chapter 41: Girlfriend?

702 38 5
                                        

***** ERIKHA'S POV *****




"Hindi mo sasabihin ang problema mo?" napatingin ako kay jennie ng mag salita sya. Nasa hulihan kami ni jennie ni jennie at magkasabay na naglalakad papunta sa parking lot, uwian na kasi.

"Wala nga." nakangiti ako habang umiiling. Paano ko naman kasi sasabihin ang problema ko kung ako mismo hindi alam kung bakit ako malungkot.

"Ayaw pa kasing aminin." bulong ni jennie pero narinig ko. Hindi ko na sya maintindihan sa totoo lang.

"Aminin ang ano? Hindi na kita ma-gets." napakamot sya sa ulo nya kaya mas nagtaka ako. May kuto ba sya?

"Ewan ko sayo." umawang ang labi ko ng iwanan nya ako sa paglalakad, sumabay sya kila lisa at princess na nasa unahan namin

Pinabayaan ko nalang at nagpatuloy sa paglalakad. Pag dating namin sa parking lot ay may ibinulong sakin si lisa at princess na hindi ko naintindihan

"Kung kailan mo ng kausap nandito lang kami." sabi ni princess

"Wag kang tanga erikha." sabi rin ni lisa bago ako iwanang nakatulala. Bakit ba ang weird ng mga tao ngayon?

"Tara na." bumalik lang ako sa realidad ng mag salita si rhacks. Nasa harapan ko lang sya at hindi man lang ako nilingon

Tahimik akong sumakay sa sasakyan nya at ganun rin naman sya. Katulad kaninang umaga ay tahimik lang ang naging byahe namin pauwi, ano bang aasahan ko diba?

"Gusto mo ba ng meryenda?" tanong ko sa kanya kaya napatigil sya sa pag akyat sa hagdan

"Ayoko." tipid na sagot nya bago magpatuloy sa pag akyat. Nang mawala na sya sa paningin ko ay umakyat narin ako papunta sa kwarto ko, ewan ko ba kung bakit hinintay ko pa syang mauna.

Pagkatapos kong mag bihis ay ginawa ko na ang trabaho ko. Pumunta ako sa kwarto nya para kunin ang gamit nya at inilagay ito sa sasakyan. Pagkatapos kong makuha lahat ng gamit nya hindi ko na sya ulit inakyat, sa baba ko nalang sya hinintay.

Hindi na ako nag salita ng makita ko na syang pababa, tumayo na ako at naunang lumabas, alam ko namang susunod sya

Katulad kanina ay tahimik lang rin ang byahe namin hanggang makarating kami sa studio. Kita ko na nga ang pagtataka sa muka ni manong driver dahil sa pagiging tahimik ko, usually kasi lagi kong dinadaldal si rhacks habang nasa byahe kami. Palagi akong maingay... dati.

"Axel!" sigaw ko ng makita ko si axel na nandito rin pala

"Tulungan na kita." kinuha nya ang ibang gamit na buhat ko at sya na ang nag buhat

"Anong ginagawa mo dito?"

"May photoshoot din ako eh." napa-ahh nalang ako sa sinagot nya

"Kung kukunin ba kitang assistant ko papayag ka?" nagulat ako sa tanong nya pero hindi ko pinahalata. Kita ko ring napahinto si rhacks sa paglalakad at lumingon saming dalawa

"Axel!" madiing tawag nya dito. Okay? What's happening? Magkaaway ba sila?

"Wag mo ng sagutin erikha." binalewala nya ang pagtawag ni rhacks at ngumiti sakin

Nakarating na kami sa kwarto kung saan gaganapin ang photoshoot ni rhacks kaya nagpaalam na si axel

Habang naglalakad ako sa dressing room ni rhacks, hindi nakatakas sa pandinig ko ang usap usapan ng ibang staff.

"Sya ba yun?"

"Oo sya yun."

"Totoo kaya ang balita? Sila ba talaga?"

Im His Personal MaidMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon