One Took A Selfie Over The Cuckoo's Nest

2K 61 1
                                    


CHAPTER FIVE

NAGING bahagi na ng pang-araw araw na buhay ni Jep ang kausapin ang babaeng nagpapadala ng tula. Masaya siya sa kakaibang conversation nila na minsan ay nairaraos gamit ang pagpitik sa mouth piece o ang pagpapababa nito ng boses nito.

Dito na niya naikukuwento ang araw niya, hindi na kay Emerald. Come to think of it, hindi naman siya makapagkuwento kay Emerald. Madalas kasi kapag nagkukuwento siya, puputulin na siya nito at magkukuwento na ito ng tungkol sa sarili nito.

Sa babaeng nagpapadala ng tula... komportable siyang magkuwento, dahil alam niyang makikinig ito.

Tingin niya ay si Jane ito at sa totoo lang ay hinihintay na lang niyang umamin ito. Pero siyempre, bukas pa rin ang isip niya sa ibang posibilidad. Tinawag na lang niya itong "Poem Girl."

"Pasaway 'yong pinsan ko, eh. Nagpaiyak na naman ng babae," sabi ni Jep. Nasa terrace siya ng kuwarto niya at ikinukuwento niya si Brent, na kanina ay may hiniwalayan na namang girlfriend. Nagpunta sa bahay nila ang babae, nagbantang magpapakamatay. Buti napigilan.

"Ikaw ba, magpapaiyak din ng babae?" tanong ni Poem Girl sa pinalalim nitong boses.

"Hindi ah," sabi niya.

"Mukha mo. Magpapaiyak ka din, sigurado 'yan."

"Pero susubukan ko pa rin na 'wag magpaiyak," sabi niya. "Lalo na 'yong mabubuting babae. 'Yong mga mabubuting babae, dapat inaalagaan 'yan. Hindi pinapaiyak."

"Mabubuting babae? Sino? Sample nga."

"Ikaw," deretsong sabi ni Jep. Nararamdaman kasi niya na mabuting babae talaga ang nagpapadala sa kanya ng tula.

"Hah," she said. "Hindi mo naman ako kilala, iniisip mo agad na mabuting babae ako. Paano kung mamatay-tao pala ako?"

"Mamatay-tao ka ba?"

"Hindi."

"O 'yon naman pala, eh," he said, then giggled.

"Master Jeffery," may kumuha ng atensyon niya. Nilingon niya iyon. Ang mayordoma ng mansyon na nagpalaki na rin sa kanila, si Madam Zenaida.

"Excuse me lang, Poem Girl," sabi ni Jep, bago harapin si Madam Zenaida. "Bakit po, tita?"

Tao ito at alam na nito na nagsisilbi ito sa mga mortal na bampira. Mukhang hindi naman ito natatakot dahil nga alam nitong hindi naman sila nangangagat ng tao at isa pa, nasundan na nito ang pagkabata nila. Iyon nga ang dahilan kaya "tita" ang tawag niya rito.

"Nakahanda na ang hapunan. Sariwang puso at dugo ng usa."

Agad na tinakpan ni Jep ang mouth piece ng cell phone, para hindi marinig ng kausap niya ang sinabi nito.

"Mamaya na lang po ako kakain, tita," sabi niya, medyo nataranta.

Bahagyang umangat ang kilay nito. "Sigurado ka ba? Dati ay hindi ka nakakapaghintay na makainom ng dugo ng usa."

Favorite niya kasi ang dugo ng usa. Minsan lang kasi sila nakakakain ng sariwang puso at dugo dahil madalas ay pagkain na pangtao ang niluluto ni Madam Zenaida na okay lang naman sa kanila. Minsan man siya makatikim ng dugo, mas gusto naman niyang makausap ang babaeng nagpapadala ng tula sa kanya...

"Okay lang po ako, sige na po."

"Alam mo naman siguro na may posibilidad na ubusan ka ni Master Brent, 'di ba?"

Masiba din si Brent sa dugo ng usa. At alam niyang posible ngang hindi siya tirhan non, masamid sana.

"Opo, okay lang po. Magluluto na lang po akong instant noodles mamaya."

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon