"MAGANDA siya, 'no?" sabi ni Jane nang nakasakay na sila ni Jep sa isang bus pauwi sa Baguio. Kuntodo titig siya sa mukha nito para tingnan ang reaksyon nito. Wala. Nakatanaw ito sa bintana.
"Maganda siya, 'no?" ulit niya, maka-epal lang.
Nakita ni Jane na bahagyang napailing si Jep habang nakangiti. Bumaling ito sa kanya. "Si Aling Bining?"
Napasimangot siya nang maalala si Aling Bining. Menopause na pero nymphomaniac yatang mananaggal ito 'pag gabi, panay ang dila sa bibig nang magpaalam sila dito na aalis na sila. Obviously, inaakit si Jep.
"Si Petunia," sabi ni Jane kay Jep. "Maganda si Petunia."
"Really? Hindi ko napansin."
"Hindi ko napansin," she mimicked with sarcasm. "'Wag ako, iba na lang."
Natawa si Jep. "Okay, yeah, fine, she's pretty."
"Siguro nag-isip ka ng bastos habang nakatingin sa kanya." Kandaturo siya sa mukha ni Jep.
Jep laughed harder. Hindi ito tumigil sa pagtawa. Kaya pinaghahampas niya ito sa braso. "Nag-isip ka nga! Umamin ka, nag-isip ka!"
Pumihit si Jep paharap sa kanya, hinawakan ang mga kamay niyang humahampas dito.
"You're crazy," sabi nito. "But you're absolutely adorable."
"Tantanan mo 'ko. Ano'ng bastos ang inisip mo habang nakatingin kay Petunia--"
"Wala, okay? Wala," natatawang sabi ni Jep. "C'mon, siyempre nakakaisip ako ng bastos. Pero sa iba."
"Kay Manang Bining?"
"Of course not," sabi ni Jep. Mariin ang pagkakatitig sa kanya. "Sa iba."
Agad-agad na nag-init ang magkabilang pisngi ni Jane. Narealize na kasi niya ang gustong ipakahulugan ni Jep. Hinugot niya ang kamay kay Jep na daan lang para matawa muli ito.
"Pero siyempre, I still want to be a gentleman. I would not act on it or anything. I know my limitations."
"'Buti naman," sabi ni Jane.
"And..." Nakita niyang naging pilyo ang ngisi ng boyfriend niya. "I have my own way of releasing--"
Agad na tinakpan ni Jane ang mga tainga niya, dahil mayroon na siyang ideya sa kung ano ang sasabihin nito. "Lalalalala," sabi ni Jane, para hindi iyon marinig.
Kahit takip-takip na niya ang tainga niya ay rinig pa rin niya ang halakhak ni Jep. Napatingin siya rito at nakita niyang tila amused itong nakatingin sa kanya. Tinigil niya ang pagtakip sa mukha tainga. Mukha siguro siyang tanga.
"I have a way of releasing... my frustration... through sports," sabi ni Jep, kumindat.
"Neknek mo," sabi ni Jane.
Napailing lang si Jep, pinisil ang baba niya. "'Yang tanong mo kay Petunia, may kinalaman na naman 'yan sa insecurity mo, eh. Maniwala ka, mapapansin ko siguro 'yong kagandahan ng ibang babae, pero... 'ayun lang, mapapansin lang. Napapansin ko din naman kapag guwapo ang isang lalaki, eh. Pero wala 'yong kahulugan. Kapag tumingin ako sa kanila... walang kahulugan."
Pinakatitigan lang ni Jane ang kasintahan.
"Pero kapag tumitig ako sa 'yo... iba. Naiisip ko... ikaw ang kahulugan ng buhay ko," seryosong sabi nito.
Natuwa si Jane sa sinabi ni Jep. Pero natawa din. Kasi... "Ang corny!" sabi niya.
Natawa din si Jep. "Sorry naman," he said. Naging pilyo na namang ang ngisi nito. "Pero 'yong naisip mo kanina nang magtakip ka ng tenga... ginagawa ko din talaga 'yon. Madalas." Sinamahan nito iyon ng kindat.
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...