You never saw this coming, Plain Jane

1.4K 52 9
                                    


BAKIT kapag masaya ang love life mo, parang maliwanag bawat umaga? Ang mga gabi, maliwanag din, parang maraming bituin. Bakit hindi mo alintana ang puyat? Bakit?

Mga tanong 'yan sa isip ni Jane habang naglalakad patungo sa locker niya, ilalagay doon ang gamit na maari naman niyang iwan sa school. Excited siya dahil iyon ang araw na sinabi niyang ipapakilala niya si Jep sa parents niya bilang boyfriend niya.

Nabanggit na niya sa parents niya ang mangyayari at mukhang masaya naman ang mga ito at hindi galit. Kilala naman siya ng mga ito at alam naman ng mga ito na aware siyang may limitasyon sila.

Masaya si Jane na parang mapapalapit na si Jep sa pamilya niya. Ngiting-ngiti tuloy siya nang siya ng buksan niya ang locker niya.

When she saw what's inside, her smile instantly disappeared.

NAPANGITI si Jep nang makita si Jane--isang normal na reaksyon na kapag natatanaw niya ito. Pero nawala ang ngiti niyang iyon nang mapansing tila nanlalambot ito. At tila may takot sa mga mata nito.

Nang makalapit na ito sa kanya ay tinitigan siya nito sa mga mata. Naroon pa rin ang takot. "Kanina ka pa ba?" she said.

Magkikita sila sa waiting shed dahil doon sila susunduin ng tatay nito para maipakilala na siya. Excited siya at kinabakahan pero nawala na iyon dahil sa nakita niya sa mukha ni Jane.

"Natatakot ka bang ipakilala ako?" he asked, hinaplos ang pisngi ni Jane. "Maiintindihan ko--"

"No," putol nito sa sasabihin niya.

"Eh, bakit ganyan ka?" he asked. "You look scared."

Lumunok si Jane, ilang segundong hindi nakapagsalita. Pagkatapos ay binuksan nito ang bag nito, may kinuha doon at iniabot sa kanya. Isang puting papel.

Nang makita iyon ni Jep, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Dali-dali niya iyong kinuha at binuklat. Nang mabasa niya ang nakasulat doon ay parang nakaramdam siya ng panlalamig.

DRAIN YOUR BLOOD. DRAIN YOUR BLOOD. DRAIN YOUR BLOOD. DRAIN YOUR BLOOD, YOU BITCH.

It was another threat. Written in what seemed to be blood.

"Kanina ko lang nakita 'yan sa locker ko," sabi ni Jane, nanliliit ang tinig, niyakap ang sarili na tila lamig na lamig. "Kaya alam kong kanina lang 'yan inilagay sa locker ko."

He didn't know what to say.

"Imposibleng si Emerald ang nagpadala niyan," sabi nito. Nag-angat ang mata nito at sinalubong ang titig niya. Nanginginig ang mga labi nito at tila naging takot na bata ito sa paningin niya. "Jep, hindi si Emerald ang nagpapadala ng death threat."

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon