Payback

1.6K 47 3
                                    


NAKANGANGA si Jane sa harap ni Jep nang matapos itong magkuwento. Hindi niya alam kung nagjo-joke ba ito o ano. Sobrang cliche kasi nang kuwento nito.

Pero isa lang naman ang point...

"Bampira ka?" sabi ni Jane, namimilog ang mga mata.

"Sssh," sabi ni Jep, inilagay ang hintuturo sa harap ng labi nito. Iginala nito ang paningin sa mini-forest, kung saan naroon sila ngayon. Malayo naman sila sa iba nilang schoolmate kaya tingin niya ay walang nakarinig sa sinabi niya. "'Wag kang maingay."

Napakurap si Jane. "Pero..." Dumukwang siya ng bahagya. "B-bampira ka nga?" pabulong na sabi niya.

Tumango si Jep. "Hindi lang ako. Pati na ang mga pinsan ko," sabi nito, titig na titig sa kanya. "Natatakot ka ba?"

Nakakita siya ng sobrang pag-aalala sa mga mata nito. Alam niyang natatakot itong sumagot siya ng 'oo.' Natatakot nga ba siya? Hindi. Napakarami niyang binasang libro, she'd live a hundred of fictional lives and creatures like vampires intrigued her more than it ever scared her. Isa pa, kilala niya si Jep at mukhang hindi naman ito pumapatay ng tao.

O hindi nga ba?

"Nambibiktima ka ba ng tao?" pabulong pa ring tanong ni Jane.

"No," mabilis na sagot ni Jep. "Ang mga ninuno namin ay isang bampira at isang mortal. Anak kami ng mortal na bampira. Ibig sabihin ay mortal na bampira din kami. Kaya naming paglabanan ang kagustuhan naming uminom ng dugo."

Natahimik si Jane. Si Jep naman ay lalong nag-alala. "Natatakot ka na sa 'kin, 'no?" sabi nito, nabahiran ng kalungkutan ang mga mata. At ayaw ni Jane na nangyayari iyon.

Napangiti siya, napailing. "Hindi ako takot sa 'yo," sabi niya, seryoso ang tinig. Nakatitig sa mga mata ng binatang bampira. Paano siya matatakot sa isang lalaking gusto niya?

"Talaga?" sabi nito, mukhang nakasilay ng pag-asa.

"Oo," seryosong sabi niya, tumango. "Paano ako matatakot sa lalaking nagdala sa 'kin ng talong no'ng may sakit ako?"

Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi na napigilan ni Jep na mapangiti. Nagkaroon pa nga ng kapilyuhan ang mga mata nito. "Kinain mo ba 'yong talong?" sabi nito, may humor sa tinig.

Nag-init naman ang magkabilang pisngi niya. "Hindi, 'tinanim ko. Malay mo tumubo?"

Natawa si Jep. Makikitawa rin sana si Jane kung hindi lang niya naalala ang death threat. Hindi pala siya dapat tumawa ngayong may banta sa buhay niya.

"Jep... hindi ko alam kung ano ang koneksyon ng inamin mo sa 'kin sa death threats na natatanggap ko."

Nawala ang kasiyahan sa mukha ni Jep. Muli ay naging seryoso ito. Naggala ang tingin sa paligid. "Kung pagbabasehan kasi ang nakasulat sa death threat, na he's going to drain your blood, parang isang bampira ang nagbabanta sa buhay mo."

"You mean isa sa mga pinsan mo?"

Na-imagine bigla ni Jane si Jethro na hinahabol siya, gusong hambalusin ang ulo niya ng hardbound na libro.

"Hindi. Imposibleng sila ang nagbabanta sa 'yo," sabi ni Jep. "Ang alam ko lang, isang mortal na bampira siguro ang nagbabanta sa 'yo, dahil ang mga purong bampira ay hindi na kailangan ng golden blood para maging makapangyarihan."

"Golden blood?"

"Walang nakakaalam sa origin ng mga taong may golden blood. Pero ang golden blood ay ang dugo na pangarap naming mga mortal na bampira. Kapag nainom kasi namin iyon, lalakas ang aming kapangyarihan," sabi ni Jep. "At nang maaksidente ka, at masalinan ng dugo, golden blood ang naisalin sa 'yo."

A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon