NANG wala na sina Jane at Manuel ay patakbong nagtungo sina Jep at Murray sa kakahuyan.
Doon nila balak maglaban dahil baka mag-uwian na ang mga schoolmate nila at maabutan sila sa ganoong anyo. Nakatayo sila sa kagubatan, napaliligiran ng puno. Ang buwan ay panaka-naka nang nakakasilip dahil sa paggalaw ng mga ulap sa kalangitan.
Umihip ang malamig na hangin.
"Simulan na natin!" sigaw ni Jep.
Agad siyang tumakbo palapit kay Murray, balak sanang sakalin ang lalaki, pero mabilis na nakatalon ito patungo sa isang sanga ng puno. Ngumiti ito sa kanya, tumalon pababa ng puno, ang paa nito ay mabilis na tumama sa balikat niya.
"Crap!" sigaw ni Jep, nasaktan siya at napalugmok sa lupa.
"Don't underestimate me, Jep," sabi ni Murray. Akmang sisipain siya nito pero mahigpit niyang hinawakan ang paa nito. Hinila niya iyon at ito naman ang natumba sa lupa. Mabilis ang naging sunod na galaw ni Jep. Hinawakan niya si Murray sa baywang, binuhat at ihinagis sa ere.
Tumama ang likod ni Murray sa isang napakalaking puno. Napasigaw ito, kasunod ng matunog na pagbagsak nito sa lupa.
"Don't underestimate me too," sabi ni Jep.
Pumorma siya na susugod at mabilis na tumakbo palapit sa lalaki. Pero nakita niya kung paano mabilis na pumulot si Murray ng bato at gamit siguro ang lahat ng lakas ng braso nito ay ibinato iyon sa kanya.
Tumama ang buto ng tuhod niya at gumapang ang sakit sa buong katawan niya. Napaluhod siya sa lupa. Sobrang sakit na hindi siya makabangon. Hindi siya makatayo. Nanghihinang napahiga siya sa lupa.
He could smell the soil. It smelled like death to him.
Murray grinned in the darkness. Tumayo at nagsimulang maglakad palapit sa kanya. Dahan-dahan, tila ninanamnam bawat sandali. Nang makalapit ito sa kanya ay tumalungko ito, tumitig sa kanya.
Bumilis ang tibok ng puso ni Jep. At nang maglabas ng punyal si Murray sa loob ng tuxedo nito, nagsimulang mag-init ang mga mata niya.
Naalala ni Jep si Jane. Kung paanong una niya itong nakita habang nagda-drive pa lang ang papa nito patungo sa bahay na tinitirhan ng mga ito ngayon. Namamasyal siya sa kagubatan nang mapadaan ang kotse nito at sa matalas niyang mata ay nakita niya si Jane.
Masaya siyang nalaman na sa iisang paaralan lang sila mag-aaral. He became really interested in her, lalo pa noong sinimulan siya nitong bigyan ng mga tula. Nang maisalin dito ang golden blood ay parang nababaliw na siya sa kaiisip dito. Kaya niya pinrotektahan ito sa mga pinsan niya.
Pero 'di kalaunan, naisip ni Jep na nahulog talaga ang loob niya sa babae. Wala na iyong kinalaman sa golden blood. It was her... it was simply her.
Umagos ang luha sa gilid ng kanyang mukha. Naalala niya ang huling nasabi niya kay Jane... na mahal na mahal niya ito. Mabuti na lang at nasabi niya iyon dito... sa huling pagkakataon, kung sakali.
Itinaas ni Murray ang punyal...
"Sandali lang," sabi ni Jep. "May sasabihin lang ako."
Tumingin si Murray sa kanyang mukha. At natigilan ito nang makita ang luha sa mga mata niya. Nawala ang ngisi sa mga labi nito.
"Pakiusap, 'wag mo nang ituloy ang balak mo kay Jane. I know you want to drain her blood, that is what you wrote on your letters, but you know that it will kill her right? Draining her blood will kill her." sabi ni Jep. Patuloy ang pagdaloy ng luha na mula sa kanyang mga mata. "But don't kill her. You can bite her. Make her your vampire bride. Matitikman mo na ang golden blood no'n at magkakaroon ka na ng kapangyarihan. But don't kill her..."
Jep realized he'd rather see Jane with someone else than for her to die. Sure, it was painful imagining Jane to be with someone else, but pain wouldn't matter to him anyway. Because Murray was obviously going to kill him.
Or not.
Nakatingin ito sa kanya na puno ng pagtataka. Napapakurap pa ito. "Saan mo naman nakuha ang ideya na ako ang nagpapadala ng mga death threats kay Jane?"
"Kay Manuel," sagot ni Jep. Nagsalubong ang kilay niya. Nagmamaang-maangan ba ito? "Sinabi niya na ikaw ang nagpadala niyon. At sinabi niya na tinakot mo siya na kapag ipinagsabi niyang ikaw ang nagpadala ng mga threats--"
"Hindi ako ang nagpadala ng death threats ni Jane," sabi ni Murray. "Kaibigan ko siya."
Natigilan silang dalawa. Nagkatinginan.
"Si Manuel..." nasabi ni Murray. "Siya ang nagsabi sa 'kin na kay Jethro galing ang death threats. Kaya nga nag-alala ako. 'Yon ang dahilan kaya isang gabi, binantayan ko si Jane sa kuwarto niya. Doon mo ako nakita--"
"Wait, wait," putol niya sa sasabihin nito. "Hindi si Jethro ang nagpadala ng death threats."
Nagkatinginan silang muli. Natahimik. Muli ding natakpan ng makakapal na ulap ang buwan...
Namilog ang mga mata ni Murray. "Shit..." he said. He just had an epiphany. "He turned us against each other..."
Napalunok si Jep. Bumilis ang tibok ng puso.
Bigla ay parang naintindihan na niya kung bakit sumama ang pakiramdam nina Brent at Jethro. Kasi kanina, nang dumating si Manuel na may dalang tray ng juice na galing sa isang waiter... si Jethro at Brent ang uminom niyon. Naalala niyang dalawa lang ang juice sa tray. Naforesee ba ni Manuel na ang mga pinsan niya ang siguradong kukuha niyon? At may inilagay ba ito sa juice na iyon, dahilan para hindi makatulong ang mga ito sa kanya ngayon?
Tingin ni Jep ay iyon lang ang tanging eksplenasyon doon. Everything that happened tonight had been planned by Manuel. It only meant one thing...
"Si Manuel ang nagpadala ng threats!" nasabi ni Murray ang bagay na nasa isip niya. "Si Manuel ang may masamang balak kay Jane!"
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...