Haba ng Hair, Nag-rejoice ka ba, Girl?

2K 69 14
                                    


KINABUKASAN ay nakayukong naglalakad si Jane sa pathway ng paaralan. Hindi siya naihatid ng araw na iyon kaya nagcommute siya. Pinagtitinginan na naman siya ng mga schoolmates niya at iniisip niya kung kailan ba mawawala ang tsismis na tinutulungan siya ng mga engkantada.

"Ay palakang malandi!" Napasigaw siya sa gulat nang may kotseng bumusina sa likod niya. Natigil tuloy siya sa paglalakad. Nilingon niya ang pesteng bumusina. Isang black na kotse ang nakita niya. Mukhang ihininto iyon ng driver pagkatapos siyang businahan. Nakababa ang bintana niyon sa may backseat at nakita niya kung sino ang nakasakay doon. Si Brent, ngiting-ngiti sa kanya.

"Hi," sabi nito. "Nice morning, huh?"

Kumunot ang noo ni Jane. Makulimlim kaya ang langit kasi may bagyo! "'Pinagsasabi mo diyan?"

Brent laughed. "Biting. I like that."

Jane's jaws dropped. Doon lang niya naalala ang paalala ni Jep sa kanya. Iyong sinabi nitong popormahan na siya ng mga pinsan nito. Hindi kaya... ito na ba 'yon?

"Gusto mo bang sumabay sa 'kin?" He then smiled sleepily at her.

"B-bakit naman ako sasabay sa 'yo?" she asked. Malapit na naman siya sa gate.

"Para hindi ka na maglakad papasok. Hindi ka na mapapagod."

"Malapit na lang ang gate." Itinuro niya ang gate. "Isang singa na lang."

Brent chuckled. "Cute," he said. "Well, we can have a short road trip for a while. Fifteen minutes. Maaga pa naman, eh."

Lalong nabigla si Jane. 'Eto na nga yata 'yon! Nilalandi na siya ni Brent! Bakit ba? Hindi kasi ipinaliwanag ni Jep sa kanya. Sa totoo lang, alam niyang siya na yata ang pinakahuling babae sa mundo na lalandiin ni Brent. Baka mas landiin pa nito si Manuel kaysa sa kanya.

"Bakit mo ko niyayaya?"

"Wala lang."

"Nagsa-shabu ka ba?"

Natahimik ito, nakatitig sa kanya. Pagkatapos ay pinalamlam ang mga mata. "C'mon, please come with me? Please?" He pouted.

Nagpapa-cute! Nagpapa-cute sa kanya ang school heartthrob! Akala yata ay madadaan siya doon.

Bago pa makasagot si Jane ay may kumapit na sa braso niya. Napabaling siya gumawa niyon. Si Jep ang nakita niya, seryoso ang mukha habang nakatingin sa pinsan nito.

"Sasabay siya sa 'kin, Brent," matigas na sabi ni Jep.

Brent rolled his eyeballs. "Oh, c'mon." Sa kanya bumaling si Brent. "Sa 'kin ka sumabay, may chocolates dito sa kotse."

Napa-angat ang kilay niya. "You sound like a pedo."

Napangiti si Jep nang makitang binara lang niya ang pinsan nito. Ang kamay nito na kanina ay nasa braso niya, biglang bumaba sa kamay niya. Para bang ang sinabi niya ang nagbigay dito ng karapatan na gawin iyon. Pinagsalikop nito ang mga kamay nila at ang naging epekto niton ay ang pagkalat ng kakaibang init sa buong katawan ni Jane.

Hinawakan niya ang kamay ko... her mind was screaming. Holding hands kami!

"Ako ang maghahatid sa kanya sa room niya," sabi pa ni Jep, itinuro ang sarili.

Napailing si Brent. "Panira," masama ang loob na sabi nito. Isinuot nito ang sunglasses nito bago umangat ang bintana ng sasakyan nito at mayamaya pa ay umandar na iyon papasok sa university.

Naiwan sila ni Jep na nakatanaw sa kotse.

At holding hands pa rin kami, ha? Holding hands pa rin!

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon