RHACK'S POV
Sabado ngayon kaya nandito ako sa bahay- in my room to be specific. Naghahanda na ako dahil may photoshoot mamaya sabi ng stupid maid ko na si erikha
MASTER! NASAN KA NA BA? LATE NA TAYO EH!" inis na sigaw ni erikha sakin
Nandito palang ako sa kwarto ko rinig na rinig ko na ang sigaw nya. Nakalunok talaga ata ng microphone yun eh
Natulog pa ulit kasi ako kaya nalate ako pero wala akong pake kung malate kami sa photoshoot. I'm the boss so wala silang magagawa dun
MASTER!" kasabay ng pag bukas ng pinto ng kwarto ko ang sigaw ni erikha
Tss don't shout. Tsaka ano naman kung late?" inis na tanong ko sakanya
Mapapagalitan tayo pag late tsaka kanina pa tumatawag ang manager mo para itanong kung nasaan na tayo." inis na sabi nya tapos sinapak ako ng mahina
Tss amazona talaga ang babaeng to
Bilisan mo na!" mabilis nyang kinuha ang gamit ko sa gilid tsaka nilapitan ako
Medyo basa pa kasi ang buhok ko at yung polo ko wala pa
Oh isuot mo na." tinulungan nya pa ako sa pag susuot bago pumunta sa likod ko
Kinuha nya ang towel na hawak ko at sya na mismo ang nag punas ng buhok ko. Parang nakuryente pa ako ng mahawakan nya ang kamay ko. Binutones ko na ang damit ko habang pinupunasan nya ang buhok ko
Kaya ko na yang mag isa." may halong inis ang boses ko para hindi nya mapansin ang epekto nya sakin
Alam ko pero nagmamadali na nga tayo diba." sabi nya habang pinupunasan ang buhok ko
Iniwan nya ang towel sa ulo ko at lumipat na naman sa harapan ko
Ako na nga dyan." sabi nya tapos sya narin ang nag butones ng damit ko
Ayan okay na." mabilis nyang kinuha ang towel na nasa ulo ko tapos sinabit nya sa balikat nya
Tara na. Sa sasakyan ko nalang aayusin ang buhok mo." sabi nya sabay hatak sakin
Pababa na kami sa staircase ng makita namin si ate na papaakyat. Mabilis itong ngumiti samin ng makita nya kami
Muka kayong mag asawa." animoy kinikilig na sabi ni ate
Hala ate." kita ko pang namula ang muka ni erikha bago ito yumuko. Damn. Bakit ang cute nya?
Tsk. Wag ka na nga mang asar ate." hinatak ko na si erikha pababa
Ingat kayo ha." sigaw ni ate samin
Pagdating namin sa studio halos madaliin na ako ni Erikha sa paglalakad. Pagdating namin sa room na pag gaganapan ng photoshoot nakita ko agad ang photographer na inis na inis. Nainis siguro kakahintay sakin
Buti naman nandito ka na." sabi ni manager Lyn sakin
Oo nga." sarkastikong sabi ng photographer habang nakatingin sa likod ko
LET'S START!" inis na sigaw nya kaya nagsimula ng kumilos ang lahat.
Kung ano anong pose ang pinagawa sa akin na ginawa ko naman. Pinangingiti rin ako yung aabot daw sa mata pero hindi ko ginawa. Alam naman ng lintek na photographer na ito na wala na syang magagawa dun kaya hindi na nya ako kinulit. Subukan nya lang akong pilitin sa bagay na ayaw kong gawin matatanggal talaga sya sa trabaho nya
Pagkatapos ng ilang shot pumunta na agad ako sa dressing room ko.
Nasan si erikha?" tanong ko kay Manager Lyn ng makitang hindi sya sumunod sa akin
Kakausapin daw ng photographer eh." sagot nya pero ang tingin nya ay nasa cellphone nya. Busy kakatipa sa keyboard
Hindi na ako nag tanong pa at mabilis nalang nag bihis. Paglabas ko narinig ko agad ang sigaw ng photographer kay erikha kaya mabilis ko silang nilapitan
Diba ikaw yung assistant nya? Sa susunod gawin mo yung trabaho mo ng maayos ha?! Diba nasa iyo yung schedule nya at ang nakalagay dun ay 9:30 tapos dumating kayo dito 10:30! Hindi mo ba alam na sa kapalpakan mo maraming napeperwisyo huh?! Apaka tanga tanga mo naman." inis na sigaw nang photographer sa assistant KO kaya sumingit na ako.
Wala syang karapatan para sigaw sigawan si erikha
It's not her fault kaya ako late and you have no rights para sigaw sigawan sya. Wala kang pake alam kung late ako o hindi at mas lalong wala kang dapat sisihin kung bakit ako late. You push me to my limits so I think you deserve to be fired." kalmadong sabi ko
It's your last day Mr. You can pack your things and leave this studio now." madiing sabi ko
Y-you c-can't d-do this t-to me." utal na sabi nya kaya nginisihan ko sya
I can." mabilis kong tinawagan ang CEO ng studio na ito tsaka ko sinabi na tanggalin sa trabaho itong lalaking nasa harapan namin
Niloud speaker ko pa ang usapan namin para marinig ng lalaking ito
You heard it right, now leave this studio because your fired!" sigaw ko sa kanya at hinatak na si erikha palabas ng studio
Grabe ka naman dun sa lalaki pero sabagay, bagay lang naman sa kanya yun. Sinigaw-sigawan nya ako. Ako na black better ng taekwondo, sinigawan nya lang tss tss lumpuhin ko sya eh." pinatunog nya pa ang kamao nya na akala mo makikipag laban
It's okay now. I already fired him."
Concern ka sakin no?" pang asar na sabi nya
Hindi." bakit ko ba kasi ginawa yun? Ayan tuloy inaasar ako ng maliit na to
Weh? Concern ka eh." sinundot sundot nya pa ako sa tagiliran
Wag ka na ngang makulit." inis na sabi ko sa kanya
Namumula ang tenga mo." amuse na sabi nya. Mabilis naman akong tumalikod sa kanya. Shit! Bakit namumula ang tenga ko
Ayieee concern sya. Nahihiya ka lang sabihin eh."
Hindi nga sabi." nagpatuloy ako sa paglalakad. Ramdam ko namang sumusunod sya sakin
Akala ko masama ugali mo, may mabuti rin pala?" bumuntong hininga ako ng hindi sya tumigil sa pag sasalita. Kailan ba sya tumigil sa kakasalita diba?
May dalawa na akong positive description sayo." pumalakpak pa sya. Parang bata
Dalawang beses ka ng naging concern sakin."
Dalawa?" kunot noo akong humarap sa kanya
Oo dalawa. Yung una nung muntik na akong malunod, yung pangalawa sa photographer." nakangiti nyang sabi
Tsk. Tawagan mo nalang si manong." tumalikod na ulit ako sa kanya at naglakad
Uuwi na tayo?" pumuntay na sya sa akin sa paglalakad
Hindi may pupuntahan tayo."
Saan?"
Basta. Wag ka na mag tanong."
Okay."
☆☆☆
BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Teen FictionMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...
