CHAPTER ONE
THE HOUSE was weird. Okay, not really, ganoon iyong mga stereotypical na haunted house sa TV. Gawa iyon sa bato, mataas, malaki. Nahuhulaan na ni Jane na maraming kuwarto sa loob. May napakalaking bakuran, at sa bakuran ay maraming mga puno. Mukhang kailangan na nga ng mag-aalaga dahil malalago na ang mga sanga at marami nang tuyong dahon sa lupa, hindi nawalis.
"Dito tayo titira hanggang hindi pa tapos ang kontrata ng best friend ko sa Qatar," sabi ng Papa Edward niya, habang nakatingin sa malaking bahay. Mukhang excited. Matagal silang titira doon dahil apat na taon yata ang kontrata ng kaibigan nito.
Walang komento ang nanay niya, amazed yata. Naglakad sila palapit sa malaking bahay.
May porch ang bahay na gawa rin sa bato. May maliit na hagdan na aakyatin para makapunta sa porch. Mukhang matibay ang malaking pinto na maraming alikabok. Kinuha ng Papa Edward niya ang susi sa bag nito, para tuluyang mabuksan ang bahay.
Jane was uneasy. Hindi naman siya matatakutin, pero malay ba niya kung may multo ngang manggulat sa kanya? Sana paano kung habang naghihilod siya sa banyo, magpakita ang multo?
Natigil si Jane sa pag-iisip ng mabuksan na ang pinto. Hindi lumangitngit iyon na tulad ng sa mga lumang bahay sa pelikula, pero creepy pa rin ang pakiramdam nang mabuksan iyon.
Pumasok na sila sa loob. Natatakpan ng puting tela ang mga furnitures. Nahuhulaan niyang malalaki ang sofa doon at tingin niya ay may grand piano pa sa sala. Maalikabok ang sahig pero hindi mabaho ang loob. But the house was cold. Cold as a tomb.
"Halos tatlong buwan na ring walang tumitira sa lumang bahay na 'to," sabi ng tatay niya, seryoso ang tono, nakatingala sa napakataas na kisame ng bahay. "Wala nang tumira dito mula nang mamatay ang dating caretaker nito."
"Weird ba ang ikinamatay ng dating caretaker?" tanong ni Jane. "'Yong parang may nakuha siyang sumpa dito sa bahay. Para siyang sinapian, gano'n." Ganoon kasi sa mga pelikula.
"Hindi, ah," sabi ng tatay niya, parang na-corny-han sa sinabi niya. "Inatake siya sa puso dahil sa katatawa sa pinapanood niyang Koreanovela."
"Ah..." sabi ni Jane. Toinks. "Okay."
"Sige na, anak," sabi ng Papa Edward niya. "Puwede kang pumili ng gusto mong maging kuwarto. Pinayagan ako ni Baste na magkaroon ka ng sarili mong kuwarto." Tinutukoy nito ang kaibigan nito.
A teenager would always be excited with the thought of her very own room. Nawala ng tuluyan ang kaba ni Jane, at excited niyang pinanhik ang marmol at malapad na hagdan.
IYONG kuwarto sa dulo ng ikalawang palapag ang napili ni Jane. Hindi ganoon kalaki iyon at may sariling banyo.
May kama na doon, na natakpan ng makakapal na tela para hindi gaanong maalikabukan. Tinanggal niya Jane ang tela, at ibinagsak ang sarili sa kama. Napahagikgik siya. Nagpagulong-gulong siya sa kama.
Wala siyang sariling kuwarto sa Maynila dahil sa isang maliit na apartment sila nakatira. Mainit na, maingay pa, dahil sa kabilang apartment ay may mga bakla na gabi-gabi yatang may "party" kasama ang mga tambay na lalaki sa lugar nila.
Jane was having the time of her life rolling on her bed when she heard a weird sound. Parang may bumato sa bintana niya. Napabangon si Jane, napatingin doon. Nakasara iyon. Bigla ay parang kinabahan siya ulit.
Bahagya niyang sinilip ang bintana at wala naman siyang nakita. Siguro sanga lang iyon ng puno na malapit sa bintana. Humangin siguro ng malakas at bahagya iyong humampas sa bintana niya.
'Wag kang ma-paranoid, Jane, she said. Kaya mo iniisip na may multo dito, kasi gusto mo lang maging interesting ang buhay mo. But the thing is, your life is as ordinary as your looks, Jane. It's as ordinary as you. Ordinary people have ordinary lives, Jane. Kahit nasa Baguio o sa Maynila, hindi magiging interesting ang buhay mo. You just have to accept that.
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...