Chapter 43: Axel

970 50 15
                                    

***** ERIKHA'S POV *****


Nagising ako sa tunog ng alarm sa cellphone ko. Bumangon na ako sa kama ko- nag sleep walk na naman siguro ako kaya nandito ako sa kama- at nag ayos. Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay bumaba na ako tsaka inayos ang kakainin ni master.

"Nakahanda na ang pagkain mo." sabi ko pagbukas ng pinto ng kwarto ni rhacks.

Hindi ko na sya hinintay mag salita- kung mag sasalita man sya- bumaba na ako at sa sala nalang nag hintay.

"Hindi ka ba kakain?" tanong nya ng makita ako sa sala ng bahay nila.

"Tapos na." maikling sagot ko. Ang totoo ay wala talaga akong ganang kumain.

"Is there any problem?" tanong nya ulit sakin.

"None." maiksing sagot ko. Bakit nya ba ako kinakausap? Hindi ba sya makahalatang ayaw ko syang kausapin?

Kaya mo? Kayang mong hindi sya kausapin?

Kakayanin ko!

"Meron." pamimilit nya pa pero umiling lang ako sa kanya. Masasanay rin naman sya sa ganitong set up eh, baka nga matuwa pa dahil wala ng annoying maid na nanggugulo sa kanya

"Erikha." seryosong tawag nya sa akin. Tsk akala ba nya matatakot nya ako dun? Aba mas nakakatakot mahulog ng walang sasalo sayo

Humuhugot?

"Wala nga. Kumain ka nalang dun tsaka dapat matuwa ka wala ng gugulo sayo." walang reaksyon na sabi ko, dapat cold ako simula ngayon.

"What the hell are you saying?" naguguluhang tanong nya

Aba dapat lang na maguluhan sya. Ako nga naguguluhan narin kung gusto ko palang ba sya o mahal na eh. Pero alinman sa dalawang yun, hindi nya parin naman ako gusto! At mas lalong hindi nya ako mahal. Tanga parin naman ako, nag mahal ng taong may ibang mahal!

"Wala." pangbabalewala ko ulit sa sinabi nya. Tama yan self, wag kang nagpapadala sa masamang hangin!


"Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, eto nalang. Bakit-" hindi ko na sya pinatapos mag salita dahil alam ko namang itatanong nya kung bakit namamaga ang mata ko.

"Kumain ka na para hindi tayo ma-late." tinalikuran ko na sya at nag kunwaring may inaayos sa loob ng bag para umalis na sya.

"Tsk." Narinig ko ang buntong hininga nya bago ko marinig ang yabag nya papaalis

Kita mo na self? Sinukuan ang kaartehan mo kaya wala talagang pag-asa yan. Bakit ka nga naman nya susuyuin at kukulitin eh wala namang kayo, diba?

Katulad kahapon ay tahimik lang kaming dalawa hababg nasa byahe. Hanggang makarating kami sa school ay hindi kami nag iimikan, dapat siguro sanayin ko na ang sarili ko.

Kaya mong hindi sya pansinin?

Kakayanin ko!

"Erikha anong nangyari sa mata mo?!" sabi ni jennie ng makababa ako sa sasakyan

"Umiyak ka no?" tanong naman ni princess. Nakita ko ring nagulat silang lahat ng makita ako. Grabe yung reaction ah, hindi naman super maga ng mata ko ah.

"May nabasa kasi akong libro na nakakaiyak. Ayan naiyak tuloy ako." pagsisinungaling ko. Alangan namang sabihin ko yung totoo, edi nalaman nilang iniyakan ko si rhacks.

Im His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon