The Party

1.7K 60 1
                                    


CHAPTER SEVEN

MALIWANAG at napakalaki ng conference room na pagdadausan ng party. Naroon na ang karamihan sa mga estudyante, may kanya kanya ng grupo at nagdadaldalan na. May buffet table sa gilid na punong-puno ng mga sosyal na pagkain at may pambabaeng pop music na nagpe-play. Malilikot ang mga ilaw na iba't-iba ang kulay.

Sa grupo nina Emerald sumama si Jane. Hindi kasi makakadalo si Manuel dahil may sakit si Murray, at gusto ni Manuel na alagaan ang lalaki.

"Sino nga ang mga nanligaw sa 'yo diyan, Emerald?" tanong ni Simone.

"That one, that one, that one, that one," sabi ni Emerald. "And I made out with that one after he said he was touching himself thinking of me. Very naughty."

Nagtawanan ang mga ito. Nakitawa si Jane, kahit hindi niya ma-gets kung ano ang nakakatawa sa sinabi nito.

"Sa 'yo, Jane, may nanligaw na ba?" tanong sa kanya ni Vina, isa pang kaibigan ni Emerald.

Nahihiya naman siyang sumagot. "W-wala, eh."

"Aww," sabi ni Emerald. "Don't worry. I'm sure may manliligaw na sa 'yo after seeing how you look tonight. And hey..." Tumuro ito sa gawing kanan ng conference room. "There's your prince charming."

Lumingon si Jane sa direksyong itinuro ni Emerald. Pakiramdam niya ay kinapos siya ng hininga ng makita niya si Jep.

He was wearing a gray coat and gray pants. He wasn't wearing a mask like all others were. He was just wearing a top hat and he was holding a cane. His smile was as sweet as candy cane, his eyes were as bright as stars. How she wanted to touch just a little part of his body, to make sure his real. Surely, a creature as beautiful as him couldn't be real...

Kasama ni Jep ang mga pinsan nito na wala ring mga suot na maskara. Jethro was as emotionless as ever and Brent was talking to a beautiful girl.

Nagtungo si Jep sa buffet table, napahiwalay sa mga pinsan nito. Sinundan nila itong lahat ng tingin.

"Lapitan mo na siya, Jane. Lapitan mo na bago pa malusaw ang make-up mo," sabi ni Simone.

"I'm... I'm nervous," pag-amin ni Jane.

Emerald shook her head. Kinapitan nito ang mga balikat niya at pinakatitigan siya. "Beauty is everything but confidence matters too." Ikiniling na naman nito ang ulo nito. "Go get your man, sweetness." Then she gave her a smile. An odd smile.

Tumango si Jane. "Sige." Bumuntong-hininga muna siya, bago maglakad palapit kay Jep. Bawat hakbang niya ay pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya. And then, napalingon sa kanya si Jep.

Agad-agad na isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.

Napalunok si Jane, ginustong umatras. Now he was in front of her, and she could smell his perfume and his body.

She imagined being enclosed inside his arms, where she could smell his chest and feel his beating heart.

Iyon na ang tamang panahon para aminin niya rito na siya ang nagpapadala ng tula.

"Jep," sabi ni Jane sa pinalalim na tinig, katulad ng kay Poem Girl. "It's nice to see you here."

Umaliwalas ang mukha ni Jep nang makilala ang tinig niya. Nakatingin lang sa kanya si Jep, mukhang inaabangan ang sasabihin niya.

"Ako si Poem Girl," sinabi niya sa pinalalim niyang tinig. "At ngayon hindi na ako mahihiyang magpakilala..."

And Jep's eyes sparkled.

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon