ERIKHA'S POV
"Goodmorning master!" masiglang bati ko kay rhacks na kakalabas lang ng kwarto nya
"Ang aga aga ang ingay mo na." masungit na sabi nito sakin habang pababa kami ng hagdan
"Ang aga aga nakakunot na naman ang noo mo, pwede namang ngumiti." sabi ko sa kanya
"Wag ka ngang maingay."
"Edi wag. May tanong nalang ako." sabi ko sabay upo sa upuang malapit sa kanya. Nandito na kasi kami sa dining area
"Ano yun?"
"Kilala mo ba si leah?" natigilan sya sa tanong ko pero mabilis ring naka bawi. Hindi nya rin sinagot ang tanong ko. Curious na kasi talaga ako kung sino si leah, palagi kasi syang binabanggit eh. Sya kaya yung sinasabi ni ate roxie na first love ni rhacks? O baka naman iba?
"Kilala mo ba?" pangungulit ko sa kanya. Kung sya nga ang first love ni rhacks hindi naman siguro sya magagalit kung mag tanong ako diba? Ang tagal narin kaya nun, siguro naman naka move on na sya?
"Kilala mo no? Sino yun?" tuloy parin ako sa pagtatanong sa kanya
"Pwede bang kumain ka nalang dyan! Lagi ka nalang madaldal! Hindi mo ba kayang itahimik ang bibig mo? Hindi mo trabaho ang mag tanong ng magtanong kaya pwede ba gawin mo ang trabaho mo!" nagulat ako ng sumigaw sya, lalo na sa sinabi nya. Ewan ko pero parang may kumurot sa puso ko?
"Tsk!" padabog syang umalis ng dining area kaya naiwan akong nakatulala sa upuan nya kanina
Dapat kasi talaga hindi na ako nag tanong eh. Minsan talaga pahamak ang bibig ko. Baka sya nga ang first love ni rhacks, hindi naman magagalit ng ganun yun kung hindi. Ibig sabihin lang nun ay hindi pa sya nakaka move on
Kung kanina may kurot lang, ngayon naman ay may pumiga na sa puso ko dahil sa naisip ko. Pwede ba yun? May pumiga sa puso mo? Ang OA ko talaga
Mabilis kong kinusot ang mata ko ng maramdaman kong nanunubig ito. Ano ba yan, napuwing ako!
"Ija." napatingin ako sa humawak sa balikat ko... si manang
"Bakit po?" pinilit kong pinasigla ang boses ko
"Nasa sasakyan na si rhacks." ngumiti sakin si manang pero bakit parang ang lungkot? Oh baka naman namamalikmata lang ako? Oo nga, namamalikmata lang ako
"Opo, pasunod na." hindi na ako kumain at pumunta na sa sasakyan ni rhacks. Tahimik akong sumakay at nag seatbelt
Tahimik ang naging byahe namin papunta sa school, tunog lang ng aircon ang naririnig. Nakatingin lang ako sa bintana hanggang makarating kami ng school
"Good morning!" pinasigla ko ang boses ko ng batiin ko ang mga kaibigan ko
"Erikha!" mabilis akong nilapitan ni jack at inakbayan
"Bakit?" nakatingala ako dito dahil mas matangkad sya sakin
"Mas maganda ka pa sa umaga." natawa ako ng mahina dahil sa sinabi nya
"Bolero!" hinampas ko ito sa tyan pero parang ako lang ang nasaktan. Ang tigas eh
"Wag kang maniniwala dyan erikha. Sa mata ng gagong yan, lahat maganda." tumatawang sabi ni brex. Makikitawa na sana ako kaso napa isip ako sa sinabi nya, edi hindi ako maganda?
"So panget ako brex?" tumaas ang kilay ko sa kanya
"Hahahahaha ayan brex! Ang daldal mo kasi eh." sabi ni rex kay brex
"Gago!" binatukan nya si rex pero nakaiwas ito kaya si andrew ang nabatukan
"Mga gago kayo!" inis na sabi nito sa dalawa at binatukan. Natawa kami sa tatlo pero naputol din yun ng maunang mag lakad si rhacks. Lagi naman syang ganyan pero may kakaiba sa kanya ngayon kaya napahinto kami sa pag tawa. Naramdaman din siguro nila
"Bakit bad mood yun erikha?" tanong ni lisa
"Ewan, tara na." pinasigla ko ulit ang boses ko at kumalas sa akbay ni jack tsaka pumunta sa mga kaibigan ko. Hinatak ko na ang tatlong bruha papunta sa room
"May problema ka." sabi ni jennie kaya napatingin ako sa kanya. Nasa unahan namin sila lisa at princess na nag uusap kaya hindi nila kami narinig
"Wala." umiiling na sabi ko dito
"Hindi ako nagtatanong kung may problema ka. Sinabi ko ang totoong napapansin ko sayo." napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi nya. Problema? Wala naman akong problema eh. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ang lungkot ko ngayon at kung bakit kailangan ko pang pilitin ang sarili kong maging masigla
"Nandito lang ako kapag gusto mo ng kausap." hinabol nito sila lisa at princess kaya naiwan akong nakatulala dito. Tulala na naman
"Hoy erikha." nagulat nalang ako ng umakbay sakin si brex at andrew
"Bakit ka nakatulala dyan?" tanong nila at nag simula ng mag lakad kaya nag lakad narin ako
"Akala ko kasi may babae akong nakita." sabi ko nalang. Hindi ko naman pwedeng sabihin yung totoo eh
"Multo?" namumutlang sabi ni andrew kaya natawa ako
"Hindi, lalaki pala sya." para namang naka hinga ng maluwag si andrew dahil sa sinabi ko
"Hindi ka siguro kumain kaya kung ano ano na ang nakikita mo." naiiling na sabi ni brex. Sasagot palang sana ako ng unahan na ako ng tyan ko. Mabilis ko itong hinawakan at yumuko, ang lakas ng tunog nya nakakahiya!
"Pffttt." nagpipigil ang dalawang mokong ng tawa habang hindi makatingin sakin
"Bwisit kayo!" inis kong tinanggal ang pagkaka-akbay nila sakin tsaka umunang mag lakad. Wrong timing naman kasi ang tyan ko
"Erikha may pagkain ako!" sabi pa ni brex habang tumatawa
"Ewan ko sainyo! Letse talaga kayong dalawa!" inis na sigaw ko sa kanilang dalawa. Wala na akong pake sa tingin at bulong ng ibang studyante sakin. Siguro nasanay na ako sa tingin nila
Malungkot ka kasi kaya wala kang pake sa kanila
Kung hindi lang ako masasabihang baliw malamang ay kanina ko pa inuntog ang ulo sa pader. Bakit ba nakikipag usap sakin ang sarili ko?
"Totoo ba? Hindi ka kumain?" napatingin naman ako ngayon sa gilid ko dahil sumabay si axel sa paglalakad ko
"Nalate kasi ako ng gising." pagsisinungaling ko. Ilang beses pa kaya akong mag sisinungaling ngayong araw?
"Ano ba kasing ginagawa mo sa gabi at lagi kang walang tulog?" salubong ang kilay na tanong nya sakin kaya natawa ako. Bakit ang cute ng isang to?
"Nag aaral kasi ako tuwing gabi."
"Pwede namang umaga." sasagot palang sana ako sa sinabi nya ng may humatak sa akin
"Bibili lang kami ng pagkain." napatingin ako kay ash na hinatak ako paalis sa tabi ni axel
Hindi na ako umangal dahil nung narinig ko ang salitang pagkain ay kumalam ang tyan ko. Gutom talaga ako hahahahaha
Pagdating namin sa cafeteria ay binilhan nya ako ng dalawang sandwich na kinakain ko habang naglalakad kami papunta sa room. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa pinto ng classroom
"Wag mong pilitin kung hindi mo kaya." napatigil ako sa sinabi nya. Wag pilitin? Anong wag pilitin? Kaya ko namang ubusin ang kinakain ko ah
Pumasok na sya ng hindi man lang hinihintay ang sagot ko kaya nag kibit balikat nalang ako bago pumasok. Baka abutan ako ng professor sa labas malagot pa ako
Tahimik lang akong umupo sa upuan ko at imbis na kausapin si rhacks--- na lagi kong ginagawa --- ay sila lisa nalang na nasa harapan ko ang kinausap ko
Galit sya sakin kaya paano ko sya kakausapin? Kasalanan ko rin naman eh, masyado kasi akong madaldal. Nakalimutan ko rin kung ano ba talaga ang papel ko sa buhay nya
Mamaya nalang siguro ako mag so-sorry. Kapag hindi na masakit? Hahahaha ano ba tong sinasabi ko. Wala namang masakit sakin eh, malungkot lang ako. Malungkot
☆☆☆
Hi guys! Nagkakalabuan na po si erikha at rhacks, sino kaya kila axel, ash at jack ang mag co-comfort sa kanya? Comment nyo naman ang hula nyo
BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Teen FictionMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...