CHAPTER TWO
NAGPUNTA uli si Jane sa library kinabukasan, hoping na makita uli ang lalaking may mapuputing ngipin.
Puno nga lang ang library pagpasok niya. Iginala niya ang paningin niya sa paligid. Wala ang lalaki. Wala pa siyang mapuwestuhan.
Bumuntong-hininga si Jane, naghanap ng mauupuan. Parang okupado lahat ng upuan, may mga nag-aaral at may mga naglalandian lang. Gusto na lang ni Jane na magbasa ng nobela kaya pinagbuti niya ang paghahanap ng mauupuan.
Meron naman siyang nakita. Sa pinakadulo ng library, may isang mesa na isang lalaki lang ang nakadulog. May bakanteng silya sa tapat nito. Agad na agad na naglakad palapit doon si Jane.
Nang nasa tapat na siya ng mesa ay agad siyang nagtanong sa lalaki, "Puwede bang makiupo?"
Deadma. Nagpatuloy lang ang lalaki sa pagbabasa ng isang Michael Crichton na nobela. Hindi niya gaanong makita ang mukha nito dahil natatakpan ng librong binabasa nito.
"Puwede bang makiupo?" ulit niya.
Wala pa ring reaksyon mula dito.
"Kuya?" she asked.
Tumigil ang lalaki sa pagbabasa, inilapag ang libro sa mesa. Natigilan saglit si Jane nang makita ang mukha ng lalaki. Guwapo ang lalaki, in a nerdy way. Matangos ang ilong nito, pinkish ang lips at hindi naitago ng salamin nito sa mata ang magagandang mata nito. Nakatitig sa kanya ang mga matang iyon na parang inis na inis ito sa presensiya niya.
"Puwedeng makiupo?" pag-ulit niya sa tanong, itinuro ang bakanteng silya sa tapat nito.
The guy didn't say anything. He just looked at her, as if he was trying to read her mind.
Bingi yata, saloob-loob ni Jane. Sa dati niyang university ay may mga schoolmate siyang deaf mute. Siguro ay mayroon din dito.
"Ako." Itinuro niya ang sarili. "Upo." Itinuro niya ang silya.
Nagsalubong ang kilay ng lalaki. "I'm not deaf," he said. His voice was deep and soft, like silk.
Medyo napahiya naman si Jane. Nag-init ang magkabilang pisngi niya. "Eh, hindi ka kasi nagsasalita, eh," she said. "Sige na, paupo na. Wala namang bakanteng upuan, eh."
"Ayokong maistorbo kapag nagbabasa ako," malamig na sabi ng lalaki.
Maistorbo agad? Para namang balak niyang magsasayaw ng Trumpets sa harap nito kung makapag-react ito.
"I just want to read a book, too," she said. "Pero kung sosolohin mo talaga 'tong mesa, kung tatapakan mo talaga ang karapatan ko bilang isang mag-aaral, bilang isang Pilipino, wala akong magagawa."
Saglit na napatanga sa kanya ang lalaki, napapakurap. Parang nabigla sa pinagsasabi niya. Ilang segundo pa rin itong titig na titig sa kanya bago napabuntong-hininga. "Fine," he said. "You can sit down." Dinampot nito ang libro at nagpatuloy sa pagbabasa.
Natuwa naman si Jane. Umupo siya sa tapat ng lalaki at kinuha sa bag niya ang binabasa niyang nobela.
"Salamat ah," sabi pa niya. "Nabasa ko na 'yang State of Fear." Ang tinutukoy niya ay ang binabasa nitong libro. "In fairness, nagandahan ako diyan--"
"I'm not asking for your opinion."
Natememe si Jane. Gusto lang niyang magkaroon ng connection sa kapwa niya bookworm, tablado naman agad.
"Okay."
Nagbasa na lang si Jane. Natahimik na lang silang dalawa. At dahil natahimik sila, narinig niya ang usapan ng mga babae sa katabi nilang mesa.
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...