JANE lived.
Nasalinan na kasi siya muli ng dugo, para mapalitan ang nawala sa kanya.
Ayon kay Jethro, si Jep ang nagdala sa kanya sa ospital. Kinausap din daw ni Jep ang mga nurse at doktor na nagpagaling sa kanya. Nagtransform daw si Jep sa pagiging bampira, naglagay ng impormasyon sa utak ng mga ito. Iniisip ngayon ng mga ito na stressed lang si Jane at anemic. Iyon din ang sinabi ng mga ito sa ibang staff ng ospital.
"Brent... can you still smell the golden blood to me?" minsang naitanong ni Jane nang dumalaw sa kanya sa ospital ang lalaki. Nakaupo ito sa silya sa tabi ng hospital bed niya. Wala roon ang mama at papa niya, bibili raw ng pagkain.
Brent grinned. Ang sikat ng araw mula sa labas ay lumalagos sa bintana at masuyong humahaplos sa pisngi nito. "To be honest... hindi na," he said. "I'm sure some of the blood travelling to your body is still the golden blood but it's not strong enough to..."
"Attract you?" nasabi niya.
"Oo," sagot ni Brent, sinamahan ng tango, "Mas lamang na ang ordinaryong dugo sa katawan mo."
Natahimik si Jane saglit dahil doon. Naisip niya si Jep. Naisip niya na siguradong hindi na rin naamoy sa kanya ni Jep ang golden blood. Ano'ng sasabihin nito sa kanya? Hindi pa dumadalaw sa kanya ang lalaki. Nami-miss na niya ito.
"Ano'ng nangyari sa blood bags na may golden blood?" naisip niyang itanong, nang mapansing titig na titig sa kanya si Brent.
"Tinapon yata nina Murray sa ilog," sagot nito. "Hindi naman magkakaroon ng epekto ang golden blood kapag nasa blood bag lang at wala sa katawan ng tao kaya tinapon na lang nila." Brent paused for a while. "I think pare-pareho na kaming nawalan ng interes sa golden blood."
Napatingin siya rito. Ganoon din kaya si Jep?
"Kumusta sina Manuel?"
"They're together now," sagot ni Brent. "Kinagat na ni Murray si Manuel. So I guess Manuel is... err, his vampire bride now."
Nagulat siya sa sinabi nito. "Really?" she said.
Tumango si Brent. "Really," sabi nito. "Sobrang nagi-guilty si Manuel..." Pinakatitigan siya ni Brent. "Are you going to forgive him?"
Saglit na hindi nakapagsalita si Jane. Inisip niya kung kaya niya. Sa huli ay napabuntong-hininga siya. Tingin niya ay hindi niya kayang patawarin si Manuel sa ngayon.
"That's okay," sabi ni Brent, naintindihan ang ibig sabihin ng buntong-hiningang iyon. "I'm sure he would understand."
Lumipas pa ang ilang araw na hinihintay ni Jane na dalawin siya ni Jep. Pero hindi iyon nangyari. Nakalabas na siya ng ospital at lahat-lahat, puwede na rin siyang pumasok sa university, pero hindi pa rin niya nakikita ni dulo ng buhok nito.
Ayaw na ba nito sa kanya dahil wala na sa kanya ang golden blood?
Nang unang araw na bumalik siya sa St. Sebastian University, naglakad siya sa pathway habang ang mga schoolmate niya ay kasa-kasama ang kaibigan ng mga ito, nagtatawanan at hindi siya pinapansin. In fact, parang walang pumapansin sa kanya.
Jane was back to her ordinary life. She was that Plain Jane again. And well, she was grateful for that.
Pero ibig sabihin rin ba niyon mawawala na sa kanya si Jep?
Huminto si Jane sa paglalakad nang makapasok na sa gate ng unibersidad. Tiningnan niya ang mga naglalakihang puno, at kung paanong ang mga dahon doon ay dahan-dahang nalaglag sa lupa. Napuno ng kalungkutan ang puso niya.
"Jep..." she whispered to herself.
Maglalakad na lang sana siya uli nang may mga kamay na biglang tumakip sa mga mata niya. Bigla ay parang lumundag ang puso niya. Nakilala kasi niya agad ang amoy at pakiramdam ng kamay na iyon.
"Guess who..." someone said playfully.
And gosh, that voice. It was...
Agad niyang tinabig ang kamay nito at nilingon ito. "Jep!" sabi niya, agad na binalot ng kasiyahan ang puso.
Ngumiti naman si Jep sa kanya, kumislap ang mga mata. "Namiss mo 'ko?" he said.
Kinagat ni Jane ang mga labi niya. Naramdaman kasi niya agad ang panunubig ng mga mata niya. "Bakit ngayon ka lang nagpakita?"
Natawa si Jep. "Nagpapa-miss lang ng konti," sabi ni Jep. "Para naman mapogi-an ako sa sarili ko. Ano... namiss mo 'ko 'no?" Kumindat pa ito.
"Oo, gago ka!" sabi ni Jane, bahagyang hinampas ang dibdib nito. Kasunod niyon ay pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya. "Akala ko... akala ko ayaw mo na sa 'kin."
"Ako?" sabi nito, itinuro ang sarili. "Ayaw na sa 'yo?" Itinuro siya nito. "Imposible. Patay na patay ako sa 'yo, eh."
"Eh, kasi wala na sa 'kin ang golden blood--"
Ipinatong nito ang hintuturo nito sa mga labi niya. "Sssh," he said. "Pinag-usapan na natin 'to no'n, eh. It wasn't the reason why I love you Jane. It wasn't just your blood... it's you."
"Jep--"
"Wait a minute, let me finish," sabi lang nito, kumindat muli. "You made me feel things, Jane. You made me happy by smiling at me. You made me sad at those days that you didn't smile at me. You made me scared... of losing you. You made me fall-in-love by being you."
Pinisil nito ang baba niya. "Jane, I will always love the whole you, the damaged you, the happy you, the crazy you. I will love all versions of you. And I will do that willingly. I promise." Pagkatapos sabihin iyon ay binigyan nito ng sandaling halik ang tungki ng ilong niya. "You don't really need the golden blood to be lovable, Jane. Cause you already have a golden heart."
Napangiti si Jane sa lahat ng narinig mula kay Jep. Muling may dumaloy na luha sa magkabilang pisngi niya, pero this time ay tears of joy na iyon.
"I love you too, Jep. You made me appreciate who I am. You made me love myself. That's why I think I'm going to love you forever, babe."
Ngumiti din si Jep, naningkit ang magagandang mata nito. "I will also love you forever. And then, if forever ended..."
"Hindi nag-e-end ang forever, forever nga, eh..." sabi niya.
"In case it ended nga, eh..." sabi nito. "I'll just fall inlove with you again."
At kahit wala nang sense ang kacornyhan ni Jep ay kinilig pa din si Jane. Hinaplos niya ang pisngi nito, pinahaba ang nguso niya. Siyempre, nagets naman nito ang nais niyang iparating. Ngumisi ito, dumukwang at binigyan siya ng matamis na halik.
Deadma muna sa mga estudyante sa paligid. Deserve naman nila ito. After all they've been through.
Umihip ang hangin, at mas marami pang mga dahon ang nalaglag sa kanila... para bang binasbasan pa sila ng langit.
WAKAS
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...