Yong Edward Cullen na Mahilig sa Boy Bawang

1.9K 76 6
                                    

CHAPTER EIGHT

HUMAHANGOS si Jep nang makapasok sa malaking mansyon nila. Isinara niya ang malaking pinto at ang kasunod niyon ay may lumagos na liwanag sa bintana dahil sa kidlat. Nasundan iyon ng dagundong ng kulog.

Nagtungo si Jep sa kuwarto niya, pumasok sa banyo at tumitig sa salamin. Doon ay kitang-kita niya ang dugo ni Jane sa katawan niya na hindi pa natutuyo. Naramdaman na naman ni Jep ang labis na pagkauhaw sa dugo. Hindi niya madalas maramdaman iyon pero ngayon ay hindi na niya mapigilan iyon.

Jep looked at his hands, and looked at the blood there. He couldn't take it anymore. He licked the blood on his hand. He groaned. It was delicious.

Jane's blood tasted sweet. She was a good person, kaya tama lang na matamis ang lasa ng dugo nito. It tasted so good that he knew he couldn't have enough.

Muling lumagos sa bintana ang liwanag na dulot ng kidlat, kala-kaladkad ang kulog.

With his finger, he traced Jane's blood on his neck and on his face. After that he sucked his finger, and she felt intense heat soaring on his body. It felt as if he was being torched.

Nang kahit paano ay maampat ang pagkauhaw ni Jep sa dugo ay agad siyang lumubog sa bath tub, sa malamig na malamig na tubig. He needed to do that because his craving was slightly sexual, too. Nagmumog din siya ng tubig, para mawala ang masarap na lasa ng dugo ni Jane sa bibig niya.

Pumikit si Jep, pinigil ang sariling imagine-in na hinahalikan niya ang leeg ni Jane. At mayamaya ay kakagatin niya ang leeg nito, at aagos ang mala-pulot na dugo nito sa bibig niya. And then he'd shiver of delight...

Minura ni Jep ang sarili, kulang na lang ilubog ang sarili sa bath tub.

DALAWANG linggo matapos muling magising si Jane ay inuwi na siya sa bahay. Sa kuwarto lang siya madalas naroon, pero hindi naman siya tali lang sa kama. Mabilis raw na naka-recover ang katawan niya, sabi ng doktor. Mukhang ang "engkantada" na pinaniwalaan ng lahat na nakakita sa kanya sa kagubatan at nagdala sa kanya sa ospital ay tinulungan siya na tuluyang maging masigla.

Malapit nang mag-Marso noong maiuwi siya sa bahay at dahil patapos na naman ang school year ng maaksidente si Jane, binigyan siya ng konsiderasyon at ipinasa ng mga professor. Mabait naman daw siyang estudyante at masipag din.

Sa kabuuan ay naging masuwerte si Jane. Lubos na siyang naka-recover sa aksidente sa loob ng dalawang buwan na pagpapahinga niya sa bahay at pagdating ng Hunyo ay papasok na siya para sa ikatlong taon niya sa unibersidad.

Naglalakad si Jane sa mahabang pathway ng paaralan at dama niya na marami nang nagbago. Hindi katulad noon na walang pumapansin sa kanya, ngayon ay nagtitinginan na ang mga iyon at nagbubulungan kapag nakakasalubong siya.

Oh, now they think I'm a freak, sabi ni Jane sa sarili. Bumuntong-hininga siya. Sabagay. Bakit nga naman siya napunta sa ospital? At tila raw wala siyang gaanong pinsala, kompara sa karamihang biktima ng mga car accident?

"Baka may agimat," naulinigan niyang sabi ng isang babae sa likod niya. Nakilala niya ang tinig ng babae. Si Wendy na ka-kurso niya, pero major in Math ito. Hindi na nga kagandahan, laitera pa at masama ang ugali. Baku-bako ang mukha nito kaya mukha ito ang mukhang agimat--deformed.

"As in parang 'yong kay Bong Revilla?" sabi ng kasama nito.

"Oo. O baka may alaga talaga siyang engkantada," sabi pa ni Deformed na Agimat.

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon