Pitik Bulag

2K 64 0
                                    


CHAPTER FOUR

NAKITA ni Jep na sumimangot si Emerald nang kunin niya mula sa locker niya ang isang pulang sobre.

May laman na naman iyong tula, sigurado siya.

"May tula ka na namang natanggap?" mataray na sabi ni Emerald, nang makita ang hawak niyang sobre.

Alanganing tumango si Jep. Kilala niya si Emerald. Sa mga ganitong sitwasyon ay makakabuting wag na lang siyang magsalita. Pag-aawayan na naman nila iyon.

Wala nga silang ginawa nitong mga nakalipas na araw kung hindi mag-away. He was really getting tired of it. Lagi na lang siyang binubungangaan nito. Bakit raw palangiti pa rin siya sa iba? Samantalang gano'n din naman ito sa ibang lalaki.

Seeing Emerald wasn't the highest point of Jep's day anymore. The highest point of his life would be reading the daily poems his admirer was sending to him. The admirer really had a way with words and she could make him feel special.

Sa totoo lang ay may ideya siya na si Jane ang nagpapadala ng tula. Hinihintay lang talaga niyang umamin ito sa kanya at sa totoo lang ay balak niyang sabihin kung gaano niya na-a-appreciate ang mga sinusulat nito.

"Ano bang maganda sa tula?' sabi ni Emerald, hinila sa kanya ang pulang sobre. "Pangit siguro 'yang nagpapadala sa 'yo niyan, kaya ayaw magpakilala."

Pinilas ni Emerald ang sobre ng tula at natigilan lang si Jep, nanood. Gusto niyang pigilan ang babae. Sa totoo lang ay nakaramdam siya ng inis dito sa pagpilas ng tula na para sa kanya. Pero kaysa makipagtalo ay pinili na lang ni Jep na hindi na magsalita.

Dumiretso si Emerald sa basurahan at itinapon doon ang pilas-pilas na sobre. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya. "Malaman ko lang kung sino 'yong pangit na nagpapadala sa 'yo ng tula, malilintikan 'yon sa 'kin."

Nagkibit balikat na lang si Jep. Kumapit na sa braso niya si Emerald at nagsalita tungkol sa paborito nitong topic: sarili nito. Hindi nakikinig si Jep. Ang iniisip niya ay ang tulang pinilas ni Emerald.

Sayang. Hindi man lang niya nabasa. He bet it would make his day better.

"TINGIN n'yo natutuwa siya sa tulang isinusulat ko?" iyon ang tanong ni Jane sa mga kaibigan niya isang araw, habang nakatambay sila sa mini-forest.

"Oo naman," pang-e-encourage sa kanya ni Manuel. "Sino namang hindi matutuwa sa ganyan? Nang sulatan ako ni Murray ng tula--"

"Kahit kailan, hindi kita sinulatan ng tula," sabad ni Murray.

"--natuwa talaga ako. Lalo na nakasulat sa tula iyong sobrang pagmamahal niya sa 'kin. Iniisip niya daw ako everytime na mag-isa siya sa kuwarto, sa banyo--"

"You're nuts," sabi ni Murray.

"Kaya maniwala ka, Jane, na-a-appreciate ni Jep 'yang mga tula mo. Lalo na mabait naman 'yon."

Tumango-tango si Jane. "Pero paano ko kaya malalaman na gusto talaga niya 'yong mga tula?"

"Hmm... may isang paraaan," ngiti-ngiting sabi ni Manuel habang hinihimas ang baba.

"Ano?" magkasabay nilang tanong ni Murray.

KINAKABAHAN si Jane habang palapit sa locker ni Jep. Maghuhulog na naman siya ng tula sa locker nito, pero this time ay isinulat na niya ang cell phone number niya sa sobre. Kung natutuwa daw si Jep sa sulat, panigurado ay co-contact-in siya nito.

Nakailang buntong-hininga siya habang nasa tapat ng locker ni Jep. Nang mailusot niya doon ang sobre na may lamang tula ay hindi siya agad nakagalaw, pumikit at humugot ng malalalim na hininga.

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon