Before the Party

1.7K 60 4
                                    


CHAPTER SIX

NAPASIMANGOT si Jane nang makita ang text ni Brent. Kung tapos na raw siya sa literary paper nito, dalhin na daw niya sa kuwarto na nasa rooftop ng building ng library.

Tapos naman na talaga niya, noong isang linggo pa. Ayaw lang talaga niyang ibigay sa mapang-asar na binata. Pero para wala na itong habulin sa kanya, mabuti pang ibigay na niya rito ang kailangan nito.

Nagpunta nga siya sa rooftop ng library. Offlimits sa kanilang mga estudyante iyon, pero wala namang pumigil sa kanya. Kumatok siya sa pinto ng lounge nina Brent. Tuloy-tuloy siya sa pagkatok hanggang sa bumukas ang pinto.

Ang seryosong mukha ni Jethro ang nasilayan niya. Nagkatitigan sila. Umangat ang kilay nito habang nakatitig sa kanya. Then, he sighed. "Jep, Jane is here to see you."

"Ah--" Pero bago pa siya makapagreact ay pumasok na ito. Ayaw na sana niyang pumasok sa loob pero wala na siyang magagawa. Okay na rin, sisilay na lang siya kay Jep.

Pumasok siya sa loob. Malamig, nakatodo yata ang aircon. Makakapal ang kurtina sa bintana kaya hindi mo alam kung umaga pa rin ba o gabi na kapag nasa loob ka. May ilaw naman, pero dim lang, malapit kay iyon kay Jethro na nagbabasa ng libro.

"Hi, Jane," narinig niya ang tinig ni Jep, dahilan para kumabog nang mabilis ang dibdib niya. Nakaupo sa sofa na nasa tapat ng malaking TV si Jep. Hawak nito ang cell phone nito, pinapaikot sa kamay nito habang nakatitig sa kanya.

"May sasabihin ka ba?" tanong ni Jep sa kanya.

Aawang na lang ang bibig ni Jane nang biglang bumukas ang pinto sa di kalayuan at lumabas si Brent, inaayos ang belt ng pantalon nito. "Actually, ako ang pinuntahan niya rito."

"Ha?" nasabi ni Jep.

Si Jethro na abala sa pagbabasa ay tumigil at napunta ang atensyon sa kanila.

"Oo, ako ang ipinunta niya rito," sabi ni Brent, grinning ear to ear. "Siya kasi ang gumawa ng literary paper ko."

Napatingin si Jane kay Jep. Nakita niyang nabigla ito. Napapakurap ito, tila naghihintay ng punch line.

Lumapit sa kanya si Brent at kinindatan siya. Presko talaga. "Natapos mo na?" he said.

"Oo." Inabot niya rito ang project nito.

"Thanks," he said, tinapik-tapik siya sa balikat.

Tumingin siya sa kamay nito. "Naghugas ka ba?" she asked. Malay ba niya? Galing ito sa banyo.

Jane heard someone giggle. It was not Jep. It was Jethro. At si Jep ay nakatingin lang sa kanila, at bahagyang nakakunot ang noo. O gano'n lang ang gusto niyang maging reaksyon nito?

"Thank you for doing my literary paper. How can I repay you, huh?" Umangat-angat ang mga kilay nito, halatang nang-aasar.

Wala siyang balak na pumatol. "Okay na 'ko. Aalis na ko." Damang-dama kasi niya na nasa kanya ang mga mata ng magpipinsan. Nginitian niya si Jethro na tumango lang sa kanya. Bumaling siya kay Jep at nginitian niya ito, pero parang hindi siya nito nakita. Bumaling siya kay Brent na ngising-ngisi, ni hindi man lang ito nginitian bago ito talikuran.

SUMAMA ang timpla ni Jep nang malaman na si Jane ang gumawa ng literary paper ni Brent. May hinala na kasi siya na si Jane si Poem Girl. Sa totoo lang, kumbinsido na talaga siya na ito si Poem Girl. Pero ngayong iginawa nito si Brent ng project, mukhang nagkamali pa yata siya ng akala.

And it annoyed the hell out of him.

Napatingin siya kay Brent na katabi niya sa sofa, flipping through the pages of his paper. He was smiling. "Smart chick," he said.

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon