Chapter 24: Angel

387 21 2
                                        

Pagdating ko sa sala si rhacks agad ang nakita ko. Nanonood sya ng movie.

Master I'm back!" sigaw ko kaya napalingon sya sakin

Boses mo." inis na sabi nya pero hindi ko na yun pinansin

Totoo bang ikaw ang nagbayad ng gown ko?" tanong ko sabay lapit sa kanya

Oo." walang ganang sagot nya

Eh bakit? Pwede namang manghiram nalang eh."

Ayokong may kasamang mukang dugyot." agad akong napasimangot dahil sa sinabi nya

Hindi ako mukang dugyot." inis na sabi ko sa kanya

Talaga? Hindi halata." minsan talaga mas magandang itikom nya nalang ang bibig nya eh

Bato."

May sinasabi ka?" poker face syang lumingon sakin

Ang sabi ko po, kumain na ba kayo?" sarcastic na tanong ko

Hindi pa."

Ipaghahain na po kita mahal na hari." sabi ko sabay tayo

Ilalagay ko pala muna to sa taas." umakyat ako sa kwarto ko para ibaba ang gamit at gown ko. Ang hirap buhatin, ang laki kasi ng box eh.

Pagkatapos kong ilagay sa taas ang gown dumiretso na ako sa kusina para ipaghanda ng pagkain ang mahal na hari

Nakahanda na po ang pagkain nyo master!" sigaw ko kay bato na nasa sala parin

Nakalunok ka talaga ng speaker."

Opo, gusto mo rin ba lumunok?" umismid lang sya sakin tsaka umupo

Kumain ka narin." go signal ko na yun para sumabay kumain sa kanya kaya hindi na ako nag inarte. Gutom ako eh

Pagkatapos naming kumain umakyat na kami sa sari-sarili naming kwarto. Mabilis ako nag shower at nag bihis bago pumunta sa kwarto nya. Tutulungan ko pa sya sa pag aayos ng gamit nya eh

Bakit nandito ka?" tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Bakit ganun? Kahit naka sando at shorts lang sya ang gwapo gwapo nya parin? Ang hot, bwisit!

Laway mo." bumalik lang ako sa senses ko ng marinig ko syang tumawa

Laway pa din." inirapan ko sya bago pumunta sa pwesto nya

Bakit ka ba nandito?"

Tutulungan kitang mag ayos ng gamit mo."

Pumunta ako sa maleta nyang nasa harapan nya lang. What the hell? Hindi man lang tinupi ng maayos yung mga damit, basta nailagay nalang eh

Hindi ka ba marunong mag tupi?" sarcastic na tanong ko habang inilalabas ang mga damit nyang magulo. Binagyo ata ang maleta nya eh

Tsk." hindi ko na pinansin ang pag susungit nya at inayos nalang ang mga damit nya. Inaabot nya sakin ang damit tapos tutupiin ko naman tsaka ilalagay sa maleta nya

Tapos narin." itinayo ko ang maleta nya at dinala sa gilid, malapit sa pinto para mabilis nalang makuha bukas

Maaga tayo bukas master kaya maaga kang gumising." paalala ko sa kanya

Tsk oo na." sabi nya sabay tamad na humilata sa kama nya

Okay good." lalabas na sana ako ng may maalala ako

Wala ka na bang iuutos master?" lingon ko sa kanya 

Wala. Lumayas ka na." nag sign pa sya na parang nag papaalis ng isang aso

Eto na nga oh." maldita kong sagot bago lumabas ng kwarto nya

Papasok na sana ako sa kwarto ko ng marinig kong tumunog ang cellphone ko. May natanggap akong message mula sa kung sino, number lang eh. Sino kaya to?

From: 097********

Kumain ka na ba? Wag kang magpapagutom. I miss you

Sino naman to? Bakit may pa-I miss you pa sya? Wrong send lang kaya? Oo nga baka wrong send lang

Ibinalik ko nalang sa bulsa ko ang cellphone ko at pumasok na sa kwarto ko. Kumuha ako ng ilang damit tsaka inilagay sa bagpack ko. Kinuha ko narin lahat ng kakailanganin ko para sa two days stay namin sa Batangas. Maganda kaya sa pupuntahan namin? Nakalimutan ko kasing itanong kay master kanina

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko mabilis akong nag shower. Dahil may gagawin ako ng sabado at linggo ngayon palang dapat ko ng gawin ang mga assignments at projects namin ni rhacks. Hindi naman super hirap kaya sisiw lang to

Last paragraph na ang sinusulat ko ng makaramdam ako ng antok. Sinong hindi makakaramdam ng antok eh 2:30 na. Puyat na naman ako.  Pipikit lang sana ako saglit kaso tuluyan na akong hinatak ng antok


*******
RHACK'S POV

Nagising ako dahil pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko. Anong oras na ba?

2:45 na pala." sabi ko sa sarili ko bago bumangon

Bumaba ako sa kusina at uminom ng tubig. Pagkatapos kong uminom umakyat narin ako. Papasok na sana ako sa kwarto ko ng makita ko ang kwarto ni erikha. Magkatabi lang kasi ang kwarto naming dalawa

Parang may humila sa akin para pumunta sa kwarto nya. Pinihit ko ang doorknob at hindi ito naka lock, hindi ba sya marunong mag lock? Paano nalang kung may magnanakaw? Edi nanakawan na sya, tsk. Pumasok na ako at imbis na sa kama ko sya makita, nandun sya sa study table nya nakadukdok. Kaya naman pala laging tulog sa umaga eh.

Nilapitan ko sya at tiningnan ang ginagawa nya. Napailing nalang ako ng makita kong assignment at project naming dalawa ang ginagawa nya. Ang kulit talaga, sabi ng sabihan ako para matulungan ko sya sa pag gawa eh. Napansin ko na putol ang sinusulat nya, nakatulog na siguro kaya hindi nya na naituloy

Binuhat ko sya ng pabridal style tsaka marahang inilapag sa kama nya. Kinumutan ko sya  tsaka pinag masdan ang muka nya. Muka syang anghel pag tulog. Mukang mabait

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko. Bakit ko ba sya tinitingnan? Nababaliw na talaga ako hays

Bago ako lumabas ng kwarto nya itinuloy ko muna ang sinusulat nya kanina para wala na syang gagawin

Palabas na sana ako ng mapatingin na naman ako sa muka nya. Ang sabi sa akin ni ate roxie wala na daw syang parents. Paano nya kaya kinayang mag isa?  I admit, humanga ako sakanya dahil sa sinabi ni ate roxie

Hindi ko napansin na hinahaplos ko na pala ang pisngi nya, kung hindi pa sya tumagilid paharap sakin hindi ko pa mapapansin. Parang napaso ako sa pag hawak sa kanya. Mabilis kong binawi ang kamay ko tsaka ginulo ang magulo ko ng buhok

Fvck! Ano bang ginagawa ko? Masyado na siguro akong inaantok. Tama, inaantok ako. Makatulog na nga

Mabilis akong lumabas ng kwarto nya at bumalik sa kwarto ko. Ibinalibag ko ang sarili ko sa kama at tinakpan ng unan ang muka ko

Buti nalang hindi sya nagising nung hinawakan ko sya. Ano nalang ang sasabihin ko kung nahuli nya ako?

Damn. Matulog ka na nga rhacks! Matulog ka na!

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon