chapter 14: Rex and Jennie

1.2K 41 2
                                    

JENNIE'S POV

Nandito na kami sa school habang hinihintay si lucky girl, I mean erikha.

Ang swerte kasi nya eh. Biruin nyo kasama nya ang nag iisang rhacks jhustin villaford hindi lang yun nakakasama pa nya ang mga kaibigan nito pero kung umakto sya parang wala lang sa kanya kung may kasama syag famous. Sabagay ganun naman talaga si erikha, sya yung tipo nang tao na walang pakielam sa mga ganung bagay at sya yung tipo nang tao na hindi plastik kaya hangga kami sa kanya

Woy unnie." napatingin ako kay Lisa na kinakaway kaway pa ang kamay nya sa harap ko. I'm spacing out na pala

Wae?" tanong ko

Bakit kako kayo nag usap ni Rex kahapon?" tanong nya kaya naalala ko na naman yung pag uusap namin kahapon

Akala ko pa naman future na namin ang pag uusapan namin yun pala about business matter lang. Matagal ko ng crush si Rex eh pero hanggang ngayon wala padin T_T . Hanggang ngayon umaasa padin akong mapapansin nya ako

Business matter." maikling sagot ko. Tuwing naaalala ko yun nawawalan ako ng gana

Nag assume ka ano? Kaya ka mukang disappointed?" tanong nya sabay tinuro pa ako

Tigilan mo nga ako lisa. Oo na nadissapoint ako. Hay ang sakit mag assume." sabi ko sabay pumangalumbaba sa lamesa

Okay lang lahat naman tayo nag aasume." sabi ni princess. Bakit ba ang slow nyang tao?

Yung tipong akala mo kasama ka sa lakad yun pala hindi. Sakit no?" tanong nya kaya napa poker face nalang kami tapos binatukan sya. This lady beside me is crazy so beware

Aray naman. Sinabi ko lang naman yung tama ah." sabi nya habang hawak hawak ang batok nya

Isa pa princess ako na mismo magpapalipad sayo papunta sa mental." inis na sabi ko

Bibigyan mo ba ako nang pakpak para makapunta dun?" tanong pa nya. Tss masyadong literal itong babae na to eh

Bumibingo ka na sa akin princess ah nako isa nalang magpapakuha na ako kay lisa nang dos pordos." banta ko sa kanya. Kaka ubos ng energy tong si princess

San naman ako kukuha nun?" singit ni lisa sa akin kaya napahilamos nalang ako sa muka ko. Nahawa na ata ang isang toh

Ang slow nyo grabe." sabi ko at hindi na sila pinansin. Humarap nalang ako sa pinto kaysa sila kaharap ko. Bakit ba puro may sapak ang mga kaibigan ko?

Yow guys." energetic na sabi ni erikha sa amin. As always punong puno sya ng energy

Ang tagal mo." nakasimangot na sabi ko

Ang aga aga nakasimangot ka dyan? Bakit ba?" tanong nya sa akin

Dahil sa dalawang baliw na toh." sabi ko sabay tinuro pa ang dalawa

Hindi pa naman baliw yang mga yan eh. Papunta pa lang." sabi nya kaya napa irap nalang ako

O sigeh na papunta na kung papunta."

San pupunta?" tanong ni lisa kaya napatampal nalang ako sa noo ko

Sa mental kayong dalawa." sabi ko sabay turo sa kanila. Feeling ko mahahawa na ako sa pagiging slow nila

May klase pa kaya bawal pa kaming pumunta dun " pamimilosopo sa akin ni princess. Jusme! Ako ata ang trip ng dalawang to ngayon

Hahahahaha wag mo na kasing kausapin." naiiling na sabi i erikha sabay upo sa upuan nya. Oo ngayon palang sya umupo

Ang hirap hindi pansinin eh."

Pinagtri-tripan ka lang ng dalawang yan."

Konti na nga lang mahahawa na ako sa dalawa eh."

San ka mahahawa?" singit ni lisa. Ayan na naman sila

*ehem*." napatingin kami sa nag ehem na walang iba kundi si Rex.

Omyghad nandito pa pala sila! Tss ang kulit kasi ng mga kaibigan ko eh hindi ko tuloy napansin

Bakit may ubo ka?" nakataas kilay na tanong ni erikha.

Wala." sagot naman ni Rex

Wala naman pala eh. Bakit umuubo ka dyan?" mataray na tanong ni erikha. Seriously? May period ba toh ngayon?

Wala. Mag usap na nga lang kayo ulit." Rex

Paano kami mag uusap eh umepal ka na. Tayo mag usap gusto mo?" nakataas na kilay ni erikha. Ang sungit nya 😣😣😣😣

Bakit ang sungit mo ngayon?" tanong ni rex

Kasi masungit ako. May problema ka dun?" nagtataray na tanong ni erikha

Tama na nga yan. Hoy erikha ano bang nakain mo at ang taray mo ata ngayon?" nakataas kilay na tanong ko

Naalala ko kasing naiinis pala ako sa kanila." sabi nya sabay tinuro ang famous boys isa isa. Take note ha, with matching sama ng tingin yun

Bakit naman?" tanong ni princess. Inunahan pa ako

Aba nadulas ako kanina tapos imbis na tulungan ako alam mo ba ginawa nila? tinawanan pa ako. Mga hinayupak!" naiinis na sabi nya

Sinapok mo kaya kami pagkatapos nun." sabi ni andrew

Sinapok mo kami pero sila ash at rhacks hindi." sabi din ni jack

May favoritism ka erikha." nagpapa awang sabi ni brex

Eh kung batukan ko kaya ulit kayo." umamba pa sya ng batok sa kanila

O sya sya tama na. Mamaya nyo na ituloy yan padating na si mam." pag awat ko sa kanila at buti naman nagsitigil na sila.

Nag discuss lang si ma'am kaya nakinig kami pwera kay erikha na natulog lang sa klase. Iba din itong babae na ito eh, lakas ng fighting spirit para matulog sa klase

Lunch na kaya ginising na namin ang babaeng feeling sleeping beauty sa klase. Sino pa ba diba? Edi si erikha

Wuy bangon na sa hukay--este bumangon ka na." sabi ni jisoo habang mahinang inalog alog si erikha. Kami naman ay napatawa nalang pwera sa mga bato na nandito

Psh wala ako sa hukay nasa room ako." sabi ni erikha na nag iinat pa. Boom supalpal si jisoo

BURN***" Sigaw namin ni Lisa...

*

*

*

*

*

Uwian na namin (bilis nang oras diba). Nandito na ako sa parking lot nakasakay sa baby car ko kaso flat. Flat ang gulong nang kotse ko kaya no choice mag co-commute ako. Hay sad life

Palabas na ako ng parking area ng makita ko si Rex

Uy jennie san ka pupunta?" tanong nya. Pinipilit ko namang pakalmahin ang sarili ko para hindi halatang super duper crush ko sya

Uuwi na." nakangiting sagot ko. Dapat lagi akong naka smile pag nandyan sya para ganda points diba

Wala kang kotse?"

Flat kasi yung gulong ng kotse ko kaya mag co-commute nalang ako."

Commute? Delikado mag commute kaya sabay ka na sakin." pinigilan ko ang sarili kong tumili dahil sa sinabi nya. Inaya nya akong sumabay sa kanya myghad!

Wag na nakakahiya." tanggi ko kahit deep inside gusto ko nang sumakay

No. I insist, delikado sayo tsaka pupunta rin naman talaga ako sa bahay nyo eh." sabi nya kaya sumakay na ako. Tama na ang pagpapakipot mamaya mag bago pa ang isip at hindi ako isikay eh

☆☆☆

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon