UMUWI si Jep sa mansiyon na namumula ang mga mata. Mabuti na lamang at hindi na masakit ang mga iyon. Nag-aalala si Jethro nang sumalubong sa kanya.
"Ano'ng nangyari?" sabi ni Jethro. "Tinawagan ako ni Jane, sinabi niya na mayroon ka ngang nakitang nilalang na nagmamasid sa may bintana ng kuwarto niya."
Tumango si Jep. "Oo," sabi niya. "Hinabol ko pero hindi ko inabutan. Naghagis siya ng lupa sa mukha ko." May panggigigil sa tinig niya nang sabihin niya iyon. Hindi niya matanggap na nakawala pa sa kanya ang nilalang na iyon. "Nagpunta ba si Brent sa bahay nina Jane? Nagbantay ba siya do'n?"
Tinawagan niya kanina si Jethro, sinabi rito na papuntahin muna si Brent kina Jane para ito naman ang magbantay. Masakit na ang mga mata niya para gawin iyon. Ibinilin niya na manatili ang lalaki ilang metro mula sa bahay nina Jane. Mabuti na iyon dahil baka balikan ito ng nilalang.
Tumango si Jethro bilang sagot sa tanong niya. Lumapit ito at hinawakan ang pisngi niya at pinakatitigan ang mga mata niya. "You should put eyedrops on that," he said.
"I will," sabi ni Jep, may galit pa din sa tinig.
"And you should call Jane," sabi ni Jethro. "No'ng tumawag siya kanina... naramdaman ko na nag-aalala talaga siya sa 'yo."
Sapat na ang narinig na iyon ni Jep para kahit paano ay humupa ang nararamdaman niyang galit. Bumuntong-hininga siya, naalala ang mukha ni Jane. Wala siyang hindi gagawin para maprotektahan ang buhay nito...
"I will call her," he said.
And he did. And hearing her worried about him was enough to make everything better.
LALONG tumitindi ang pangamba ni Jane sa paglipas ng mga araw. Wala mang dumadating na bagong death threat sa kanya ay natatakot naman siya sa nakumpirmang katotohanan na bampira ang kalaban nila. At alam naman niyang ang bampirang iyon ay isa sa mga schoolmate niya.
Madalas ay napapatingin siya sa paligid, madalas ay napapaghinalaan niya ang mga kaklase niya at ang mga nakakasabay niyang kumain sa canteen. Hindi niya mapigilang itanong sa isip na paano kung katabi na niya ang bampira? Paano kung nakatitig na iyon sa kanya, hindi lang niya alam?
Kahit sina Jep ay tumitindi na rin ang takot para sa kanya. Gabi-gabi ay may isang nakatoka sa mga ito na magbantay sa labas ng bahay nila. Nakokonsensiya na si Jane dahil sa totoo lang ay hindi naman obligado ang mga ito na protektahan ang buhay niya. Pero ina-assure naman siya ni Jep na handang tumulong hindi lang ito maging ang mga pinsan nito.
"Saka kung kalahi man namin ang nagbabanta sa buhay mo, kailangan talaga kaming maki-isa para hindi siya magtagumpay," sasabihin pa ni Jep.
Ayaw nang isipin ni Jane kung ano ang mangyayari kapag nagtagumpay ang nilalang. Paano kung masipsip nito ang lahat ng golden blood na nasa katawan niya? Maghahari ang nilalang na iyon at magkakaroon ng malakas na kapangyarihan. Sunod niyon ay siguradong mapapahamak sina Jep at ang mga pinsan nito. At ngayong napamahal na siya sa mga ito ay hindi niya makakayang tanggapin ang ideyang iyon.
"Magkakaroon tayo ng isang welcome party para sa bagong university president," ang mga sinabing iyon ng presidente ng student council ang pumutol sa mga alalahanin ni Jane. Nagpunta ito sa classroom nila para sa announcement na iyon.
Nag-express ng excitement ang mga kaklase niya. Si Jane ay tahimik lang. Ayaw niyang dumalo sa kahit anong party, wala siyang gana.
"Tingin ko, lahat kayo ay ire-require ng college n'yo na dumalo," dagdag ng student council president. Payatot itong bakla na naka-braise. "Magkakaroon kasi ng mga importanteng announcements tungkol sa unibersidad sa gabing iyon. 'Wag kayong mag-alala, hindi n'yo naman kailangang magbayad."
Nakaramdam ng panlulumo si Jane. Nanlalambot siyang lumabas ng classroom ng matapos na ang announcement at ang klase. Nanghihina siya nang makalabas ng building ng College of Education. Now she had to call Brent, ito ang naatasang magbantay sa kanya ngayon. Dinukot niya ang cell phone sa bulsa at muntik nang mapaiyak nang makitang low batt na iyon.
Bakit ba kailangan niyang maranasan laahat ng 'yon?
From being ordinary, her life had come to this. And she hated it. She wanted her ordinary life back.
"Jane?"
Napalingon si Jane sa tumawag sa kanya. Si Manuel. Mag-isa ito. Nakatingin ito sa kanya na parang nag-aalala.
"Okay ka lang, friend?" sabi nito nang lumapit.
Pilit niyang nginitian ito. "No," she said. Hindi na niya napigilan ang sarili. In-express niya lahat ng kinikimkim niyang takot. "Natatakot lang ako dahil sa nagtatangka sa buhay ko. I can't even function right anymore." Sinamahan niya iyon ng isang walang buhay na tawa.
Walang sinabi si Manuel. Pero may kakaibang emosyon siyang nakita sa mga mata nito. Was it... was it guilt? May alam ba ito tungkol sa nilalang na nagtatangka sa kanya, pero hindi lang nito sinasabi iyon?
But that was impossible. Ni hindi nga yata aware si Manuel na may bampira sa unibersidad. She was turning into a paranoid at ngayon ay nadadamay pa ang mga kaibigan niya.
"I'm scared," sabi ni Jane kay Manuel, bahagyang nanginig ang tinig.
Manuel sighed. "I understand."
Niyakap siya ng kaibigan. Niyakap din naman niya ito nang mahigpit.
"SHOULD we let Jane attend the party?" iyon ang tanong ni Jethro isang araw, nasa lounge sila ng mga ito, pinag-uusapan nila ang darating na party para sa bagong university president.
"Everyone is required to attend that party," sagot naman ni Brent.
"Pero sa mga pelikula, sa mga nobela, kapag nagkaroon na ng party... doon na kikilos ang kalaban," sabi ni Jethro.
Brent shook his head. "Nakukuha mo 'yan sa pagbabasa mo ng libro, eh."
Walang nasabi si Jane. Kumapit lang siya kay Jep na hindi rin kumikibo. Wala naman talaga siyang choice kung hindi ang um-attend sa party. Pero sa totoo lang ay takot din siya, dahil paano kung tama si Jethro? Paano kung sa party mismo gumawa ng hakbang ang nilalang?
Jane realized that she would have to live with paranoia and fear because the creature who wants her blood is still on the loose.
And she didn't want to live that kind of life.
Ipinatong ni Jane ang kamay niya sa kamay ni Jep. Agad naman nitong pinisil ang kamay niya, pisil na nagbibigay ng assurance.
"Tingin ko naman ay hindi siya kikilos sa mismong party," sabi ni Brent sa seryosong tinig. "Kasi ma-e-expose ang pagiging bampira niya at ayaw naman niyang mangyari 'yon, 'di ba?"
Sabay-sabay na napatango silang lahat.
"Pero sakali mang may gawin siyang hakbang..." Humugot ng malalim na hininga si Brent bago magpatuloy. "Mabuti na rin iyon, para makalaban na tayo at matapos na 'to. We don't have to live in fear anymore."
Napatingin si Jane sa mga mata ni Brent. At doon niya na-realize na tama ito. Mas makabubuting matapos na ang lahat kaysa tumagal pa, at mabuhay sila araw-araw na puno ng takot ang mga puso nila.
"Sige," sabi ni Jane, sinamahan iyon ng tango. "I will attend the party."
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...