NANLALABO na ang paningin ni Jane. Siguro ay dahil marami-rami na rin ang nakukuhang dugo sa kanya. She was really going sleepy. Was she going to die?
Perhaps she was. She didn't expect it to end like this. She didn't expect that Manuel was the one wanting to harm her. She didn't expect that she was going to die in his hands.
Naalala niya si Jep. Naalala niya ang bawat ngiti, kindat at pagpapa-cute nito. Naalala nito ang sinabi nito na gusto siya nito kahit wala sa kanya ang golden blood. Naalala niya ang mga yakap at halik nito.
It was a good thing that the last thing she was able to tell him was that she loves her, too.
Napangiti si Jane sa naisip niyang iyon. Her eyelids are beginning to get heavy. And right before nothingness had swallowed her whole, she head a sound of a crashing door.
NAKITA ni Jep kung paanong naalerto si Manuel pagkakita sa kanila. Nanlaki ang mga mata nito at namutla ito. Nakatayo lang ito at hindi makagalaw, parang naestatwa.
"Bakit... bakit nandito kayo?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Murray.
"Dahil nalaman namin agad ang balak mo," sabi ni Murray. "You turned us against each other. It's a good thing we figured it our before we have succesfully killed each other."
"Murray..."
"Hindi ko inaasahang kaya mong gawin 'to, Manuel," sabi ni Murray, puno ng pain at disappointment ang tinig. "Hindi ko inaasahan na magagawa mo 'to."
Hindi nakapagsalita si Manuel. Ang maamong mukha nito ay nalukot, kasunod ay pinangiliran ng mga luha ang mga mata nito.
Napatingin naman si Jep kay Jane. Nakagapos si Jane sa stretcher, walang malay. Agad niyang tiningnan si Murray. "Take care of Manuel," sabi niya. Wala na siyang balak saktan si Manuel o ano. Kailangang madala niya si Jane sa ospital.
Tumango si Murray. Mabilis ang naging pagtakbo nito palapit kay Manuel. Hinawakan nito ang magkabilang braso ng kaibigan nito. Siya naman ay mabilis na lumapit kay Jane. Mabilis niyang kinalas ang taling ipinanggapos dito. Tinanggal niya rin ang aparatong nakakabit dito.
Agad-agad niyang binuhat ito at ni hindi niya tiningnan ang sina Manuel bago siya lumabas ng bahay nito.
Sa ilalim ng buwan na tuluyan nang hindi ikinukubli ng mga ulap, mabilis na itinakbo ni Jep si Jane sa ospital. Panaka-naka ay tinitingnan niya ang maputlang mukha ng babaeng mahal niya at ibinubulong niya rito kung gaano niya ito kamahal. Nagbabaka-sakaling maririnig pa rin siya nito...
Kumapit ka lang, Jane. Ililigtas kita. Hindi ko hahayaang mawala ka, Jane. Ililigtas kita.
"I DID THIS for you," nasabi ni Manuel, pilit hinugot ang mga kamay mula kay Murray. Hinubad niya ang rubber gloves niya at pinunasan ang kanyang mga luha. "I did this for you. Because you want the golden blood!"
Pinulot ni Manuel ang blood bags na may lamang dugo ni Jane. "Kapag naisalin ko 'to sa katawan ko, you're going to love me. Kapag nasa 'kin na ang golden blood--"
Tinabig ni Murray ang blood bag sa kamay niya. Nabitiwan niya iyon at nahulog iyon sa sahig. Titig na titig si Murray sa kanya, hindi nagsasalita.
"You're never going to love me unless I have the golden blood," sinabi ni Manuel habang titig na titig sa mga mata ni Murray.
Umiling si Murray. "You're wrong."
Doon na tuluyang hindi nakontrol ni Manuel ang emosyon niya. "I'm wrong? How can I be wrong? Tumawag ka sa 'kin isang gabi, sinabi mo sa 'kin na si Jane lang ang gusto mong kagatin. Sinabi mo sa 'kin na siya ang gusto mo, siya ang pinili mong maging vampire bride mo. Akala ko pa naman, pinagseselosan mo na sina Brent at Jethro. Akala ko pa naman, may pag-asa tayo. Pero wala pala. So how can I be wrong, Murray, huh? How can I be wrong?"
BINABASA MO ANG
A Vampire's Ideal Girl (COMPLETED/PUBLISHED BY PHR)
RomanceWala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang si Jeffery--o Jep. Pero nagbago ang buhay niya nang maaksidente siya at kinailangan na masalinan ng d...