Ang Katotohanan

938 28 1
                                    


SABI ni Manuel, makakabuti daw na sa bahay nito sila magtago. Wala raw ang mga magulang nito doon. Pumayag na si Jane. Masyado na siyang nag-aalala para umangal o mag-isip ng ibang solusyon sa problema.

Pagkapasok na pagkapasok nila sa bahay ay sala ay bumungad sa kanila. Tipikal na sala, isa lang ang kakaiba. Ang stretcher sa gitna niyon. Bakit may stretcher doon?

Pero dahil Nursing student naman si Manuel, hindi siguro kakaiba na mayroong stretcher doon.

"Jane akin na muna 'yang purse mo," sabi ni Manuel. "Parang nanghihina ka, eh. Umupo ka muna, friend."

Umupo nga si Jane sa pulang couch na naroon, nakatingin pa din sa stretcher. Wala sa sariling inabot niya kay Manuel ang purse niya. Ilang segundo din siyang tulala lang, hanggang sa marinig niyang binuksan ni Manuel ang purse niya. Nabaling tuloy ang atensyon niya sa kaibigan.

Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig nang makitang seryoso ang mukha nito. Hindi nakangiti o ano pa man. Malalim bawat hugot ng hininga nito at hawak-hawak na nito ang punyal na inilagay niya sa purse niya.

"Susundin mo lahat ng ipapagawa ko, Jane," sabi ni Manuel sa tinig nitong buo at malalim. Not the effeminate voice she was so used to hear from him. "Susundin mo o kung hindi, malilintikan ka sa 'kin."

DUMADALOY ang mga luha ni Jane habang nakatingin sa kaibigang si Manuel.

Pinahiga siya nito sa stretcher. Iginapos siya nito doon. Naglabas din ito ng mga gamit na tingin niya ay para sa pagdo-donate ng dugo. Merong blood bag na kinabitan ng isang transparent na tubo na dadaanan ng dugo. Sa dulo ng tubo ay mayroong isang mahaba at matulis na karayom.

Isang tingin lang sa mahabang karayom na iyon ay nagtayuan na ang mga balahibo ni Jane.

Kay Manuel na lang niya ibinaling ang tingin. Nagsuot ito ng rubber gloves, pagkatapos ay naghila ng silya patabi sa stretcher na hinihigan niya.

"This is my macopharma blood collection system," narinig niyang sabi nito habang may ikinakabit sa braso niya. A cuff. Iyong katulad sa sphygmomanometer. "Ito ang gagamitin ko para makuha ang dugo mo."

"Manuel..." nasabi ni Jane. "Manuel, don't."

Parang hindi siya nito narinig. Dinampot nito ang mahabang karayom. Itinutok nito iyon sa mukha niya. "This might sting a little bit, honey."

"Don't do this," sabi ni Jane. "You're my friend."

Bahagyang natawa si Manuel dahil sa sinabi niya. He looked at her with apologetic eyes. "I have to do this Jane," he said. "I can't let you take Murray away from me."

"Manuel--"

Hinawakan ni Manuel ang braso niya. Tila naghahanap ito ng ugat doon. "This might sting, honey. Pagbilang ko ng tatlo, itutusok ko na ha?"

"Manuel, please..." nasabi niya, nagsimula nang kapusin ang hininga, titig na titig sa mahabang karayom.

"One..."

"Manuel you're mistaken--"

"Two." After saying that, he inserted the needle in the part of her arm that was opposite her elbow. Nakagat niya ang labi niya nang makaramdam ng sakit. Ngumiti naman si Manuel sa kanya. "It's better if you didn't see it coming." Tinapik-tapik ni Manuel ang pisngi niya. "Like the fact that I'm the one who had sent you those threats."

Hindi nakasagot si Jane doon. Habol pa niya ang hininga niya dahil sa takot niya sa karayom kanina. Nakatitig siya kay Manuel na titig na titig sa transparent na tubong nakakabit sa kanya.

"Are you going to kill me?" she asked.

Nag-angat ito ng tingin, sinalubong ang titig niya. He smiled. "Hindi," he said. "I just want your blood."

When Jane's blood began flowing on the transparent tube connected to the blood bag, Manuel's smile became wider.

"I just want your golden blood."

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon