Hours before the party...
NAKATINGIN si Jane sa repleksyon niya sa salamin. Magaling ang nagmake-up sa kanya. Nakita ang kagandahan ng kanyang mabibilog na mga mata. Nakita na rin ang kurba ng kanyang mga labi. Inahit ang kanyang mga kilay para maging maarko at maging tama lang ang kapal.
Magaling ang nag-make up sa kanya pero ang nakikita lang ni Jane sa salamin ay ang takot sa mga mata niya.
"Ang ganda mo friend," sabi ni Manuel na siyang kasama niya sa silid niya. Doon kasi siya minake-up-an. "Natotomboy ako sa 'yo."
Humagikgik ang Mama Bella at Papa Edward niya na nakaupo sa kama niya.
"Maganda talaga ang anak ko," pagmamayabang ng mama niya. "Tingnan mo, bagay na bagay sa kanya ang suot niya."
Formal ang party kaya nakasuot siya ng dress na halos hindi naman abot sa kanyang tuhod. Kulay itim iyon at medyo may uka sa bandang dibdib. Tinernuhan niya iyon ng itim na sapatos na may mataas na takong. May suot din siyang fascinator sa ulo.
"Oo nga po, bagay na bagay sa kanya," pagsang-ayon ni Manuel. Bumaling sa kanya si Manuel. "Tara na. Kanina pa naghihintay si Jep sa labas."
Sa labas ay naroon ang isa sa mga sasakyan nina Jep. Ang driver nito ang maghahatid sa kanila papunta sa school, kung saan gaganapin ang party.
"Oo nga anak," sang-ayon ng mama niya. "Baka kanina ka pa hinihintay ng prinsipe mo."
Ngumiti si Jane, sabay tumango. "Tara na, Manuel."
Naka-alalay sa kanya si Manuel pagbaba ng hagdan. Kuntodo alalay din ang mama at papa niya, akala mo prinsesa talaga ang anak ng mga ito. Nang makalabas siya ng bahay ay nakita niya na nakatayo si Jep sa tapat ng bahay nila, nakasandal sa nakaparadang pulang kotse nito. Nakapamulsa ito sa suot nitong itim na slacks na bagay na bagay dito dahil hindi maluwag ang tabas. Nakasuot ito ng itim na tuxedo, may puting panloob at itim na bow tie. Simple lang ang suot nito pero hindi niya makakailang napakaguwapo talaga nito.
Nang makita siya nito ay hindi ito nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa kanya na para bang may kakaiba sa kanya. Nakalapit na siya rito ay napapakurap ito, para bang hindi siguradong nasa harap na nga siya nito.
"Okay ka lang?" she asked.
Napakurap uli ito, mayamaya pa ay napangiti. "Yeah," he said. "You're..."
"Beautiful?" dugtong ni Jane sa sasabihin ni Jep. "Sus, namake-up-an lang, ganyan ka na."
"You're more than beautiful, babe," sabi ni Jep. Bahagyang pinisil ang baba niya. "You're so beyond that silly word."
Napangiti siya sa sinabi nito. Napangiti rin naman ito. At napapalakpak naman si Manuel sa tabi nila.
"DID YOU BRING your dagger with you?" pabulong na sabi sa kanya ni Jep habang nagbi-biyahe sila patungo sa school na pagdadausan ng party. Magkatabi sila nito sa backseat habang si Manuel naman ay nasa passenger seat.
"I did," sabi ni Jane. Itinaas ang hawak niyang purse. "Nandito."
"Good," sabi ni Jep. "Mabuti na 'yong handa tayo ngayong gabi. Hindi natin alam kung ano'ng pwedeng mangyari."
Tumango si Jane. "I know." Sa totoo lang ay may masama siyang kutob sa gabing iyon. Pakiramdam niya ay tama si Jethro. Pakiramdam niya ay malaki ang posibilidad na gumawa na ng hakbang ang kung sino mang nagpapadala sa kanya ng death threats.
"Tatawagan ko sina Brent, titingnan ko kung naroon na sila," sabi ni Jep. "Mabuti nang nakakasiguro na marami kaming nagbabantay sa 'yo."
Tumango si Jane, sunod ay bumuntong-hininga. Habang tinatawagan ni Jep ang mga pinsan nito ay pumikit siya, umusal ng maikling panalangin.
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...