***** ERIKHA'S POV *****
"Ngayon ba talaga natin sasabihin?" kinakabahang tanong ko kay Rhacks habang papunta kami sa kwarto nila tito at tita dahil balak ngang ipaalam ni Rhacks sa kanila na kami na OFFICIALLY!
Can you believe that? Officially na kami! Kami na talaga, hindi nalang ako basta umaasa.
"Wag kang kabahan, kilala mo na parents ko." huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin sya
"Kahit na." nahihiyang sabi ko
"Wala kang dapat ikahiya, gusto ka nila. Okay?" nilagay nya sa likod ng tenga ko ang buhok na naka kalat sa muka ko. Ngumiti sya kaya ngumiti rin ako
Bakit nga ba ako nahihiya?
"Juskong mga bata 'to, bakit dito pa kayo nag ngingitian?" napatingin kami sa nag salita. Ang guess what? Sila tito at tita lang naman ang nakita namin. Umakyat na ata lahat ng dugo ko sa katawan papunta sa muka ko sa sobrang hiya
"Mom, dad we have something to tell you." seryosong sabi ni Rhacks
"Buntis na si Erikha?! May apo na ako?! Omy narinig mo yun, hon? May apo na daw tayo!" kung may kinakain lang siguro ako ngayon nabilaukan na ako sa sinabi ni tita
"Hindi po." umiiling na sabi ko
"Hindi? Eh, ano yun?" tanong ni tita, si tito seryoso lang na nakatingin sa amin
"We're on a relationship." diretsong sabi ni Rhacks. Walang reaksyon ang parents nya, nakatingin lang samin ng ilang segundo bago mag salita
"Yun na yun?" tanong ni tita kaya tumango kami
"Matagal na naming alam yan. Hay nako yun lang pala ang tagal nyo pang sinabi. Osya magka-kape pa kami. Alagaan nyo ang isa't isa." kumaway samin si tita bago hatakin si tito paalis pero may sinabi si tito bago sila tuluyang makalayo ni tita
"Mag-uusap tayo mamaya Rhacks." tumango lang si Rhacks bago humarap sakin
"Bakit ka kakausapin ni tito? Ayaw nya kaya sakin?" kinakabahang sabi ko. Come to think of it, hindi ako masyadong pinapansin ni tito. Baka ayaw nya talaga sakin?
"Stop overthinking, you're just stressing yourself. My family likes you." kumalma ako sa sinabi nya. Alam ko namang gusto ako nila tita, nahihiya lang talaga ako kaso hindi naman kami pantay ng status sa buhay.
"Tara ihahatid na kita sa room nyo ni ate." hindi na ako umangal ng hatakin nya ako. Inaantok narin kasi ako
Binuksan ko ang pinto ng kwarto namin ni ate Roxie tsaka ko sya hinarap.
"Goodnight. See you tomorrow." nakangiting sabi ko sa kanya
"See you." kumaway ako at isasara ko na sana ang pinto ko pinigilan nya
"Bakit?" tanong ko
"Where's my goodnight kiss?" namula ako sa sinabi nya. Kiss ulit? Nakakarami na sakin 'to ah
Narinig ko syang tumawa ng mahina kaya nabalik ako sa realidad. Hinawakan nya ako sa mag kabilang pisngi tsaka unting unting lumapit ang muka nya sa muka ko. Akala ko sa lips nya ako hahalikan kaya pumikit na ako kaso sa noo lang pala :> . Assuming na naman ako
![](https://img.wattpad.com/cover/128830806-288-k992856.jpg)
BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Teen FictionMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...