Chapter 8: His past

497 26 1
                                    

Past? Ano pong past?" kunot noong tanong ko. Okay ako na ang curious sa past ni bato

His past relationship. He really loves that bitch but that girl choose her career over rhacks. Kailangang pumunta nung bitch na yun sa US, complicated narin yung relationship nila nung time na yun. Wala na kasing time yung babaeng yun para kay rhacks tapos ayun nga kailangan nang lumipat nung pakshet na babaeng yun sa US para sa career nya kaya pinapili sya ni rhacks kung sya ba o yung career." malungkot ang boses ni ate roxie ng magkwento sya.

Grabe naman pala ang nangyari sa lovelife ng boss ko. Akala ko sa mga libro o movie lang may ganun eh.

Hindi nga nag dalawang isip yung babaeng yun eh. Career talaga ang pinili nya. Pero ayos lang yun because rhacks don't deserve a girl like her. I know that rhacks deserve more than a plastic barbie doll." sabi nya at kita ko talaga ang inis sa muka nya habang nagku-kuwento tungkol sa ex ni rhacks

Pano nyo naman po nalaman ang kuwento nilang dalawa? Kinuwento po ba nya? Tsaka pano pong plastic barbie doll?" sunod sunod ang tanong ko kay ate. Nacu-curious na kasi talaga ako sa past lovelife ni master bato eh. Biruin nyo ang batong katulad nya minsan nang nagmahal kaya lulubusin ko na ang pagtatanong para alam ko buong story diba

Because I was there when that situation happened. I always been there for my brother. I saw how he loved that woman so much. Pero makapal talaga ang muka nang babaeng yun para saktan ang kapatid ko. Akala nya siguro hindi namin alam ni mommy na pina-plastic nya lang kami. Nung pinakilala kasi sya samin ni rhacks eh natapunan sya nang juice ni mommy, kung wala nga lang siguro dun si rhacks ay sinigawan na nya si mommy. Pagkatapos nung nangyaring yun ayun si mommy at rhacks ang nag away tapos narinig ko pa yung sinabi nung babaeng yun nung nasa garden sya, ang sabi nya na mas mahal pa daw yung dress nya kesa sa buhay namin." sabi nya kaya napakunot noo ako. Ang sama pala nang ugali nung babaeng yun eh. I wonder kung sino yun

Plastic nga po." sabi ko habang umiling iling

Simula nung mag break sila nang plastic barbie doll na yun naging ganun na sya. Kaya naghahanap kami ng taong makakapag balik sa dating Rhacks na kilala namin." sabi nya habang may malungkot na ngiti sa labi.

Naawa ako sa mommy at ate ni rhacks. Halata kasi kay ate kung gaani nya ka miss ang dating ugali ng kapatid nya

Wag po kayong mag alala ibabalik ko po yung dating rhacks." sabi ko. It took me seconds bago maalala yung sinabi ko at huli na para bawiin ko pa

Talaga? Kaya mo? O my ghod thank you so much. Sabi na eh, unang kita ko palang sayo ikaw na talaga ang magpapa tino sa kapatid ko."  sabi nya kaya ngumiti nalang ako nang alanganin sa kanya

Bakit ba kasi nasabi ko yun eh? Ang tanga tanga mo talaga rose. Pero atleast sumaya ulit si ate roxie ang tanong nga lang. Pano ko maibabalik si rhacks sa dating sya? Paano ko mapapabait ang isang masungit na gaya nya? Hindi nga kami close eh!

Paano ko mapapaamo ang isang tigre? Please somebody help meee

*

*

*

Gabi na at tulog na silang lahat samantalang ako nandito sa kusina at nag mumuni muni. Iniisip ko kung paano ko gagawin ang sinabi ko kanina kay ate roxie. Lord please help me. I don't know what to do na eh

Ay butiki!" sigaw ko ng may kumalabit sa akin. Jusko mamamatay pala ako sa gulat dito eh!

Ano ba?" inis na sabi ko kay rhacks na nasa likod ko. Pwede namang tawagin nalang ako bakit kakalabitin nya pa diba

Anong problema mo? Kinalabit ka lang eh." sabi nya habang umuupo sa tabi ko

Papatayin mo kasi ako sa gulat. Pwede namang tawagin mo nalang ako diba." sarcastic na sabi ko dito bago irapan. Hmp! Bakit ba nagpakita sakin ang batong to. Sya na nga prino-problema ko tapos iinisin pa ako

Eh gusto kitang kalabitin eh anong pake mo." masungit na sabi nya sakin kaya inirapan ko nalang ulit sya. Gabi na ayokong mastress kakaaway sa batong to

Matagal kaming natahimik bago sya mag salita. Improving sya ah

Bakit gising ka pa?"

Bakit masama?" pamimilosopo ko dito

Nagtatanong ako ng maayos." inis na sabi nya kaya nag peace sign ako

Hehe. Hindi kasi ako makatulog. Eh ikaw bakit gising ka pa? Hindi karin makatulog no?" bahagya ko pang inilapit ang muka ko sakanya. Sinakop ng palad nya ang muka ko tsaka tinulak kaya muntik na akong mahulog sa upuan ko

Bwisit ka talaga! Muntik na akong mahulog oh!" inis na sabi ko dito. Kung pwede lang sumigaw sinigawan ko na tong kaharap ko eh

Bakit kasi nilapit mo ang muka mo?"

Bakit masama ba? May sakit ka ba bawal lapitan?" inis paring tanong ko dito

Tsk. Madaldal ka talaga."

Tahimik ka naman."

Tahimik ako kaya sana manahimik ka rin. Hindi ka ba napapagod kaka daldal mo buong araw? Hindi pa kitang nanahimik sa isang tabi eh. Kung hindi ka nakikipag away nakikipag daldalan ka naman." namilog naman ang mata ko sa sinabi nya. Ang haba mga besh! Improving talaga ang alaga ko

Oh bakit ganyan itsura mo?" nagtatakang tanong nya

Ang haba ng sinabi mo eh. Improving ka master ha." nakangiting sabi ko ng maka bawi na ako sa pagka gulat

Tsk. Yun pa ang pinansin mo."

Alam mo kasi nature ko na ang pagiging madaldal. Hindi kagaya mo naka tahimik sa isang gilid. Buti nga hindi pa napapanis ang laway mo eh." sinamaan nya naman ako ng tingin kaya nagtaka ako. May nasabi ba akong mali

Ewan ko sayo stupid."

Nye nye nye bato." umirap ako sa kanya bago tumayo. Mabuti pang iwan nalang sya

San ka pupunta?" tanong nya kaya nilingon ko sya

Sa langit gusto mo sumama? Hinihintay ka na daw ni san pedro eh." sarcastic na sagot ko sa kanya

Isa." nagbabantang sabi nya

Sa kwarto po master kasi po anong oras na kaya matutulog na ako. Alangan namang mag swimming pa ako diba." nakangiti at magalang na sagot ko sa kanya. Baka palayasin ako ng wala sa oras eh

Tsk. Matulog ka na nga shoo." tinaas nya pa ang kamay nya tapos pinapalayas ako na parang isang aso. Malapit na akong mapuno sa batong to ah -_- . Nawawala ang good vibes ko sa isang to eh

Opo masungit na bato." inirapan ko pa sya bago tumalikod at tumakbo papunta sa kwarto ko. Baka magbilang na naman eh tapos palayasin na talaga ako

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon