ERIKHA's POV
Tinutulungan ko si master na ayusin ang gamit nya dahil pupunta kami sa isang beach resort para i-celebrate ang anniversary ng parents nya. Pero katulad nung nakaraan, tahimik parin ako. Hindi parin kami nag uusap hangga't hindi tungkol trabaho kaya
nagtatanong na sila sakin kung ano ba talaga ang problema.
F L A S H B A C K
Papunta kami sa CR nila Lisa, naiihi kasi ako tapos sumama sila. Pagdating namin sa loob hindi na ako nagulat ng mag simula silang mag tanong.
"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni princess
"Oo nga ikwento mo naman." sabi naman ni princess samantalang tinaasan lang ako ng kilay ni jennie
"Kwento agad? Paihiin nyo naman muna ako." sabi ko habang tinitingnan isa isa ang cubicle. Baka kasi may chismosang nakikinig samin eh.
"Sige na, bilisan mo ah." hindi na ako sumagot sa sinabi ni princess at pumasok na sa isang cubicle, kanina pa talaga ako naiihi eh.
Paglabas ko ay binomba na naman nila ako ng tanong kaya nag kwento na ako.
"Kilala nyo ba si leah?" natigilan sila sa tanong ko kaya alam ko na agad ang sagot.
"Base on your reaction, kilala nyo sya."
"Ex sya na ni rhacks, first love to be exact. Sikat rin sya, hindi mo ba sya nakikita sa mga magazine? She's a well-known model." tumango tango ako sa sinabi ni jennie, so tama pala ang hula ko.
"Ano namang meron sa babaeng yun?" tanong ni Lisa.
"Tingin nyo gusto pa sya ni rhacks?" nahihiyang tanong ko sa kanila. Ngumiti sila at mapanuksong tumingin sakin, mukang alam na nila ang problema ko >_<
"Yieee!" tili ni princess.
"Hindi na." nakangiting sagot ni jennie.
"Paano mo naman nasabi?"
"Eh kasi may gusto ng iba si rhacks." nagulat ako sa sinabi ni Lisa. Close ba sila ni rhacks? Bakit alam nya?
"Bakit alam mo? Sinabi nya ba sayo?"
"Hahahaha wala, nevermind. Tara na nga." kumunot ang noo ko sa kanila, ang gulo nilang kausap ha. Hindi pa nga sila nakakapag bigay ng advice sakin eh.
Kinausap rin ako nila Brex, Rex at Andrew, sinabi nilang magiging okay din daw kami. Si Jack naman lagi akong pinapatawa at tinanong nya ako kung gusto ko daw ba ipabugbog si rhacks, nandyan lang sya. Kahit si Ash ay tinanong ako, alam na talaga nilang hindi kami okay. Mabuti nalang at may kaibigan akong tulad nila, nababawasan ang lungkot ko eh.
E N D O F F L A S H B A C K
Pagkatapos ko syang tulungan ay bumalik na ako sa kwarto ko para damit ko naman ang ayusin ko, ayoko na talagang sumama kaso pinilit ako ni Ate Roxie at Tita na sumama. Magagalit daw sila kapag hindi ako sumama. Ayoko namang magalit sila sakin kaya sumama na ako
Nagkasabay pa kami sa pagbaba ng hagdan ni Rhacks. Hindi na ako nagsalita ng kunin nya ang dala kong bag at sya na ang nag buhat pababa, kailan pa sya naging gentleman?
BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Teen FictionMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...
