Master nakahanda na yung mga gagamitin mo dito." sigaw ko sa kanya sa labas ng CR. Nag shoshower kasi sya
Kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako ah." sigaw ko ulit
Oo na! Kanina mo pa pinapaulit ulit yan. Sumama ka na sa mga kaibigan mo!" iritang sigaw nya rin sakin. Sya lang naman ang iniisip ko tapos sisigawan nya ako? Tsk, jerk!
Tara na nga kasi erikha. Kung ako si rhacks malamang kanina pa kita binato ng shampoo." tamad na sabi ni jennie
Sya lang naman iniisip ko no." nakangusong sabi ko
Malaki na yun, hindi na bata." tamad na sabi ni princess. Mga nakailera sila sa kama habang tamad na nakatingin sa akin
Oo na, tara na." kinuha ko na ang dalawang box na may lamang gown at heels ko tsaka umunang lumabas
Pagdating namin sa kwarto ni jennie, dito kasi kami mag aayos -- ibinaba ko na ang gamit ko
Erikha mag shower ka muna." tumango lang ako sa sinabi ni lisa bago pumasok sa CR
Pinagbutihan ko ang pag kuskos sa katawan ko. Dapat maganda ako mamaya. Dapat tutulo ang laway ni rhacks mamaya kapag nakita nya ako. Akala nya ba hindi ko pa nakakalimutan na tinawag nya akong dugyot!
Siguro mga isa't kalahati ako sa CR bago lumabas. Nakabihis at nag mamake up na nga sila ng lumabas ako eh
Sobrang tagal sis ha." sabi ni princess pero sa salamin parin sya nakatingin
Nagkuskos ng mabuti yan." sabi naman ni jennie
May pinaghahandaan siguro." sabi naman ni lisa
Sabi kasi ni rhacks dugyot daw ako kaya makikita nya mamaya kung sino ang dugyot." nakangising sabi ko. Napatingin naman sa akin ang mga kaibigan kong mga nakangisi rin
Ganyan dapat." sabi ni princess
Oh ayusan na yan." sabi ni jennie kaya lumapit sa akin ang dalawa
*******************
RHACK'S POVNaka ayos na kaming pito at hinihintay nalang namin ang paglabas nila erikha mula sa kwarto ni jennie. Bakit ba ang tagal nila?
Ang tagal." inip na sabi ni ash
Mga babae yun eh." kibit balikat na sabi ni andrew
Oo nga, parang hindi nyo naman alam na matagal talaga silang mag ayos." sabi naman ni jack
Tapos na kami." napatingin ulit kami sa pinto ng may magsalita
Unang lumabas ay si princess sunod si lisa at si jennie. Teka? Nasaan si erikha?
Tulala sila andrew, brex at rex habang nakatingin sa tatlong babaeng lumalabas sa pinto. Nasaan na ba si erikha? Baka malate na kami, tsk.
Erikha nasan ka na?" mukang nabasa naman ni jennie ang nasa utak namin kaya tinawag nya na si erikha
Wait yung heels. Baka mamaya paglabas ko madapa ako." iritadong sigaw ni erikha mula sa loob ng kwarto. Kapag ako hindi nakapagtimpi papasukin ko sya sa kwarto eh
Kapag tayo nalate." banta ni lisa
Eto na nga oh." lumabas na sa wakas si erikha mula sa kwarto
Fuck?! Bakit parang naging slow motion? At saan galing ang liwanag? Kinukuha na ba sya ng langit? What the hell, anong nangyayari sakin?!
Pfttt."
Tulala sila."
Sabi sayo sis ang ganda ganda mo na eh."

BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Novela JuvenilMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...