Hindi ba napapanis ang laway mo kasi alam mo na hindi ka masyadong nagsasalita?" tanong ko sabay tingin sa kanya

Ikaw hindi ba napapagod ang bibig mo kakadaldal?" tanong nya

Hindi." nakangiting sagot ko

Tss manahimik ka na nga lang." sabi nya kaya napa simamgot nalang ako.  Wengya tong lalaki na toh walang kwenta kausap.

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon