PROLOGUE
SARI-SARI ang definition ng salitang ordinary. Mayroon din iyong sari-saring halimbawa.
May mga pagkaing ordinary: NFA rice, double dead na manok na binebenta ng kinse pesos, at walang kamatayang noodles.
May prostitute na ordinary, kinulang ng sampung paligo sa mga first class. Mga may kamot, binili sa 168 mall ang mga bra, at makakapal ang make-up, kasi maraming bagay na itinatago at iniiwasang makita sa mukha: pekas, pimple marks, black heads, hiya at pagdurusa.
Pero kung mape-personify ang salitang "ordinary," si Jane na siguro iyon. Pati nga pangalan niya, ordinary. Ewan ba niya sa parents niya, hindi umisip ng creative na pangalan. Puwede naman siyang pangalanang Ashley Maddison, Julia Psalmer o Bellamy Blanche. Kahit nga siguro Concordia o Gustava, matatanggap na niya. 'Wag lang Jane. Plain Jane.
True to her name, she became plain. Bland. Hindi siya maganda. Ang mukha niya, puno ng white heads at black heads. Walang apartheid ang mga hinayupak dahil ayaw umalis sa mukha niya kahit gumamit siya ng Ponds, IWhite, Skin White o kung ano mang letseng beauty product na i-e-endorse ni Bea Alonzo o Anne Curtis.
Hindi rin naman siya sobrang matalino. Hindi siya marunong sumayaw. Wala kasing coordination ang katawan niya, parang Hukbalahap ang mga braso niya at mga Hapon naman ang legs niya. Kapag may dance presentation ang klase nila, nilalagay siya sa likod, para walang makakita. Hindi rin naman siya marunong kumanta. Nang mauso ang "Let it Go," todo kanta siya sa banyo! Pero todo piyok din siya so she decided to well, let it go.
Marunong siyang magsulat ng kuwento at tula... pero does it matter?
"I love you," narinig niyang sabi ng tatay niyang si Edward sa driver's seat.
"I love you too," sabi naman ng nanay niya na nasa passenger seat--si Bella.
Jane cringed on the backseat. They were now on their way to Baguio, na bago nilang titirhan. Security guard ang Papa Edward niya sa Maynila. Maliit ang sahod nito, kaya nang alukin ito ng best friend nito na maging caretaker ng isang vacation house sa Baguio, pumayag ito. Malaki kasi ang sahod, at isa pa, ayaw nito sa Maynila. Wala raw ibang inatupag ang mga tao kung hindi magreklamo tungkol sa gobyerno, magbigay ng opinyong hindi naman hinihingi at manghula ng password ng WiFi ng kapitbahay.
Okay lang naman kay Jane na lumipat sa Baguio. Wala naman siyang gaanong kaibigan sa Maynila.
"I love you, ulit," narinig na naman niyang sabi ng Papa Edward niya. Sweet talaga ito sa nanay niya.
Jane was happy that her parents were still sweet with each other--but there were times--there were rare times when she just hated it. Para kasing teenager ang mga ito. Nagse-celebrate pa ng monthsary at nagsusuot ng couple's shirt. Idagdag pang Bella at Edward ang pangalan ng mga magulang niya. Nang mauso ang Twilight, ginaya ng mga ito ang mga karakter. Which was absurd, dahil mataba ang nanay niya at mukha namang tutong ang tatay niya.
"I have no strength to stay away from you anymore," sabi ng tatay niya minsan sa nanay niya. Akala mo naman, nag-abroad ang nanay niya. Eh, namalengke lang naman!
"I love you too, ulit," sagot ng nanay niya sa sinabi ng tatay niya kanina.
"Ibangga n'yo na lang po kaya ang kotse?" Jane said.
Her parents laughed.
"Cool ka lang, anak," sabi ng Mama Bella niya.
"Ang sakit na po kasi ng puwit ko sa kauupo."
"Malapit na tayo, anak," salo ng Papa Edward niya. "'Wag nang mainit ang ulo mo."
Mukhang malapit na nga sila. Wala nang SOGO at mga pabrika sa paligid. Puro mga puno na lang ang nakikita niya, hinahagkan ng hangin kaya mistulang kumakaway sa kanya ang mga sanga.
"Anak, sana naman, sa school na kung saan ka mag-aaral, matuto ka nang makisama," sabi ng Mama Bella niya. Concern ito sa social life niya. Wala kasi siyang dinadalang kaibigan sa bahay.
"Oo nga," sabi ng Papa Edward niya. "Makipagkilala ka. Saka, kung magkakaroon ka man ng manliligaw, 'wag mong idi-discourage. Kilalanin mo, pakitunguhan mo nang maayos."
"Fine 'Ma, 'Pa," Jane said, fighting the urge to roll her eyes. "I'd make friends. I will try my best to make friends."
"Is that a promise?" her mother said, sounding very dramatic.
"Promise," she murmured, sabay salpak ng earphones sa tenga. Nakinig na lang siya ng music, tumingin sa labas ng bintana. It was a beautiful day outside. The sun was shining right, the temperature was perfect. She felt an odd feeling though, a feeling that was absurd and melodramatic, like her mother. The feeling of being watched.
i
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...