So kamusta ka na?" masiglang tanong ko kay laxus. Katabi ko sya sa isang gilid habang nasa harap namin sila rhacks na busy kaka pictureOkay naman. Ikaw? Anong trabaho mo bakit ka nandito at bakit mo kasama yun?" tinuro nya pa si rhacks na nasa harap
First okay lang ako. Second Personal Assistant ako ni Rhacks Jhustin Villaford kaya kasama ko sya at kaya ako nandito.
Hindi ka naman nahihirapan sa trabaho mo?" tanong nya. Ngumiti ako para makita nyang okay lang ako
Hindi no. Kayang kaya ko yun. Bakit ka pala nandito?"
Ah. Nag hatid kasi ako ng pagkain."
Miss mo na ako no?"
Kapal ah." sabi ko kaya natawa kaming pareho kahit walang nakakatawa. Baliw no?
Pero seryoso na miss kita." with sincerity na sabi nya
Ako din. Wala ng nanlilibre sakin tuwing sweldo." napasimangot sya dahil sa sinagot ko
So miss mo ako dahil sa libre?"
Hahahaha joke lang. Syempre hindi." ngumiti ulit sya tapos ginulo ang buhok ko
Hindi mo ako aso." inis na sabi ko tsaka lumayo sa kanya. Ang hirap mag ayos ng buhok ha!
Malapit na akong umalis." natigil ako sa pag aayos ng buhok ko dahil sa sinabi nya
Umalis? Saan?"
Sa restaurant tsaka dito."
Bakit?" iniwas nya ang tingin nya sakin pagkatapos ko magtanong
Nakahanap na ako ng ibang trabaho eh."
Anong trabaho tsaka saan?"
Basta malayo dito." naramdaman ko namang ayaw nyang sabihin ang tungkol dun kaya hindi ko na sya kinulit
Hindi na kita makikita?" malungkot na tanong ko
Matagal ko ng kasama si laxus at kapatid na ang turing ko dyan kaya nakaka sad na aalis na sya
Kailan ka pwede?" iniwasan nya yung tanong ko kaya hindi ko nalang ipinilit
Sa sabado or linggo." nakangiting sagot ko. Hindi ko nalang pinahalata na malungkot ako kasi hindi naman uso sakin ang malungkot
Sige text mo ako kung kailan ka pwede."
Nag paalam na sya sakin dahil marami pa daw syang gagawin. Kumaway ako sakanya hanggang makalabas na sya
Hoy."
Ay palaka!" napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Kainis naman na rhacks to, nangugulat.
Tsk. Tara na." hindi na ako nakipag talo sa kanya at sumunod nalang. Wala akong energy makipag away ngayon dahil kay laxus
Pasado alas siyete na ng makasakay kami sa van dahil ang tagal tagal nilang mag picture. Pero okay lang na matagal sila kasi nagawa ko yung assignment ko
Sino yun?" tanong nya ng maka pasok ako ng van
Sinong sino yun?"
Yung lalaki kanina."
Bakit mo naman tinatanong?" pinaningkitan ko sya ng mata. May pagka chismoso din pala ang amo ko
Masama ba?"
Oo lalo na kapag walang dahilan tsaka kailan ka pa naging chismoso?" nakapamewang na tanong ko
Just answer my damn question." iritang sabi nya. Sya pa may ganang mairita eh sya na nga nag tatanong

BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Teen FictionMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...