"WHAT are we going to do now?" tanong ni Jane.
Narinig ni Jane na sabay-sabay na napabuntong-hininga ang magpipinsan bampira. Nakaupo sila paikot sa coffee table sa lounge ng mga ito sa rooftop ng library. Sa coffee table nakapatong ang note.
"Kailangan may gawin tayo," sabi ni Jep sa seryosong tono. Kagabi ay pinilit pa rin nitong maging magiliw sa kanyang mama at papa. Mukhang hindi naman nakahalata ang parents niya na may problema. Magaling magtago si Jep ng nararamdaman at nakisabay siya dito. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya kay Jep.
Iyon ang isa sa mga magagandang nangyari sa buhay ni Jane kagabi. Pero ang note na ito ang isa sa mga masasama. At kailangan na pag-usapan na nila ito ngayon.
"We understand your concern, cousin," sabi ni Jethro, inayos ang salamin nito sa mata.
"Really?" tanong ni Jep. May sarcasm sa tinig nito kaya tinapik niya ito sa balikat.
"Dapat ba nating ipaalam ang nangyayari sa parents niya?" tanong naman ni Brent.
Natahimik ang mga binatang bampira. Alam niya ang inisip ng mga ito. Kapag nalaman ng parents niya ang lahat ay matutuklasan din ng mga ito na bampira sina Jep. At posibleng hindi na matahimik ang buhay ng magpipinsan.
"Hindi na," saad ni Jane. "Mas makabubuting hindi na nila alam."
Tumingin si Jep sa kanya ng may pag-aalala. "Babe--"
"Hindi si Emerald ang nagpapadala ng death threat," biglang sabi niya. "Tingin ko ay inisip lang natin na siya dahil siya ang nagtangka sa buhay ko at huminto na rin naman ang pagpapadala ng mga threats na ito."
"But now... kung sino man siya... nagpapadala na siya ulit," sabi ni Brent.
"At hindi na natin pwedeng irule-out na tao ang gumagawa nito," sabi ni Jethro. "Pero hindi rin naman natin kakalimutan ang posibilidad na isang mortal na bampira ang may kagagawan nito."
Tumango si Jane.
"We need to be ready this time," sabi ni Jep. "At kailangan mas maingat tayo kumpara noon. Hindi tayo maingat noon, kaya nakidnap ni Emerald si Jane."
"And we need a weapon," sabi ni Jethro. "I mean, kung sakaling may masama talagang mangyari, kailangan may sandata tayo. At 'yong sandatang iyon, kailangan puwedeng magamit sa tao at sa bampira."
Saglit na natahimik ang lahat. Nahulog sa malalim na pag-iisip. Hanggang sa bigla na lang mapapitik si Brent.
"Alam ko na!" he said.
Sabay-sabay naman silang napatingin sa lalaki.
"Minsan, nagbakasyon ako sa Pangasinan. May nakilala akong isang babae. Anak siya ng isang panday..." sabi ni Brent. Bigla ay napansin ni Jane na bahagyang namula ang magkabilang pisngi ng lalaki. "Iyong panday, gumagawa iyon ng mga punyal. Ang mga punyal na iyon ay pinabasbasan ang talim. Puwede tayong bumili ng mga punyal na 'yon na magsisilbi nating sandata."
Mukha namang nagustuhan ni Jep ang ideya. Tumango-tango ito, pinakatitigan ang pinsan. "Sumama ka sa 'min. Puntahan natin ang panday na sinasabi mo."
Hindi nakapagsalita si Brent. Saglit ding natulala ito. Para bang biglang lumipad sa kung saan ang isip nito.
"Brent?" untag ni Jethro sa lalaki.
Doon naman tila natauhan si Brent. "No," sabi nito. "Ibibigay ko na lang sa inyo ang address. Ipagtanong-tanong n'yo na lang."
"May problema ba?" tanong ni Jep, nahaluan ng concern ang tinig.
Naglayo ng tingin si Brent. "Wala," he said. "Pahinging papel. Isusulat ko doon ang address."
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...