Die, Sweetness

1.3K 43 0
                                    

NANG magmulat ang mga mata ni Jane ay agad siyang nagtaka, dahil hindi niya alam kung nasaan siya. Mukhang isang malaking function room ng hotel ang paligid. Maraming bintana na natatakpan na makakapal na kurtina. May mga airconditioner sa paligid, bumubuga ang mga iyon ng napakalamig na hangin. Sa 'di kalayuan ay parang may maliit na platform na tinutuntungan ng mga host, kung function room nga ang lugar na iyon.

Bakit siya naroon?

"Wakey wakey, sweetness."

Nang marinig ang endearment na iyon ay doon tuluyang nawala ang pagkahilo ni Jane. Doon lang din niya naalala ang ginawa sa kanya ni Emerald. Nanlaki ang kanyang mga mata at agad siyang nataranta. Balak sana niyang gumalaw at doon niya natuklasan na nakagapos pala siya sa isang silya.

Tumawa si Emerald, naglakad papunta sa harap niya. Umupo ito sa isang couch na nasa tapat ng silyang inuupuan niya. She was still wearing their uniform, but some of the buttons of the blouse were undone. Her hair was unruly and her make up faded a little.

"Gising na siya baby?" tinig mula sa likod niya. Tinig ng isang lalaki.

"Yeah, baby," sagot ni Emerald. At mayamaya ay nakita niya ang boyfriend ni Emerald na si Scott, tumabi rito sa couch. Wala ng suot pang-itaas ang lalaki, nakaitim na pantalon na lang at medyas. He was smoking while looking at her.

"She's staring at my body, babe," sabi ni Scott, humagikgik.

Humagikgik din si Emerald. Tumitig sa kanya gamit ang magaganda--ngunit tila patay na mga mata nito. She leaned forward. "Is that true, sweetness? Nakatingin ka ba sa katawan ng boyfriend ko?" Ang kamay ni Emerald ay dumampi sa katawan ng boyfriend nito. "Hmm... I'd let you touch him, if you like."

The couple giggled together. Gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Jane.

"You're both sick," she said. "Pakawalan n'yo ko. Wala kayong mapapala sa 'kin."

Walang reaksyon mula sa dalawa.

"Hindi ko alam kung bakit n'yo 'to ginagawa, pero maniwala kayo, wala kayong mapapala. Wala akong pera--"

"We don't need money, sweetness." Kinuha ni Emerald sa boyfriend nito ang sigarilyo, hinitit iyon at binuga paitaas ang usok. "You're here because I hate your freaking guts."

"Wala akong ginawa sa 'yo!" bulyaw ni Jane sa babae. "Wala! Ikaw pa nga ang may masamang ginawa sa 'kin! Kaya pakawalan mo ako!"

Tila nagalit si Emerald dahil sa pagtataas niya ng boses. Tumayo ito mula sa sofa at nanlalaki ang mga mata na lumapit sa kanya. "Wala? Walang kang kasalanan, ha? Inagaw mo sa 'kin si Jep!" sabi nito. Dinuduro-duro siya sa mukha ng kamay nitong may hawak na sigarilyo. "Inagaw mo sa 'kin hindi lang si Jep, pati na ang atensyon ng mga schoolmates natin! Suddenly, you're the fucking darling of the crowd! The fucking darling of the crowd!" Diniin nito bawat salita ng huling pangungusap. Hindi naman nakasagot si Jane, nakatingin sa sigarilyo na nanganganib na dumikit sa kanyang mukha.

Mabuti na lang at ihinagis din ni Emerald ang sigarilyo sa sahig at tinapakan. "I don't even understand," she said. "I don't understand how an ordinary girl like you can steal my spotlight. Bigla, pinagkakaguluhan ka na ng mga heartthrob ng school." Natawa si Emerald, malakas. Sobrang lakas na naisip ni Jane na sana ay hindi na lang siya nakagapos, para matakpan niya ang tainga at hindi na marinig ang nakakikilabot na tawang iyon.

Dahan-dahan ding humina ang tawang iyon at natulala si Emerald, nakatanaw sa malayo. "Isa lang ang pumansin sa 'kin sa magpipinsan na 'yon. Pero ngayon, nasa 'yo na rin siya," wika ni Emerald ang tinig ay kalmadong-kalmado.

Hindi alam ni Jane pero kapag biglang kumakalma si Emerald, doon siya mas lalong natatakot. Nakaramdam tuloy siya ng pamimigat ng pantog niya. She had to pee so bad. She was really scared as hell.

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon