Chaper 23: Gown

396 21 1
                                        

ERIKHA'S POV


Wala na po kayong schedule mamayang hapon para makapag empake tayo and yung damit na susuotin mo para sa party dadating na mamaya."

Okay." sagot nya habang diretso lang ang tingin nya sa kalsada

Feeling ko mainit na naman ang ulo ni rhacks. Nung nakaraan lang nakipag pillow fight sya sakin tapos masungit na naman. Hindi ko talaga maintindihan ang ugali ng isang to eh

Ikaw may susuotin ka na?" napalingon ako sa kanya ng mag salita sya

Meron na." tipid na sagot ko

Tahimik lang kaming dalawa buong byahe papunta ng school. Ayoko namang mag ingay kasi mukang bad mood sya. Pagdating ng parking lot nakatingin na agad sa sasakyan namin ang mga fans ni rhacks. Pag baba namin nag simula na silang tumili. Shit! Yung eardrums ko

Hindi na namin sila pinansin at dumiretso na papunta sa room namin

Parang papatay mga fans mo kung makatingin sakin." bulong ko kay rhacks

Tss. Wag mo pansinin." balewalang sabi nya

Napangisi ako ng may maisip akong magandang idea. Ikinawit ko ang braso ko sa braso ni rhacks tsaka ngumiti sa mga fans nyang mas sumama ang tingin sa akin

Ano bang ginagawa mo?" aalisin nya na dapat ang kamay ko ng pigilan ko sya

Basta. Maki-go with the flow ka nalang." umiling lang sya sa sinabi ko at hinayaan na ang kamay ko

Bumitaw narin ako sa kanya pag pasok namin ng classroom. Tatadtarin ako ng tanong ng mga kaibigan ko kapag nakita nila ang kamay kong nakakapit kay rhacks

Ang saya mo ah." sabi ni rex

Syempre." ngiting ngiti ako habang nakatingin sa kanila

Bakit may nangyari ba?" tanong rin ni princess

Wala, wag nga kayong chismoso." naupo na ako sa upuan ko. Sa gitna ng dalawang bato

----

May damit ka na ba para bukas?" tanong ni jennie habang kumakain kami, lunch na kaya nandito na kami sa cafeteria. Mabilis kumunot ang noo ko dahil sa tanong nya

Paano mo nalaman?"

Kasama kami eh." sabat ni lisa kaya sa kanya naman ako napatingin

Talaga?"

Yap. Business event din kasi yun." tumango tango nalang ako sa sinabi nila

So, may damit ka na nga?" tumango lang ako sa tanong ni jennie. Kumakain kasi ako

Meron na? Bawal ang dress dun dapat gown." sabi naman ni princess

Pahiram nalang ako."

Kami ng bahala sa damit mo." tumango nalang ako sa sinabi ni lisa. Bakit ba ngayon nila ako kinakausap? Busy ako sa pagkain eh

Mabilis dumaan ang oras, uwian na agad

Paanong di bibilis ang oras, tulog ka

Nilalaglag ako ng inner self ko gosh! Bigla nalang sumusulpot eh

Erikha mag bihis ka na tapos sunduin ka namin okay? Bye." hindi pa nga ako nakakasagot sa sinabi ni jennie, umalis na agad sya

See you nalang bukas." sabi ni brex bago pumasok sa kotse nya

Bye guys." sabi rin ni rex

Bawal late bukas."

Sabihin mo yan sa sarili mo andrew." natatawang sabi ni jack

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon