chapter 9: Axel, Jack, Ash and Erikha

1.3K 42 5
                                    

AXEL'S  POV

Nandito parin kami sa bahay nila rhacks dahil ayaw pa kaming pauwiin ni tita. Mamayang gabi na daw kami umuwi. Bukas kasi ay pasukan na namin. Sawang sawa na nga ako sa muka nang mga kasama ko eh by the way my name is AXEL MENDOZA gwapong hindi pakboy , matalino , sikat , mabait  talented, matangkad din ako. Ako rin ang pinaka bata sa aming lahat pero matured ako mag isip hindi katulad nila jack, andrew at rex hyung. Mga isip bata yung mga yun eh

Axel paabot nga nung tubig." sabi ni erikha kaya napatingin ako sa kanya

Paabot kako nung tubig uy." sabi nya pa ulit kaya nabalik ako sa realidad. Nasa kusina kasi ako at umiinom nang tubig. Nakaharang pa naman ako sa ref kaya siguro hindi sya makakuha

Here." sabi ko at binigay ang malamig na tubig sa kanya

Thank you." nakangiting sabi nya. Lagi naman syang nakangiti eh. Tuwing makikita sya nakangiti sya. Nawawala lang kapag naiinis o naasar sya sa mga kasama namin

Oh bakit ganyan ka makatingin?" tanong nya ng matapos na syang maglagay ng tubig sa dalawang baso. Para kay rhacks siguro yung isa

Bakit lagi kang nakangiti?" out of the blue na tanong ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko tinanong yun eh

Kasi ayokong magka wrinkles ng maaga kaya lagi akong naka smile. Nakakabata yun kaya kung ako sayo I will smile often. Advice ko sayo yan para hindi ka magaya sa dalawang kaibigan mo." tinapik pa nya ang balikat ko habang sinasabi yun. Natawa naman ako ng bahagya dahil sa sinabi nya. She is really something

Oh diba! Ang gwapo mo kaya ngiti ka pa ha." nginitian ko naman sya. Ewan ko ba parang nahawa ako sa good vibes na dala nya

Erikha yung tubig hindi na nakarating!" narinig naming sigaw ni rhacks

Sige tinatawag na ako ng monster. Ngiti ka ha." sabi nya pa bago sya umalis. Hindi ko naman napansin na nakangiti ako habang napapa iling dahil sa kanya

Hoy axel bakit ka nakangiti?" napatingin ako sa nagsalita. Walang iba kundi si rex. Napasimangot ulit ako bago sumagot sa kanya

Wala ka na dun."

Tinapos ko na ang iniinom kong tubig tsaka umalis sa kusina.

Erikha is a cool girl, hindi man lang sya makikitaan nang takot kapag sinasagot sagot nya si rhacks. Sya pa nga ata ang nasusunod eh 😑😑😑

************************************
JACK'S POV

hello girls *wink* I'm sure na kilala nyo na ako pero magpapakilala parin ako. My name is JACK ANDERSON gwapo ako, matalino , matangkad, talented, mayaman , macho at higit sa lahat GWAPO talaga ako.

Sabi nang iba playboy daw ako pero hindi naman. Girls ang lumalapit kaya sino ba naman ako para tanggihan sila diba? Kaya wag kayong maniwala sa iba na playboy daw ako, kasi hindi totoo yun.

Hoy f*ck boy." napatingin ako kay Andrew. Aba tinawag akong f*ck boy eh hindi nga ako ganun.

Wag na wag kayong maniniwala sa kanya ha? Manloloko ang isang yan

Hindi ako f*ck boy lul." sabi ko habang nilalapitan sya

Bakit ba?" tanong ko sa hinayupak na kaharap ko ngayon

Wala lang . Tinawag lang kita bakit masama ba?" tanong pa nang abnormal na to kaya nabatukan ko sya

Tigil tigilan mo nga ako sa mga kautuan mong yan Andrew." sabi ko sabay umupo ulit. 

May kanya kanya kasing ginagawa ang iba.  Hindi ko naman mahanap si erikha kaya eto umupo nalang ako sa sala.  Ayoko rin namang gumala kasi baka  pagkaguluhan lang ako

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon