DINALA si Jane at mga kaibigan niya ni Jep sa isang fast food restaurant. Libre daw nito, para daw hindi na sila pumila sa canteen. Sinabi kasi niya na gutom na siya at OA ito kung makapag-react, akala mo magkakaroon ng world war kapag nalipasan siya ng gutom.
Pero hayun sila, naka-order na, hinihintay na lang na dalhin sa mesa nila ang pagkain. Magkatabi sila ni Jep at magkatabi naman si Murray at Manuel sa tabi nila. Panay ang titig ni Manuel sa mga bulaklak na ibinigay rito ng mga pinsan ni Jep. Si Murray ay bahagyang naka-angat ang kilay habang nakatitig kay Manuel.
"Tuwang-tuwa ka talagang matanggap 'yang mga bulaklak na 'yan?" parang masama ang loob na sabi ni Murray. Nakatingin ito sa mga bulaklak na para bang monsters ang mga iyon from outer space.
"Ikaw ba naman mabigyan ng mga pogi ng bulaklak, eh," sabi ni Manuel.
"Itabi mo nga 'yan, allergic ako diyan," sabi ni Murray.
Tumingin si Manuel kay Murray. "No, you're not," he said.
"I am," sabi ni Murray, pinanlalakihan ng mga mata si Manuel.
Napakurap si Manuel. Mayamaya ay natawa. "Nagseselos ka ba?"
Hindi nakapagsalita si Murray. Biglang nagkaroon ng kulay ang magkabilang pisngi nito.
"Oh my, you're jealous!" sabi ni Manuel.
Pumalatak si Murray. "That's insane," sabi ni Murray, inilayo ang tingin kay Manuel. "I'm not jealous."
Bumaling si Murray kay Jane at tumitig sa babae. "I'm not jealous," wika nito na parang nagpapaliwanag.
Itinaas lang ni Jane ang mga kamay niya. "Sabi mo, eh," she said. Then she giggled.
Naramdaman niyang dumukwang ang boyfriend niya at bumulong. "They're going to end up together."
At dahil napalakas ang bulong ng tinamaan ng magaling na binatang bampira ay nakita niyang sumimangot si Murray. Natatawang kinurot lang niya ang boyfriend niya.
Nang matapos na silang kumain at pauwi na dahil wala ng klase, nagpasya ang mga "boys" na ihatid muna silang mga "girls." Okay, si Jep lang pala ang nagsabing ihahatid muna sila ni Manuel. Si Murray kasi, nang sabihang ihatid nito si Manuel ay nagsabi lang, "He can walk."
"Tawagan ko na lang ang isa sa mga pinsan ko," nakangiting sabi ni Jep. "Nasa school pa naman siguro sila. Puwede nilang ihatid si Manuel--"
"No," mabilis na sagot ni Murray, daan para mapatingin silang tatlo rito. Tumitig ito kay Jep. "No offense, hindi ako tiwala sa mga pinsan mo."
"None taken," nakangiting sagot lang ni Jep.
"At ako na ang maghahatid kay Manuel," sabi ni Murray, sa kanya naman nakatingin.
Bago pa sila nakapag-react ni Jep ay hinawakan na ni Murray si Manuel sa braso at namumula ang mukha nito habang hila-hila si Manuel palayo sa kanila.
"Cute," sabi ni Jep, nakatanaw sa dalawa.
"Yeah."
"Pero mas cute tayo," sabi nito, tumaas-baba ang kilay.
Natawa lang si Jane. Mayamaya pa ay nakaakbay na sa kanya ang boyfriend niya, ihahatid siya sa sakayan niya pauwi.
"KNOCK KNOCK."
Mula sa binabasang libro ay napatingin si Jane sa bintana. As usual, naroon na naman ang boyfriend niya, kumakatok. Napangiting binitiwan niya ang libro at lumapit sa bintana at binuksan ang pinto.
"Pa-aalalay," sabi nito, nag-outstretch ang mga braso.
Inalalayan naman niya ito hanggang sa makapasok sa kuwarto niya. Makislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya, parang sobrang saya na nakita siya eh magkasama din naman sila kanina.
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...