"BAKIT?" walang ganang tanong ni Jane nang makapasok na si Jep sa classroom. Umupo ito sa mesa ng armchair na nasa tapat niya, nakatitig sa kanya. May lungkot sa mga mata nito, lungkot na hindi naman nakabawas sa kaguwapuhan nito.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" he asked.
"Hindi naman. Gutom lang. Magla-lunch na 'ko." Naglakad na siya palabas ng classroom.
"Sabay na tayo," sabi nito, humabol sa kanya.
"Bahala ka," sabi niya, nagpatuloy sa paglalakad.
"Jane... may nagawa ba 'kong mali?"
Hindi pinansin ni Jane ang lalaki. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad.
"Halos two weeks ka ng ganyan. Pinapansin mo 'ko, pero hindi na tulad ng dati. Bakit?"
"Dapat ba lagi kitang pansinin? Dapat ba lagi akong malambing sa 'yo?"
Parang nasaktan si Jep sa sinabi niya. Pero wala siyang magawa. Hindi naman niya matanong ito kung lumalapit lang ba ito dahil taglay niya ang golden blood. Dahil paano kapag nasaktan siya sa sagot? Hindi niya siguro kakayanin 'yon.
Gabi-gabing problema niya iyon. Gabi-gabing iniisip niya na kapag pinayagan niya itong kagatin siya at sipsipin ang golden blood niya ay iiwan din naman siya nito para sa ibang babae. Iyong maganda talaga. Iyong katulad ni Emerald. Bigla, dahil sa sinabi ni Brent ay bumalik lahat ng insecurity niya sa katawan.
"Wala naman akong nagawang mali, eh," sabi ni Jep, parang pilit na inaalala kung meron nga itong nagawang mali. "Wala naman akong kinausap na babae. Wala akong--"
"Jep, wala ako sa mood na pag-usapan 'to. Gutom na 'ko."
Nang sulyapan niya si Jep, nakita niyang nasaktanna naman ito dahil sa sinabi niya. Kung wala sa kanya ang golden blood, masasaktan pa rin ba ito kapag narinig nito ang mga salitang iyon sa kanya? Ayaw na niyang isipin.
Nakayuko si Jep, nakatingin sa bawat hakbang nito. Bagsak ang mga balikat. "Baka nagkakagusto ka na sa isa sa mga pinsan ko."
Hindi sumagot si Jane doon. Ayaw niyang humaba pa ang usapan nila. Nagpatuloy lang siya sa paglakad hanggang sa makarating sila sa canteen. Kuntodo asikaso pa rin naman si Jep sa kanya, pinahanap na siya ng puwesto dahil ito na raw ang o-order. Pero hindi niya maalis sa isip niya na kaya lang nito ginagawa iyon ay dahil nga sa dugong taglay niya.
Pinili ni Jane ang puwesto sa may tabi ng bintana at hinintay si Jep. Nang makarating ito at maihain sa kanya ang pagkain ay agad na may sinabi ito sa kanya.
"Wala sina Brent at Jethro ngayon. Ako ang maghahatid sa 'yo pauwi--"
"'Wag na, kaya ko na," sabi niya.
Parang nataranta ito. "The vampire who made the threats is still out there--"
"Halos isang buwan na pero wala pa ring bagong threat," sabi ni Jane. "Kaya tingin ko, nagkamali tayo. Tingin ko, practical joke lang talaga 'yon, sobra lang nating sineryoso. Nagkataon lang na kung babasahin mo 'yong threats, aakalain mo na bampira ang nagsulat."
"Jane--"
"It's been a month at wala namang nangyayari. So please, tigilan n'yo muna ako, Jep. Nakaka-suffocate na rin ang presence n'yong magpipinsan."
Pinagsisihan agad ni Jane ang sinabi niyang iyon nang makita niya ang gumuhit na sakit sa mukha ni Jep. She realized she was being mean and unfair. Pero ano'ng magagawa niya? Defense mechanism yata iyon ng mga babaeng takot masaktan.
Napabuntong-hininga si Jane. "I'm sorry," sabi ni Jane. "May aasikasuhin din kasi kami ni Emerald. Magpartner kasi kami sa report."
Tumitig ito sa kanya. "Si Emerald?" he asked. Parang hindi nito nagustuhan ang narinig.
Tumango siya.
Napabuntong-hiningaa si Jeff. Halatang ramdam pa rin nito ang sakit. "Okay, I understand," he said. "Nawalan ako ng gana, Jane. Maybe I have to go."
Pipigilan sana ni Jane ang lalaki pero nakatayo na ito, mabilis na tumalikod sa kanya. Malalaki din ang hakbang palayo sa kanya. Tinanaw niya ito sa bintana ng canteen at nakita niyang napapatingin dito ang mga nakakasalubong nito. Why? Was he crying? That would be an explanation. But why would he cry?
Napabuntong-hininga na lang si Jane.
HAPON. Nasa waiting shed si Jane, inaabangan na daanan siya ng kotse ni Emerald. Palubog na ang araw niyon at nagpipinta iyon ng pulang kulay sa kalangitan. Natigil lang si Jane sa pagtitig sa langit nang huminto ang kulay pulang kotse ni Emerald sa kanya. Bumaba ang bintana sa backseat at nakita niya ang nakangiting mukha ni Emerald.
"Let's go," she said.
Tumango si Jane, binuksan ang pinto ng kotse at pumasok sa loob. Cold. Cold as a tomb. Pero komportable din naman.
"Kumain ka na ba? May snack ako dito," sabi ni Emerald. Inangat nito ang seaweed chips nito.
Umiling siya. "I'm full." Napansin niya na hindi ang driver ni Emerald ang nagda-drive ng kotse. Isang lalaki iyon na siguro ay nasa mid-twenties. Nakasuot ng maroon na long-sleeved polo, maputi, chinito at ngiting-ngiti. Ngumunguya ito ng bubble gum habang nagda-drive.
"Oh that's Scott, he's my new boyfriend," tuwang-tuwang sabi ni Emerald. "He's a model."
Tumango si Jane, hindi naman gaanong interesado sa trabaho ni Scott. Ewan ba niya, parang hindi palagay ang loob niya sa lalaki. In fact, parang gusto na niyang bumaba sa kotse ng mga oras na iyon.
"Wait, nakapagpaalam ka na ba sa mama mo?" sabi ni Emerald.
Doon lang niya naalala na hindi pa nga pala siya nakakapagsabi. Wala din kasi siyang load kaya hindi niya na-contact ang mama niya. "Hindi pa pala," sabi niya. "Emerald, puwedeng makitext? Wala kasi akong load, eh."
Emerald just smiled. Tumingin ito sa bintana at natulala saglit doon. She seemed to be so amused.
"Kung sinusuwerte ka nga naman," sabi ni Scott mula sa driver's seat. Napabaling siya rito. Nagkatitigan sila sa rearview mirror. He winked.
Tumayo ang mga balahibo ni Jane
Natawa naman si Emerald sa tabi niya. "I know, right?" she said. Then she roared with laughter.
Napalunok si Jane. Ngayon ay sobra na siyang nanlalamig. Bumibilis na din ang tibok ng puso niya. She was sure that something awful was gonna happen.
"E-Emerald..." sabi ni Jane, nagkandabulol na. Naalala niya bigla ang death threats niya. And it occurred to her that the person who wrote the threats might not be a vampire after all. Nagjump lang naman sila sa conclusion na iyon base sa mensahe ng threats. It could be a human being. It could be... Emerald.
"Don't worry, sweetness," sabi ni Emerald, binuksan ang shoulder bag nito. "Ipapahiram ko naman sa 'yo ang phone ko."
May dinudukot si Emerald sa bag nito. Pero hindi iyon cell phone. Panyo iyon. Bigla nitong tinakpan ng panyong iyon ang ilong niya. Nagpumiglas siya, pero malakas si Emerald. Nagsimula na siyang mahilo. At hindi rin nagtagal ay bumigat na ang talukap ng mga mata niya.
Before Jane passed out she saw Emerald's wide grin and dead eyes, making her realize that she was going to be killed for sure.
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...