NAKAPILA sina Jane, Manuel at Murray sa canteen, balak bumili ng lunch nila nang araw na iyon.
"Tama naman pala ang boyfriend ko eh," sabi ni Manuel, kumapit pa sa braso ni Murray. "May tililing pala talaga si Emerald."
"I told you," nakangiting sabi ni Murray, bahagyang pinitik ang tainga ni Manuel. "Ayaw mo lang kasing maniwala sa 'kin." Bumaling sa kanya ang lalaki. Ilang sandali rin nagtagal ang pagtitig nito sa kanya na para bang gustong basahin ang iniisip niya."Hindi ka naman sinaktan ni Emerald?" he asked.
"'Wag na nating pag-usapan," sabi ni Jane. "Ayoko nang maalala."
Kumakalam na ang sikmura ni Jane. Hindi naman masyadong maraming tao sa canteen pero dahil isa lang ang bukas na kainan ay kanina pa sila nakatayo doon. Patanaw-tanaw na lang si Jane sa pagkain hanggang sa marinig niya na tila nagkakaroon ng isang komosyon.
"Si Brent! Si Brent!" sabi ng isa.
"Ang guwapo talaga niya!"
"May dala pang flowers. Kanino kaya ibibigay..."
At nang lumingon si Jane ay nakita niyang palapit si Brent sa kanya. Ngiting-ngiti ito at may dalang bouquet ng bulaklak. Huminto ito sa tapat niya at iniabot sa kanya ang bulaklak. "For you," he said.
Nagtilian ang mga mag-aaral sa paligid.
Ang sabi ng isang bakla, "Oh my gosh, kinikilig ako! Kinikilig ako!"
Si Jane naman ay alanganing nakangiti, alanganing nakangiwi. Mukhang magsisimula na naman kasing dumiskarte ang magpipinsan sa kanya. Tapos na ang "tulungan" phase ng mga ito at magkakalaban na uli.
Pero mga bes, uwian na. May nanalo na.
"Hey, that's my girl!" may sumigaw..
At tarantang tumatakbo nga palapit sa kanila ang nanalo, ladies and gentlemen. May dala din itong bouquet ng mga bulaklak. He was as handsome as ever, as adorable as ever and as kissable as ever. He was her boyfriend--gosh, even thinking about that made her blush--Jep.
Nang makalapit si Jep sa kanila ay nginitian siya agad nito pagkatapos ay binigyan agad nito ng matalim na titig ang pinsan nito. "'Wag mo siyang hahawakan. Marumi kamay mo. Mabaho. And besides..." Itinuro ni Jep ang sarili. Then he grinned foolishly. "She's my girl."
Nagtilian muli ang mga estudyante.
"Oh my gosh, kinikilig ako! Kinikilig ako!" sabi na naman ng bakla sa di kalayuan.
"Oh... so I'm late," narinig nilang sabi ng isang tinig.
Napalingon ang lahat sa nagsalita. At ngayon ay palapit naman sa kanila si Jethro, may dala ding bouquet ng bulaklak. Halos lahat na ay nakatitig na sa kanya, malamang inggit na inggit.
Huminto si Jethro sa harap niya at ngumiti. "These flowers are for you."
Nagtilian muli ang mga estudyante.
"Oh my... nabibilaukan ako mga bes... help... water..." hirap na hirap na sabi ng baklang kanina pa madaldal, nabilaukan na sa kakasigaw.
Hindi na pinansin ni Jane iyon. Nakatanga na lang siya sa tatlong lalaking may dalang bulaklak, nagsusukatan ng titig sa isa't-isa. Si Brent ay ngisi-ngisi lang, si Jethro ay parang bored at si Jep naman ay medyo salubong ang kilay na parang naiirita. Ang unfair nga naman siguro para rito, may mga nagbabalak pa kasing umagaw sa girlfriend nito.
Muntik nang mapahagikgik si Jane sa naisip.
"Four Eyes, 'wag mo nang bigyan si Jane ng bulaklak," seryosong sabi ni Jep. "You should back off. She's my girl now." Itinuro ni Jep ang sarili.
"Jane, ang ganda ganda mo, bruha!" tili ni Manuel sa tabi niya. Hinampas-hampas pa siya sa balikat.
"Oh, c'mon," sabay na sabi nina Brent at Jethro, parang hindi naniniwala sa pinsan ng mga ito.
"Bakit parang hindi kayo naniniwala, ah?" sabi ni Jep, tila napikon.
Doon na naisip ni Jane na sumabad. Dahil sa totoo lang, ayaw rin naman niya na makipag-away pa si Jep sa mga pinsan nito. She had enough of this weird cousin rivalry.
"He's right," sabi ni Jane. "Na-a-appreciate ko naman lahat ng ginagawa n'yo, pero..." Tumingin siya kay Jep. "I'm his girl now."
"Hah!" sabi ni Jep. Ngiting-ngiti habang namumula ang mga pisngi. Tinitigan ang mga pinsan nito sa smug na paraan. Parang malapit nang sumayaw para makapang-asar lang.
Umikot uli ang mga mata nina Jethro at Brent. Pagkatapos ay sabay na bumuntong-hininga ang mga ito.
Si Brent ang unang nakabawi. He smiled. "Wala na siguro kaming magagawa," he said.
Tumango bilang pagsang-ayon si Jethro. "It was a battle I knew I was never going to win anyway," sabi nito. Nagkibit-balikat ito. "Oh, at least I tried."
"Congratulations, pinsan," sabi ni Brent, inilahad ang kamay kay Jep. "Tanggap na namin."
Ngiting-ngiti namang nakipagkamay si Jep sa pinsan nito. "'Buti naman," he said.
"Yeah. You won, even though you are so childish sometimes," sabi naman ni Jethro, inilahad ang kamay nito.
Nakipagkamay din si Jep sa lalaki. "Thank you, ha?" sarcastic na sabi nito sa pinsan.
Muntik nang matawa si Jane.
"I guess sa iba na lang namin ibibigay ang bulaklak..." sabi ni Brent, iginala ang paningin sa paligid. Nang mapatingin ito kay Manuel ay tumamis ang ngiti nito. "For you," he said. Inabot ni Brent sa natitigilang bading ang bulaklak.
"Yeah, for you," sabi ni Jethro, parang bored pa rin na inabot din kay Manuel ang bulaklak.
At parang overwhelmed naman ang bading niyang kaibigan, pero sige pa din sa pagtanggap ng bulaklak! At hindi na ni Jane mapigilang matawa nang malakas nang makita na madilim na ang mukha ni Murray.
Umakbay sa kanya si Jep, dumukwang at bumulong sa kanya. "Babe."
"Hmm?"
"May gusto ba si Murray kay Manuel?"
Natawa siya. Pabirong piningot ang boyfriend. "Tsismoso."
And Jep having an interest on the lives of her friends... that means he was now really her boyfriend. Boyfriend. Gosh, she would never get used to the feeling that word is giving to her. Never ever.
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...